Ai-Ai delas Alas irked by questions about Kris Aquino; wants to be friends with Tates Gana

Aminado si Ai-Ai delas Alas na napipikon na rin siya sa paulit-ulit na tanong sa kanya tungkol sa dating kaibigang si Kris Aquino. Pero pinipilit na lang daw niyang sumagot nang maayos tungkol dito dahil ang pikon daw ay laging talo.


Hindi pa rin maiwasang tanungin si Ai-Ai delas Alas tungkol sa nalamatang pagkakaibigan nila ni Kris Aquino kahit saan mang event o presscon siya makausap ng media.

Matatandaang naging sobrang close ang Comedy Concert Queen at ang Queen of All Media ilang taon na ang nakalilipas, kung saan ang naging tawagan pa nila sa isa’t isa ay “friendship.”

Pero napansin ng publiko na nagkaroon ng pagbabago sa ugnayan ng dalawa matapos hindi nakadalo sa burol ng yumaong ina ni Ai-Ai si Kris noong Enero.

Read: PEP EXCLUSIVE. Ai-Ai delas Alas declares: Jejomar Binay is my President in 2016!

Ano na ang pananaw ni Ai-Ai sa salitang "friendship" ngayon?

Tugon niya, “Ang friendship? Through thick and thin.”

Sunod pang tanong ng ilang reporters kay Ai-Ai: Parang matagal nang walang tumatawag sa ’yong "friendship"?

Diretsa namang sagot ng komedyana, “Wala akong pakialam.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Ai-Ai kaninang tanghali, July 1, sa presscon ng Macho Gwapita, na ginanap sa Eclipse Bar, Solaire Resort and Casino, Aseana City, Parañaque.

Ang Macho Gwapita ay ang konsiyertong pagsasamahan nina Ai-Ai at Rico J. Puno na gaganapin sa July 26 sa naturang hotel.



“NAPIPIKON NA DIN.” Sa hiwalay na panayam ng media kay Ai-Ai kanina, naitanong kung sino pa ang gusto niyang makasamang muli sa mga dati niyang nakasama sa trabaho.

Sagot niya, “Si Regine Velasquez at Ogie Alcasid at si Pops Fernandez and Martin Nievera.”

Hirit naman ng isang reporter: Ang mga hindi?

Tumatawang sagot ni Ai-Ai: “Alam niyo na yun, ayoko nang sabihin.”

Nang may magsabi namang reporter kung ang tinutukoy niya ba ay "sawsaw nang sawsaw" sa mga isyu, ito ang sagot ni Ai-Ai: "Hayaan niyo na siya, trip niya yun, gusto niya yun, e."

Dagdag niya, "Hayaan natin siyang makisawsaw, wala siyang magawa, yun ang gusto niyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, walang basagan ng trip."

Hindi man pinangalanan, matutumbok na si Kris ang tinutukoy ni Ai-Ai at ng reporters na kausap niya.

Napatawad na ba niya ito?

Tugon ng komedyana, “Ayoko na lang pag-usapan kasi hindi naman kailangan.”

Malalim talaga ang dahilan ng kanilang alitan?

Sabi ni Ai-Ai, “Hindi naman ganun kabigat-bigat, pero nasaktan ako siyempre.

“Nasaktan ako. Tao lang ako, nasasaktan din ako siyempre.

"And ’pag minsan, sabi nga nila, ’pag totoong emosyon yung involved sa friendship niyo, masasaktan ka talaga.”

Malabo na bang mabalik ang kanilang pagkakaibigan?

Wika niya, “Hindi pa ngayon.”

Hindi ba siya napipikon na lagi na lang kabilang si Kris ang tinatanong sa kanya ng media?

Pag-amin ni Ai-Ai, “Napipikon na din.

“Pero gagandahan ko na lang sagot ko para hindi ako lalo mapikon.

"Kasi, pikon-talo, ‘di ba?

“Nakakapikon lang, yun ba buhay ko?

"Ni minsan nga, hindi ko na nga yun naisip, e."

TO THE NEXT “FRIENDSHIP.” Dahil game si Ai-Ai sa mga tanong ng media tungkol sa pakikipagkaibigan, kanino na ba niya ibibigay ngayon ang salitang “friendship?”

May sumabat na reporter at sinabing: “Kay Tates Gana ba?”

Natatawa namang sabi ni Ai-Ai: “Newfound friend.”

Si Tates ay ang dating longtime partner ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, na kamakailan lamang ay umaming nagkaroon ng short-lived romance sa dating “friendship” ni Ai-Ai na si Kris.

Pangungulit ng media sa humalakahak na si Ai-Ai: “Kay Tates? Bakit siya? So, gusto ba niyang maging friend sila ni Tates?

Sagot nito, “Oo naman, taga-Quezon City ako, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN