Kris Bernal on breakup with Carl Guevara: “It doesn’t mean na parang ayoko nang magmahal o whatever.”

Kris Bernal on handling her relationships: “Yung lovelife naman—I never focused on lovelife ever. Ako kasi, when it comes to love or falling in love, I make sure may natitira sa akin. I don’t give everything to the guy. I make sure na may balanse.”


Tanging ang paglabas sa once-a-week musical show ng GMA 7 na Sunday All Stars, pole dancing, at pag-attend ng speech lessons ang pinagkakaabalahan ngayon ni Kris Bernal habang naghihintay ng bagong project sa nasabing network.

Ang huling pinagbidahang serye ni Kris ay ang Prinsesa Ng Buhay Ko na nagtampok sa kanilang tambalan ni Aljur Abrenica noong nakaraang taon.

Dapat nga raw kumuha rin siya ng musical-instrument-playing lesson, kaya lang mas nangibabaw sa kanya ang mag-aral ng pole dancing at speech.

Ayon kay Kris, gusto niyang i-level up ang kaalaman niya sa dancing para naman may bago siyang matutunan.

“Saka na-enjoy ko na rin yung pole dancing at medyo intense yung training namin. So hindi ko na kayang pagsabayin. Nagti-take ako ng speech class almost every day,” lahad niya.

Bakit kailangan pa niyang kumuha ng speech lessons gayong mahusay naman siyang magsalita at malinaw naman siyang bumigkas ng mga salita?

“Wala lang. Kasi nag-iisip ako ng mga bagay na puwede kong ma-improve. At kung ano pa ang iba ko pang dapat gawin like pole dancing.

“Yung speech class is on the side na lang,” sabi pa niya.

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa GMA 7 studio kamakailan lang.

Inamin rin niyang ayaw niyang mababad sa kanilang bahay nang wala siyang ginagawa.

KEEPING HERSELF BUSY. Hindi ba siya naiinip dahil wala siyang acting projects? Walang tapings?

“Hindi naman ako naiinip kasi there are things that keep me busy. At ginagawa ko talagang busy yung sarili ko.

“Yung pagka-busy ko, hindi ako yung gumigimik or whatever. Talagang [I want] to improve myself in other fields,” pagmamalaki niya.

Baka naman kaya siya nagpapaka-busy ay para hindi niya maramdaman yung mga nangyari noong mga nakaraang buwan, gaya na lamang ng break-up nila ni Carl Guevara?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi naman sa gano’n. Kasi nagsimula naman ako sa classes ko, sa mga lessons ko, sa mga workshops ko, okey naman ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORK LULL. Dati ay maraming ginagawa si Kris, kaliwa’t kanan ang projects, at halos wala na siyang pahinga. Hindi ba siya nagtataka na maluwag ang schedule niya ngayon?

Pagklaro ni Kris, “Hindi naman ako nagrereklamo kasi ang pahinga ko naman, hindi naman yung sobrang tagal. Kasi inilalagay naman ako ng GMA sa iba’t ibang guestings.

“Alam ko naman na they know what’s best for me kung anuman ang show na yun. Maybe ang daming lumalabas na shows, na mga bagong shows. Pero alam nila kung ano yung para sa akin.

“So, wala akong reklamo do’n. I trust GMA so much regarding projects. And regarding sa build-up sa akin.

“Ako naman as talent sumusunod lang din ako.”

NOT MISSING HER LOVELIFE. Hindi ba naramdaman ni Kris na mas mainam sanang may lovelife siya ngayong mas maluwag ang schedule niya?

Komento ni Kris tungkol dito, “Yung lovelife naman—I never focused on lovelife ever. Kaya nga I didn’t get into a relationship dahil ayokong ma-focus ako doon.

“Kung may dumating at nawala, may naramdaman, ganun. Pero hindi naman yun dapat problemahin. Kasi parang there are so many things to be thankful for.

“Blessed naman ako, I have a happy family, meron naman akong magandang career. So wala naman kailangang ipanghinayangan.

“On the side, malungkot ka, pero above all, masaya lang ako. Enjoy lang.”

Buti naman at never kang nagpakabaliw sa pag-ibig?

“Hindi. Never talaga. Siyempre, hindi naman natin naku-control ang pag-ibig o feelings.

“Pero ako kasi when it comes to love or falling in love, I make sure may natitira sa akin. I don’t give everything to the guy.

“I make sure na may balanse. May time for family, for career and time for that [love].

“Kung anuman ang nangyari in the past, parang lessons lang yun sa buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita ba ni Kris na hindi talaga magtatagal ang lovelife kaya hindi niya ibinuhos lahat dito?

“Ayaw talaga, e. Ibinibigay ko naman nang buung-buo pero alam ko kung paano balansehin.”

Sa ngayon raw, pahinga muna ang puso ni Kris.

Masaya ba na wala muna siyang inspirasyon?

“Masaya naman, wala namang kulang,” sagot niya.

Magmamahal pa ba siya ulit?

“Oo naman. Pero hindi naman sobrang big deal yung nangyari dati.

“It doesn’t mean na parang ayoko nang magmahal o whatever. Siyempre, I’m free to love anyone and falling in love—kusa lang nangyayari yun.”

STILL FRIENDS WITH CARL. Kumusta na sila ni Carl ngayon?

“Okey naman, we’re friends. We see each other sa gym kasi we go to the same gym.

“Doon lang. Pero going out busy pa kasi, e. Everyday I have speech class. Two times a week may pole dancing ako.

“So medyo busy.

“Okey naman. Hindi kami magkaaway or whatever. Kung paano kami dati, gano’n pa rin naman ngayon.

“Gano’n pa rin naman kami pero sa ngayon, less time lang. Walang oras,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN