Claudine Barretto agrees to set aside differences with estranged husband Raymart Santiago for the sake of their children

Ayon sa kampo ni Claudine Barretto, matagal na nilang gustong mag-reach out sa nakaalitang asawa nitong si Raymart Santiago dahil ayaw naman daw ng aktres na lumaki ang mga anak na walang pag-aaruga mula sa ama. In photo are Claudine, Raymart and their kids Sabina at Santino.


Naging usap-usapan sa Internet kahapon, June 28, ang magkasunod na posts ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account.

Laman kasi ng mga larawang ito ang kuha nilang pamilya: siya, ang estranged husband nitong si Raymart Santiago, at ang dalawa nilang anak na sina Sabina at Santino.

Sa unang larawan, naka-caption dito ang mga salitang, “The Kids,their Dad & i:).”

Sa kasunod na larawan, sinabi ni Claudine ang mga ganitong salita, “happy day!”

Sa pangatlong larawan, caption ni Claudine, “Belated Happy Birthday @sabina_621 @raymartsantiago.”

Kuha daw ang mga larawang ito nang magkita ang pamilya sa isang restaurant sa Eastwood, Libis, Quezon City.

Read: Claudine Barretto and Raymart Santiago together again?

Samantala, noong June 20, ang ika-10 kaarawan ni Sabina, binati naman ito ni Raymart sa pamamagitan ng Instagram. Sabi niya, “I Love You my Sabina Happy 10th Bday 😄😍”


FOR THE SAKE OF THE CHILDREN. Kaninang hapon, June 29, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang abugado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio sa telepono.

Panimula niya tungkol sa mga nasabing larawan, “Ano lang yun, nag-agree sila to be cordial to each other for the sake of their children. Kasi naapektuhan ang mga bata siyempre sa pag-aaway, the tug of war between the parents.

“All I can say is that ano, ang nag-broker nun is yung court. That is within the context of the case for custody.”

Kasunod na kaya nito ang usaping pag-urong na ng mga kasong isinampa nila laban sa isa’t isa? Saad ni Atty. Topacio, “Wala pang ganung usapan.

“In the meantime, for the sake of the children, that was the temporary arrangement in the meantime.”

NO PROBLEM WITH CLAUDINE. Dagdag pa ng abugado, wala naman daw talagang problema sa kampo ni Claudine sa usapin ng pakikipagkita ni Raymart sa kanilang dalawang anak.

Wika pa nito, “Wala namang problema from the outset, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When we filed the case for custody. In-acknowledge naman ni Claudine na she does not want the children to grow up without a father.

“At okay naman siya sa visitation. Pero yung lawyer ni Raymart na babae, in-escalate bigla by filing a case against us. Kinontra demanda kami, dun lang naman nag-harden ang position namin.

“Which is now subject to a case for contempt against that lawyer. Ang nag-escalate lang naman diyan e, yung abugado ni Raymart na si Atty. [Ruth] Castelo, e.

“Bago pa man, nagri-reach out na nga kami na manood si Raymart noon ng dance recital ni Sabina sa Araneta, dumaldal naman sa media na hindi raw sincere yung offer, so it is the lawyer of Raymart who is actually sabotaging the efforts," sabi ni Atty. Topacio.

“Buti na lang nakikipag-usap na si Raymart without his lawyer. Without that lawyer.”

Bukas ang PEP sa panig ni Raymart at ng abugado nitong si Atty. Castelo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN