Is Saab Magalona ready for upcoming wedding to fiancé Jim Bacarro?

Saab Magalona on wedding to fiancé Jim Bacarro: "Super excited ako. Sabi ko nga sa kanya e, sobrang I love him so much and I’m dreading the night before the wedding kasi hindi kayo puwede magsama ’di ba? Like the day before the wedding, so I’m kind of getting really anxious. But I just want to get it over with, I just want to spend the rest of my life with him."


"Okay naman! I’m good, I’m happy!" ito ang magandang bati ni Saab Magalona sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press nang makapanayam ito sa Preview Ball nitong Biyernes ng gabi, June 27, sa Hyve Superclub, Bonifacio Global City.

Hindi na maitago ni Saab ang excitement nang tanungin kung kamusta na nga ba ang paghahanda sa kasal niya sa musikerong si Jim Bacarro.

Si Saab, 26, ay anak ng yumaong master rapper na si Francis M. at Pia Magalona, at kapatid nina Maxene at Elmo Magalona.

Naganap ang engagement nina Saab at Jim noong March 29 habang nagbabakasyon sila sa Japan kasama ang pamilya ni Saab.

READ: Saab Magalona now engaged to musician Jim Bacarro

Kuwento ni Saab, "Super excited ako. Sabi ko nga sa kanya e, sobrang I love him so much and I’m dreading the night before the wedding kasi hindi kayo puwede magsama ’di ba?

"Like the day before the wedding, so I’m kind of getting really anxious.

"But I just want to get it over with, I just want to spend the rest of my life with him."

Excited man, aminado ang blogger-musician na hindi pa niya nararamdaman ang pressure ng isang bride-to-be.

Paliwanag ni Saab, "I think I’m not doing as much as I should be doing kasi parang I only have a few months left to plan.

"I’m hoping the bridezilla in me comes alive kasi parang hindi pa talaga ako sobrang handa with the wedding planning.

"But I just want to get it over with because I just want to get married and be with the love of my life."

WEDDING PLANS. Inusisa ng press kung sigurado na ba si Saab sa kanyang desisyon na magpakasal. Buong loob itong sinagot ng dalaga: "Yes, I am. I’ve known my fiancé for almost 10 years now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "We’ve been together for three years.

"Actually my fiancé and I, we’re in the same band together so we really, really enjoy each other’s company."

May date na nga ba ang kanilang kasal?

Tugon ng singer-actress, "Meron naman, next year, pero let’s keep it under wraps para meron namang konting mystery."

Nais ng dalaga ng isang simpleng kasalan lang ang maganap sa kanila ni Jim kasama ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Kuwento ni Saab, "I just want it to be as simple as possible with only the people who have been very supportive of our relationship and of course, our families.

"So, it’s really very small—intimate."

Paliwanag pa ng dalaga, "Because you know, for me... it’s not about the wedding, it’s about the marriage.

"So, I don’t want to spend much money on a party, you know, ’cause I rarely celebrate my birthday.

"And this one, it’s just me and my fiancé throwing a party for the people who have been supportive of our love."

Hindi na rin sinabi ni Saab kung sino ang mga napili nilang ninong at ninang sa kasal. Ngunit sabi niya, "Meron naman, konti lang. Hindi talaga siya bongga."

Kinuha niya bilang bridesmaid ang nakakatandang kapatid na si Maxene at masaya raw ito sa kanilang planong pagpapakasal.

Wika ni Saab, "People have been saying nga na siya yung ate ko and she should get married first.

"But you know, for her, she’s super supportive, she loves my fiancé so much.

"She has no ill feeling about it whatsoever."

Isang advice na lang daw ang maibibigay niya sa kanyang kapatid na mauunahan niyang magpakasal.

Sabi ni Saab, "You know I told her, ’Huwag mong pilitin. Pag mangyayari, mangyayari.’

"And she’s my maid of honor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan naman kaya sila magha-honeymoon?

Sabi ni Saab, "We plan to go to New York.

"I’ve never been outside of Asia so, I plan to go to New York with him.

"We’re gonna watch a few bands habang bata pa kami.

"Yung mga Paris, siguro pang mga 10th anniversary yun."

May naiisip na ba silang plano pagkatapos ang kanilang kasal?

Sagot ni Saab, "Definitely we want to be kaming dalawa muna, and maybe, you know, eventually we will have a kid soon."

Ilang anak kaya ang nais nila?

Tugon ng Kapuso star, "Ako siguro, two to three [kids are] good."

Hindi naman sigurado si Saab nang tanungin kung pansamantala siyang aalis sa showbiz. Sinabi nito na masaya siya para sa kanyang music career.

Kabilang si Saab sa indie band na Cheats na kinabibilangan din ng kanyang fiancé na si Jim.

Aniya, "We’ll see, pero I don’t know.

"I’m really enjoying my music career, yun nga yung band.

"As small as it may seem compared to the showbiz scene, sobrang love ko talaga siya.

But you know, acting is something I also enjoy doing so we’ll see."

MAULING INCIDENT. "I’m fine, I’m okay," ito naman ang naging tugon ng dalaga patungkol sa pagkabugbog nito sa isang private birthday celebration na inorganisa ng dating Eraserheads frontman na si Ely Buendia noong May 31, sa Capitol Commons, Pasig City.

READ: Saab Magalona confirms mauling incident: "I was punched on the head several times by an intoxicated man."

Kasalukuyang sumasailalim sa counseling si Saab upang tuluyang malagpasan ang traumang naidulot sa kanya ng pangyayaring ito.

Kuwento ni Saab, "Actually, I’m undergoing counseling, kasi nga, you know it’s not a joke.

"It was very dramatic and I would rather just keep it private, but of course, I would like to say na the reason I’m speaking up is because it’s never good to be violent against other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Especially because I wasn’t doing anything and it was a man who hit me so it was very shocking."

Dagdag pa ng dalaga, "But yeah, I’m going through the right process of dealing with it.

"And my only hope is to be able to overcome it. I wish nothing but the best for those people also.

"I don’t want them to die or anything, I just want inner peace."

Sa ngayon, hindi alam ni Saab ang kinaroroonan ng lalaking nambugbog sa kanya ngunit karma na lang daw ang bahala sa mga ito.

Sabi ni Saab, "I think they’re pretending to be out of the country and stuff like that ’cause I know these people personally.

"But I think, karma will, you know, catch up with them, if they don’t even feel sorry.

"I know who’s telling the truth din."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN