Richard Gutierrez and Sarah Lahbati plan to have a grand wedding

Richard Gutierrez on being a first-time dad: “I’m very happy. I love baby Zion, and I love Sarah. So, alam mo yun, parang, I’m not spending time sa kahit anumang negativity. We’re trying to move forward as a family and, kumbaga, I spend more time at home talaga, spending more time with my loved ones.”


Pinabulaanan ni Richard Gutierrez na secretaly married na sila ng kanyang kasintahan na si Sarah Lahbati, kung saan mayroon na siyang isang anak.

Pahayag niya, “Napag-usapan yun, actually.

“Pero kasi, para sa amin, if we’re gonna do that, gusto namin grand celebration. Gusto namin nandun yung family.

“Parang ang lungkot naman kung kaming dalawa lang, ’di ba?

“Gusto namin siyempre nandun yung family namin.

"Kaya maisip namin, ’Hindi, taymingan na lang natin.’”

Kaya hindi raw sila secretly married.

“Hindi, hindi, wala nang revelations! Ito na yun, si Baby Zion,” at natawa si Richard.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa presscon ng pelikulang Overtime ng GMA Films noong June 17, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

NOT JEALOUS ANYMORE. Natanong naman si Richard kung nawala na ba ang pagiging seloso niya kay Sarah.

Noon kasi ay napapabalitang seloso si Richard sa past girlfriends niya.

Sagot niya, “Siguro throughout the years din, naturally nag-mature ako, ’di ba?

“I understand things better now. I see things differently and alam ko naman na, of course, pagdating sa trabaho, wala namang problema.

“Kasi siyempre, trabaho namin ito bilang artista. Yun lang naman, wala namang dapat pagselosan.”

Paano kapag may offer kay Sarah na magpa-sexy, may kissing scene with her leading man? Okay lang ba kay Richard?

“Nasa kanya naman yun. I trust Sarah, I trust her judgment.

“Siya naman mismo, kasi mapili rin siya.

"So, alam ko rin naman kung ano yung mga gagawin niya o hindi, kung ano yung limitations niya sa sarili niya.

“So, I trust her,” saad niya.

Hindi siya magbabantay sa set?

“Hindi, may tagabantay na ako. Hindi, joke lang!” natawang biro ni Richard.

FAMILY MAN. Ngayong ama na siya, ano ang pinakamalaking pagbabago sa kanyang pagkatao?

Hindi na mainitin ang ulo niya?

“Hindi na masyado!” at muli itong tumawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, ’pag ang isang tao napuno yung puso mo ng pagmamahal, it will naturally lead you to the right direction.

"So, I think right now, I’m on the right direction.

“I’m very happy, I love baby Zion and I love Sarah.

"So, alam mo yun, parang, I’m not spending time sa kahit anumang negativity, we’re trying to move forward as a family.

"And, kumbaga, I spend more time at home talaga, spending more time with my loved ones."



BABY NUMBER TWO? Susundan ba agad nila ni Sarah si Zion?

Natatawang sagot ni Richard, “Marami ngang nagre-request, e. Dapat daw!

“Pero tingnan natin, nasa tamang panahon, nasa tamang panahon.”

May kakambal si Richard, si Raymond Gutierrez. Gusto rin ba niyang magkaroon ng anak na kambal?

“Gusto nga namin na magka-kambal, e. Pero nag-i-skip daw ng generation, ’di ba?

“Totoo ba yun?” tanong niya.

Sinabi namin kay Richard na hindi naman laging nangyayari. Minsan ay magkasunod na henerasyon ang kambal sa pamilya.

“O, ’yon, sana, sana!” asam niya.

Pinag-uusapan din ba nila ni Sarah ang tungkol sa family planning? O kung ilan man ang maging anak nila?

“Kasi, family planning, ngayon kasi, parang ang bilis lumaki ni baby Zion so naghahanap na kami ng nursery, ng schools niya,” sabi ni Richard.

As early as now?

“Oo, kasi siyempre ngayon pa lang, pinaplano ko na. Ayokong mabigla in the future, ’di ba?

"So, pinaplano ko na kung saang school siya pupunta, nag-research na kami.

"I can’t imagine having two to three or four kids ’tapos pag-aaralin mo silang lahat?

“’Di ba, parang ang hirap-hirap! ’Di ba?

“Yung attention mo to detail, kasi yung bawat baby ang bilis ng development.

“So, parang gusto muna naming mag-concentrate kay baby Zion, gusto namin lahat ng attention sa kanya.

"And then, maybe after a few years, ’pag okay na si baby, tingnan natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang taon bago nila balak sundan si baby Zion?

“A, wala pa, hindi pa namin napag-uusapan.

“Tingnan muna natin kasi parang gusto muna naming makapasok sa school si baby Zion and then we’ll see after,” sabi pa ng first-time dad.

PLANS FOR BABY ZION. May offer na bang endorsement para kay baby Zion?

Ani Richard, “May mga nagpaparamdam na, pero as of now, parang kaka-announce pa lang namin kay baby, ’di ba? So, parang…”

Pero tatanggapin nila? At sino ang manager, kung sakali? Sila ba ni Sarah o ang mommy niyang si Annabelle Rama na manager nilang magkakapatid?

Paglilinaw niya, “Hindi, siyempre lahat naman ’yan, siyempre kami ni Sarah magde-decide, ’di ba?

“Pero kung meron namang magandang project or magandang offer or something, siyempre ise-share ko naman sa family ko, ise-share din namin sa family ni Sarah.

“’Tsaka para sa future niya, actually nag-open na kami ng savings account for him, e.”

Papayagan ba nilang mag-artista rin si Zion?

“Hindi, basta gusto ko muna siyang pumasok sa school. Gusto ko muna siyang makatapos,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN