Kris Aquino opens up about breakup with Mayor Herbert Bautista

Kris Aquino’s message to Herbert Bautista: “And kahit hindi nga maganda ang naging ending natin, ito yung first time na nakapagsalita ako na hindi ako umiiyak. Hindi ako galit. Na grateful lang ako na dumating ka sa buhay ko..."


Isang mahabang pahayag ang pinakawalan ni Kris Aquino sa isyu tungkol sa short-lived romance nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa "P.O.V." segment ng The Buzz 15 kahapon, June 29.

May kaugnayan ang pagsasalita ni Kris sa naging mga sagot ni Mayor Herbert sa panayam nito sa Bandila noong June 6.

Nakapagbitiw na rin ng pahayag tungkol dito si Kris sa Aquino and Abunda, ang evening showbiz program ng ABS-CBN, kung saan inamin ni Kris na may kaunting galit pa siyang nararamdaman.

Hindi nagbanggit noon ng pangalan si Kris sa kanyang pahayag, ngunit malinaw na si Mayor Herbert ang kanyang pinatutungkulan.

Read: Kris Aquino still waiting for "personal sorry" from Mayor Herbert Bautista



A KRIS TELL-ALL. Kahapon, sa The Buzz, ay isiniwalat na ni Kris ang kanyang damdamin sa sinapit ng kanilang relasyon ni Mayor Herbert.

Simula niya, “I tried, I tried to keep quiet.

"It was unfortunate na humina ang self-control ko on A&A kasi tatlong buwan naman na kinaya ko talaga to keep quiet.

“Mahirap gawin yun when you have two daily talk shows and you’re back here on The Buzz.

“Ironic nga na siya naman ang unang nagsalita, when expected ng lahat na ako ang mag-overshare.

“I did keep quiet for one human reason. I got hurt for the very same reason because I truly loved him.

“In the perfect world, the same type of love that you gave is the same type of love that he will give you.

“At magiging tama ang timing ninyong dalawa, lahat ng mga mahal ninyo, lahat ng mga taong mahalaga, at may responsibilidad kayo sa kanila—handa na rin nilang intindihin kayo.

“Perfect timing means, yung mga naging parte ng nakaraan niyo, happy na. Kaya okey sa kanila na maging happy ka na rin.

“For me and James, ikinasal kami, nagpa-annul kami, malinaw yung closure namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And just a few months ago, nagkapatawaran kami."

Si James Yap ang dating asawa ni Kris, kung saan mayroon siyang isang anak, si Bimby.

Patuloy ng TV host-actress, “Bimb was vocal that he did like H.B., because he made Mama happy.

"And kahit seven years old lang si Bimb, ang sinabi niya, he just wants his Mama to be happy.

“My two sons [Bimby and Joshua] were ready to share me and my love.

"Tama ang timing sa side ko.

"Maybe when you fall in love, and the man asked you to spend the rest of your life with him, dahil hindi na kayo bata at marami na kayong mga napagdaanan sa kanya-kanyang buhay, darating yung point that you feel he’s your best friend.

“Effortless—yung to talk about work, to laugh together, to feel normal kapag magkausap kayo.

“When he asked you to spend your life with him, you do say yes.

"Kasi, naniniwala ka that everything will fall into place because what you have, you will feel that it’s meant to be.

“You have faith in forever.

"For someone who came from heartbreak, that was so hard to believe in forever again, and you believe that he wasn’t going to play games, and you believe na meron ka nang lifetime companion.

“Sa trabaho niyong dalawa, mararamdaman niyo na, oo, posible pala.

"Na bumuo kayo ng samahan na hindi nakaasa sa mga pabor na puwedeng hingin at pabor na puwedeng ibigay.

“Hindi pera o posisyon ang nagpaka-attractive sa inyong dalawa, kung hindi dahil you click. Nag-click ang ugali ninyo.

"And as much as our jobs have given us our lifetime fulfillment, nakakita ka pa rin ng safe haven with each other."

TREASURED MEMORY. Sinabi rin ni Kris na may paborito siyang “memory” ni Mayor Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “We went to Starbucks one Sunday.

"Noong nagbabayad kaming dalawa sa cashier, tinanong ng cashier, ’Do you want to split the bill?’ And we did.

“It was just all so normal. Yung parang napaka-regular naming tao kaya it felt so special.

"And then, unexpectedly, he breaks up with you.

“You choose to see the breakup from his perspective, because you do understand.

"You understand parental love because you love your sons so much too.

“And you hide that heartbreak and you just cry yourself to sleep every night.

"Makasigurado ka na yung dalawang anak mo na nagsi-share ng kuwarto mo, tulog na. Para hindi nila makita na umiiyak ka.

“And then, you forgive.

"Kahit na sinaktan ka, mahal na mahal mo pa rin siya at, kahit papaano, humanga ka sa kanya.

“Kasi, ito, e, personal niyang pinuntahan si Bimb. Kinausap niya ang anak ko. Man to man.

"Simple siyang nag-sorry kay Bimb dahil alam niyang nakita ni Bimb na nasaktan ako at nakita ni Bimb na umiiyak ako.

“Because somehow, he knew that he should set an example for Bimb.

"Na, as a gentleman, even when you do go through a breakup, boys should own up to it and say sorry.

“And that a son will instinctively feel yung pain na nararamdaman ng nanay nila at gugustuhin na protektahan ang nanay.

"And because nga na he loves his children so much, he knows na significant ang feeling ng mga bata.

“Then, somehow, you find the strength to rebuild the friendship."

Sa pananalita ni Kris, mukhang hindi pa nagtatapos ang kuwento nila ni Herbert.

Ayon pa kasi kay Kris, "And when he tells you na babalik siya kapag naayos niya ang lahat ng kailangan niyang ayusin, you start fixing yourself because mahal mo siya.

"Aasa ka.

“And every day, magdarasal ka, and yung prayer mo, ’God, sana it’s part of Your will that we will be together in the future.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Na sana, kami talaga ang meant for each other.

“’At sana, God, bigyan mo siya ng lakas para maayos niya ang sarili niya.

"’And ako, bigyan mo ako ng patience habang naghihintay ako na maging buo siya ulit.’"

THE ACCEPTANCE. Saad pa ng tinaguriang Queen of All Media, “’Tapos yun, isang gabi na makakapanood ka sa Bandila, and you hear him answer questions about you...

"Alam mo kasi na live yun, hindi yun edited, and it wakes you up to the reality na wala pala talagang somewhere down the road para sa inyo.

"And you can’t stop crying kasi yung future na inakala mo, yung ipinagdarasal mo, the future that kept you going, [those] dreams just disappear."

Sa tingin ni Kris, may dahilan kung bakit nagtagpo ang landas nilang muli ni Herbert.

“Dumating po siya sa buhay ko kasi kailangan kong maturuan ng true humility.

"Kinailangan ko kasi talagang maramdaman kung ano ang feeling na iwanan ka, ayawan ka. Masakit yun, ha.

"Masakit na ipamukha sa buong mundo, na kahit mahal na mahal mo yung tao, sa isang live interview, aamin siya na ayaw na niya sa iyo, hindi ka na niya babalikan

"And tatanggapin mo yun.

“Maybe, I really needed to learn a lot. I really needed to have strength of character.

"And kailangan mangyari ito, pini-prepare ako ng Diyos for a good future.

"Kasi ngayon, kinailangan kong matuto.

“I had to learn that, you know, love endures. Love forgives and love can actually be quiet. That love can be selfless.

“Love—it doesn’t blame no matter how much you’re hurting.

“Love doesn’t look for revenge. Love has no regrets.

“Tama na yung, oo nasaktan ka, pero papaalala mo sa sarili mo na the fact na minahal mo siya, napaligaya ka ng pagmamahal na naramdaman mong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I don’t wanna make a mistake sa sasabihin ko, kasi simple lang yung mensahe ko.”

MESSAGE FOR HERBERT. Sa pagkakataong ito, may binasa si Kris sa isang papel.

Aniya, “True love graciously let go.

"And ito, sincere ito, para kay Mayor Herbert, from my heart, ha...

"I really wish that kung ano ang magpapaligaya sa buhay mo, kung ano ang kukumpleto sa ‘yo bilang tao, sana lahat ng yun, mapunta talaga sa ‘yo.

“Sana makamit mo yun.

"Kasi, sa ‘yo ko natutunan ang kinailangan ko talagang matutunan.

“All my life, I was selfish. But, in you, I proved to myself capable pala akong magmahal unconditionally.

“And kahit hindi nga maganda ang naging ending natin, ito yung first time na nakapagsalita ako na hindi ako umiiyak.

"Hindi ako galit.

"Na grateful lang ako na dumating ka sa buhay ko.

“And someday, sana, sana maging magkaibigan pa rin tayo.”

Video: Courtesy of ABS-CBN


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN