Maxene Magalona admits breakup with Chino Copuyoc; says it was the "healthiest breakup"

Inaasahan na raw ni Maxene Magalona ang pagdagsa ng bashers ngayong natapos na naman ang kanyang pakikipagrelasyon. Saad niya, “Ay, naku, ang tagal-tagal ko na sa industriya, wala na akong pakialam! It’s my life. And I appreciate those who are concerned and I appreciate the haters because you guys make me stronger. All of you, not only my past relationships, but all of you—my fans, my haters—all of you contribute to who I am today. That’


Hiwalay na ang aktres na si Maxene Magalona at ang non-showbiz boyfriend nitong si Chino Copuyoc.

Inamin ito ng Kapuso actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa special screening ng Overtime—ang pinagbibidahang pelikula nina Richard Gutierrez at Lauren Young—sa Podium Cinema, kagabi, June 30.

Kumusta ang lagay ng puso niya ngayon—masaya ba o malungkot na naman ito?

Sagot ni Maxene, “Well, ako, I’m full of love because of my family and friends.

“Pero, yes, I’d like to say that I’m very much single and I’m not ashamed to admit that.”



BASHERS AND HATERS. Inaasahan na raw Maxene na may mga tutuligsa na naman sa kanya sa pagtatapos muli ng relasyon niya.

Ilan sa mga nakarelasyon ng Kapuso actress-TV host mula sa showbiz ay sina JC Tiuseco, Dominic Roco, Neil Arce, at Renz Fernandez.

Sabi niya, “I know ang dami na namang magsasabi—but it’s my life.

“And I can really say that a lot has happened in the last year that really helped me realize who I am as a person.

“Definitely, the healthiest breakup.”

Hindi na siya maapektuhan sa sasabihin ng bashers at haters, na walang tumatagal na boyfriend sa kanya o papalit-palit siya ng boyfriend?

Sagot ni Maxene, “Ay, naku, ang tagal-tagal ko na sa industriya, wala na akong pakialam!

“It’s my life. And I appreciate those who are concerned and I appreciate the haters because you guys make me stronger.

“All of you, not only my past relationships, but all of you—my fans, my haters—all of you contribute to who I am today.

“That’s why, ay naku, sanay na sanay na ako sa mga bashers.

“It’s your opinion, it’s fine with me.

“I just want to say it’s my life and I’m doing it my own way, my own pace, and I’m learning.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE BREAKUP. Kung pagbabasehan ang mga post ni Maxene noon sa Instagram, walang dudang in love na in love sila ni Chino sa isa’t isa.

Ano ang nangyari at nauwi rin ito sa breakup?

Pahayag niya, “Wala, nothing...

“Ano kasi, there are times that you just realize, ‘Teka, hindi pa yata ako ready to be in a relationship.’

“Although, Chino and I separated properly. It was a proper breakup.”

Pero inamin ni Maxene na hindi na raw sila nagkakausap ngayon.

Hindi ba’t magkasama pa silang nagbakasyon sa Japan kamakailan lamang?

“Yes, with my family,” pagkumpirma Maxene.

Pero aniya, “Kami kasi ni Chino, pareho kaming walang pahinga sa relationship.

“So, parang siguro, this time around, sinabi ng Diyos na hindi pa kayo parehong ready to be in a relationship.

“That’s why, we both decided na huwag na lang muna.

“At ako, talagang ayoko…” natawang sabi niya.

Mahigit dalawang buwan na raw silang break ngayon. Tumagal naman ng labing-isang buwan ang relasyon nila.

Sabi ni Maxene, “I want to say that he’s still a good friend.

“At maayos kaming naghiwalay, and it’s still very healthy.

“And it’s the healthiest breakup.”



THE REASON. Walang third party?

“Ay, no, no, no... wala talaga,” diin ni Maxene.

Kung ganun, ano ang pinakamalaking dahilan ng paghihiwalay nila?

“Ano lang, we’re not both ready to be in a relationship,” sagot niya.

Kulang ba sila ng oras sa isa’t isa?

“Hindi naman, halata lang talaga in a relationship na it’s just wasn’t the right time for both of us.”

O, baka naman nagkasawaan sila?

“No, no... it’s just we both decided na parang hindi pa tayo ready, hindi pa handa.

“So, might as well stay single muna.

“I haven’t been single, alam niyong lahat ‘yan!” natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Goal nga raw niya ngayon na manatiling single muna.

“Kasi before… I want to be honest and say na, before, [the reason] I keep jumping from one relationship to the next is because I didn’t really know who I was.

“And siyempre, when I lost my dad [Francis Magalona], parang I was always sad.

“And parang I always need someone to be with para maging masaya.

“But then, yun na nga, I’m already 27 and, I think, it’s time that I grow up, ‘di ba?”

Patuloy niya, “I mean, I’ve always been distracted that’s why I keep saying that it’s only last year that I realized kung sino ako and what I want.

“And right now, what I want is to really focus on myself.”



SHOWBIZ OR NON-SHOWBIZ. Nagkaroon siya ng mga karelasyon na mula showbiz at ang huli nga ay non-showbiz. Hindi pala garantiya na kapag non-showbiz, mas magwu-work ang relasyon niya?

“Ay, hindi!” bulalas ni Maxene.

“Ako naman, ever since, never kong nilagyan ng requirements na dapat showbiz or dapat non-showbiz.

“Ang pinakaimportante is we both click.

“Right now, I just don’t want to be with anyone muna. I want to focus on myself. Alam niyo yun, yun lang.”

May timetable ba si Maxene sa kanyang sarili kung hanggang kailan lang siya maaaring manatiling single?

“Ay, oo, dati, sabi ko, for a year, dapat single ako.

“But you guys know me kung paano ako magmahal.

“Yun na nga, it’s because I’m always giving too much of myself without loving myself first.

“So, this time, self first.

“And I wanna say that Chino really helped me realize that.

“And towards the end, we both decided na, maybe, it’s not yet time.

“It’s not yet time for us to be in a relationship right now, so yun...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniyakan niya ba ang breakup nila ni Chino?

Sagot ni Maxene, “Well, lahat naman ng breakup, iniiyakan ‘yan. There’s no easy breakup.

“But I would like to say that everything happens for a reason.

“And every relationship, I learn naman from each and every relationship, and I’m thankful for all of them.”

Sa huling relasyon niya, ano ang kanyang natutunan?

“Ang natutunan ko rito, kung ano talaga ang worth ko as a person.

“And you know how it is that I grew up in the public eye.

“I never really had the time to focus on myself. Parang I’m always distracted.

“Ang dami kong nakikilala, ang dami kong nami-meet na mga new friends.

“People just come into my life.

“Showbiz is just a crazy, crazy world.

“And I started when I was 15, and now, I’m already 27.

“And I know for sure na it’s because nga, ang daming distraction, ang daming mga nangyayari in showbiz, that’s why never talaga akong nagkaroon ng time to focus on myself.”



JUST RELAX. Sa interview noon ng PEP kay Maxene, nabanggit nitong nakilala niya si Chino dahil sa kapatid na si Saab Magalona.

Hindi ba nasira ang pagkakaibigan ng mga ito dahil sa breakup nila?

Ayon kay Maxene, “No, nothing, there’s no bad blood, nothing.

“It’s more of I’m thankful. I’m thankful for him for all that he made me realize.

“And yun, that’s it...

“I believe that someday, God will really give me... Sinasabihan talaga ako ni God ng ‘Max, relax ka muna.’

“Kasi before, hindi naman ako nagkakaroon ng relationship just because gusto ko. Hindi naman ako naghahanap talaga.

“It just come and I get excited, and it develops into something, into a relationship.

“And now, it’s about time na mag-relax na muna ako, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa loob ng mahigit dalawang buwan, masasabi niya bang naka-move on na siya?

“Slowly but surely!” natawang sagot ni Maxene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN