Rochelle Pangilinan sheds inhibition and clothing in FHM cover: "Gusto ko talaga itong gawin bago man lang ako tumanda.”

People who know her are jolted by the jaw-dropping poses of Rochelle Pangilinan in FHM magazine. Now that she’s done it after much hemming and hawing, she says without batting an eyelash, "Tinodo ko nang lahat dito.”


Marami ang ginulat ni Rochelle Pangilinan sa daring cover shoot niya para sa July 2014 issue ng FHM Magazine.

Ipinakita ng dancer turned actress ang kurba ng kanyang katawan, ang malaking bahagi ng kanyang dibdib, at kalahati ng kanyang puwet.

Sinadya niyang "pasabog" talaga ang cover niya?

Sabi ni Rochelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi naman sa sinadya ko.

"I made sure lang na ganoon na katagal ang hinintay, sisiguraduhin ko nang worth it ito sa makakakita at bibili ng FHM.

“Ayoko siyang i-short change. Nakakahiya naman sa FHM, pinagkatiwalaan na nga nila ko.

“I just want to give them the best at malaking pagkakaiba talaga ‘to sa dati, so itinodo ko ng lahat dito.”



SECOND TIME. Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-cover si Rochelle para sa FHM.

Ngunit noong una, sa March 2004 issue, ay kasama niya ang iba pang SexBomb Dancers.

Pag-amin ni Rochelle, hindi naging madali sa mga taga-FHM na kumbinsihin siyang mag-pose nang solo sa pagkakataong ito.

Paliwanag niya, “Natatakot kasi ako noong una.

"But then, naisip-isip ko, ito na nga siguro ang tamang oras para dun."

Ang mismong manager daw niyang si Perry Lansigan ang kumumbinsi na gawin niya ito.

“Sobra na talaga niya akong kinukulit about it, as in matagal na.

"And palagi akong nakikiusap na pass na lang at huwag na.

"Then, after so much thought, after a long assessment and convincing, nagkalakas din ako ng loob kaya pumayag na ako.

“Besides, gusto ko naman talaga itong gawin bago man lang ako tumanda!” natawang sabi niya.

"BEAUTIFUL!" Ang boyfriend naman ni Rochelle na si Arthur Solinap ay nagustuhan ang kinalabasan ng pictorial niya para sas FHM.

Pagmamalaki nga ni Arthur sa Instagram: “B E A U T I F U L! Grab a copy of FM July issue. Proud of you @rochellepangilinan sexy and elegant. True Filipina beauty.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinailangan pa rin bang magpaalam ni Rochelle kay Arthur bago siya pumayag mag-pictorial?

Tugon ng dancer-actress, “Hindi naman sa kailangan kong magpaalam, nagsabi lang ako na I will be doing this.

"Sabi niya lang, if I am ready, he will support me 100 percent.

“Noong natapos na nga, ipinakita ko sa kanya, ayun, nagustuhan niya kaya double happiness ang naramdaman ko.”

Ano naman ang naramdaman niya sa magandang feedback sa cover pictorial niya?

Pahayag ni Rochelle, “Flattered and thankful.

“Flattered kasi may nakaka-appreciate sa akin, thankful kasi marami ang sumusuporta.

"Marami ang nagko-congratulate, I am so overwhelmed."

PREPS. Nag-diet daw si Rochelle at halos araw-araw tumatakbo at nagdyi-gym bilang paghahanda sa cover shoot niya sa FHM.

“Diet talaga, almost everyday running. Kapag may time, gym.

"Most of the time, healthy eating akong talaga.

“Salamat na lang talaga sa aking superb team. Lalo na kay Juan Sarte for saying yes and doing my make-up, yung mga nag-style, si Chris Rodil sa hair ko.

"At si JP Dizon sa shoot at, siyempre, si Doc Marlon Pecho for capturing every move, he made sure I looked beautiful.

“At malaking tulong sa akin talaga ang Gold’s Gym, si Nelson Cruz ng Toni & Guy, Faces and Curves, at Reluxe Spa na naging handa ako at confident.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN