Andoy Ranay reveals Viva Films’ plan to make James Reid and Nadine Lustre as movie stars

Director Andoy Ranay answers favoritism issue in Viva Films: “Being a favorite of Viva, I don’t think I am. I signed a contract with them, that’s why ang ginagawa ng Viva ay sini-serve nila ang contract that I signed. Hindi naman it necessarily mean na ako ang favorite kasi nga may kontrata. So, ganun yun. Sa awa ng Diyos, naging successful nga yung huling movie ko at para naman yun doon sa mga bata.”


Pinabulaanan ni Andoy Ranay na siya na ang paboritong direktor ngayon ng Viva Films matapos tumabo sa takilya ang Diary ng Panget noong April ng taong ito.

Ang Diary ng Panget ay pinagbidahan ng mga baguhang sina Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman, at Andre Paras.

Kasalukuyang tinatapos ni Direk Andoy ang follow-up movie nina Nadine at James na Talk Back And You’re Dead, na isinulat ni Alesana Marie para sa Wattpad.

Paliwanag niya tungkol sa “favoritism” issue, “Being a favorite of Viva, I don’t think I am.

“I signed a contract with them, that’s why ang ginagawa ng Viva ay sini-serve nila ang contract that I signed.

“Hindi naman it necessarily mean na ako ang favorite kasi nga may kontrata. So, ganun yun.

“Sa awa ng Diyos, naging successful nga yung huling movie ko at para naman yun doon sa mga bata.”



MOVIE STARS. Patuloy pa niya, “Kasi, Boss Vic del Rosario [Viva big boss] would want them to really become movie stars.

“Ayaw niya na sila ay actors lang na nakikita niyo sa TV or sa soap opera, gusto niya pati sa movies din.

“Yun ang plano ni Boss Vic for them.

“Kaya nga yung material namin sa movie, kailangan din namin yung fan-based online, kasi isa sila sa inaasahan namin.

“Kasi wala namang network na involved sa pag-produce nung pelikula.

“Pero this one, yung Talk Back And You’re Dead, naka-tie up ang Viva sa Star Cinema.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers si Direk Andoy sa set ng GMA primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real, kung saan siya rin ang namamahala, noong June 25.

Ramdam daw ni Direk Andoy ang matinding pressure dahil sa kasikatan ngayon ng loveteam na “JaDine” (James-Nadine) na nalikha dahil nga sa monster hit na Diary ng Panget.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ng TV and film director, “Even before I’m doing their first movie, there was already a huge, huge pressure from Viva.

“Lalo na nga’t I was launching these kids… these new actors.

“Ngayon, parang doble pa ang pressure kasi I have to maintain it, ‘di ba?

“Pero maganda rin kasi yung material and I’m sure mas magugustuhan nila.

“Kung yung una kasi parang fun and lokohan lang, this movie naman, we’re going… mas seryoso and mas intense.”



TWO GENERATIONS. Paano niya hina-handle ang pagdidirek sa dalawang henerasyon ng mga artista?

Kung sa pelikula ay mga bagets ang idinidirek niya, sa Ang Dalawang Mrs. Real naman ay halos award-winning at batikan ang mga artista niya; gaya nina Maricel Soriano, Dingdong Dantes, Lovi Poe, Coney Reyes, Robert Arevalo, Tommy Abuel, at Alessandra de Rossi.

Pahayag ni Direk Andoy, “Kailangan ko kasing makita ang psyche nila, yung emote nila, kung saan ba sila nanggagaling.

“I really have to know them as a person. Ganun ko sila inaatake.

“Lalo na itong mga baguhan na, siyempre, yung life experiences nila ay hindi pa naman ganun kadami at hind pa ganun kalalim ang pinagdaanan nila sa buhay.

“But the most ideal na atake is that I befriend them, I talk to them, I listen to them, especially dun sa language nila.

“I can say na mas open ako sa collaboration lalo na with these new actors.”

Patuloy niya, “Sa seasoned actors naman, madaling-madali na kasi alam na nila ang mga ginagawa nila.

“They’ve been in the business for years already, so alam na alam na nila ang kalakaran.

“Mas madali silang i-handle, of course.”



MARICEL SORIANO. Hindi naman inililihim ni Direk Andoy na isa siyang tagahanga ng isa sa mga bida ng Ang Dalawang Mrs. Real na si Maricel Soriano mula pa sa kanyang pagkabata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “It’s been my dream since I was a kid... during ‘80s na kung saan ako nag-umpisa na manood ng mga pelikula.

“Napapanood ko na si Maricel Soriano at naging fan niya ako.

“Kaya nang makatrabaho ko na siya, it’s really a dream come true on my part.

“But I have to overcome the overwhelming feeling and experience na I’m working with Ms. Maricel Soriano.

“And then, I realized na, ‘Oh, my God, she’s just human!’

“Pareho ko lang pala siya—nakakatawa siya, taong-tao siya.

“She’s very supportive, lalo na sa akin.”



GOALS. Ano ba pa ang gusto niyang gawin bilang isang direktor sa pelikula at telebisyon?

Sagot ni Andoy, “Madami pa.

“Like, I’ve been here in the industry for twenty years, kung saan I started out as a P.A. [personal assistant].

“I’m spreading my wings now, so it’s a learning process again, it’s a new language all together.

“Gusto ko pang mag-aral ulit, gusto ko pang mag-aral ng film language itself, gusto kong mag-acting classes ulit.

“Dun kasi ako nanggaling, e. I came from theater sa UP [University of the Philippines], so yun ang passion ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN