Kuh Ledesma on her image as a diva: "Meron silang pini-perceive na it doesn’t necessarily have to be that true."

Kuh Ledesma on beating the waiting time during tapings: "Sa waiting talaga ako, in the beginning, na parang nakakaloka. Pero ngayon, I beat the waiting by bringing books. I make calls, I write down my notes for my next meetings, yung mga ganyan… nagagamit ko yung time."


Hindi raw maituturing ni Kuh Ledesma na reinvention sa kanyang showbiz career ang sunud-sunod na acting projects niya.

 

Hindi naman na bago kay Kuh ang pag-arte dahil nakagawa na rin siya ng ilang pelikula at teleserye noon. Pero medyo matagal bago masundan ang mga ito.

 

Pagkatapos ng matagumpay na pagbabalik niya sa telebisyon sa pamamagitan ng My Husband’s Lover (2013), muli siyang napapanood ngayon sa bagong primetime series ng GMA na My Destiny.

 

Paliwanag ni Kuh tungkol sa pagsabak niyang muli sa pag-arte, "Actually, matagal ko nang gustong umarte, kaya lang minsan, yung mga roles na ibinibigay sa akin ay yung mga mother roles.

 

"Parang feeling ko, medyo may issue ako sa parang image as a singer. Ayoko muna ng ganon."

 

Ngunit, sabi ni Kuh, ngayon ay nagustuhan na niya ang pag-arte at wala nang issue sa kanya ang pagganap ng mother roles.

 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tinaguriang Pop Diva sa grand launch ng My Destiny last week.



DRA. BELO AS PEG? Ang papel na ginagampanan niya ngayon sa My Destiny ay parang nahahawig sa personalidad ng cosmetic surgeon na si Vicki Belo.

 

Sa soap opera ay ginagampanan ni Kuh ang isang cosmetic surgeon at magkakaroon siya ng conflict sa mga anak na sina Tom Rodriguez at Ruru Madrid. Nahuli kasi siya ni Ruru na may kahalikang lalaki na mas bata sa kanya. 

 

Sa trailer, tinawag pa nga siyang "cougar" ni Ruru.

 

Sa tunay na buhay, naging kontrobersiyal ang relasyon ni Dra. Belo kay Hayden Kho Jr., na higit na mas bata sa kanya.

 

Nang banggitin namin kay Kuh ang tila pagkakahawig ng role niya kay Dra. Belo, tumangging magbigay ng pahayag ang singer at sinabing "no comment."

 

Pero nagdalawang-isip ba siyang tanggapin ang role dahil baka may maka-relate kapag napanood ito ng mga tao?

 

Sagot ng 59-year-old singer-actress, "Hindi naman. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

"Kasi yung role ko naman dito is very common to some women, yung very lonely.

 

"Pero I don’t know… I don’t look at this or acting in a way na talagang Belo life. No, not at all."

 

Komento naman niya sa "cougar" dialogue ni Ruru, "Well, hindi ko alam sa writer kung ano ang naging peg niya doon, or because it’s famous story. 

 

"Pero you know, labas ako diyan. I’m just interpreting ano lang…"



DIVA. Pagdating naman sa kanyang image na isang diva, marami ang nag-aakalang isa siyang untouchable artist at pinangingilagan? 

 

Tinanong ng PEP si Kuh kung malaki bang tulong sa ganitong image niya ang pag-arte sa TV, para linawin na hindi naman siya nakakailang na katrabaho?

 

Sagot niya, "I don’t know. 

 

"As far as I’m concerned, I do everything in my work to be excellent, na whatever the image is or however they receive me would depend on you know how the people… kung ano yung trend ng thinking nila.

 

"Hindi ko maku-control yun.

 

"Para sa akin, ang gusto ko, I want to be an artist in this industry, in our country, that would have great relationships with other artists.

 

"Kasi, nung bata pa ako, as an artist dito, hindi ko masyadong binigyan ng time yun, e. I was too busy with my career. 

 

"You know, when I came out as a Music and Magic [singing group in the ‘70s], biglang ang lakas ng success namin. 

 

"It was really not much time para makahalubilo ka, may time ka.

 

"Ngayon, even if I don’t have enough time, I make efforts for whoever needs me."

 

Base sa mga naririnig naming kuwento mula sa mga beteranong entertainment writers, ang mga tao sa paligid ni Kuh daw ang nag-a-adjust para mabigyan ng mala-royal treatment ang singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

"Ganun?" tila hindi makapaniwalang reaksiyon ni Kuh sa narinig.

 

Dugtong pa niya, "Hindi ko iniisip yun."

 

Kapag sinabing si Kuh Ledesma ang nasa dressing room o nasa isang lugar, kailangan daw de-numero at ayos ang lahat na hindi puwedeng magkamali.

 

Natatawang komento ni Kuh dito, "Sila yun! 

 

"Kasi meron silang pini-perceive na it doesn’t necessarily have to be that true.

 

"Siguro it’s my… the way I carry myself."



ADJUSTMENTS. Malaki ba ang naging adjustment sa kanya ng pagiging isang artista?

 

Saad ni Kuh, "Sa waiting talaga ako, in the beginning, na parang nakakaloka. 

 

"Pero ngayon, I beat the waiting by bringing books. 

 

"I make calls, I write down my notes for my next meetings, yung mga ganyan… nagagamit ko yung time."

 

Naiirita ba siya minsan sa paghihintay o sa ibang aberya na hindi niya nararanasan bilang isang singer?

 

Sabi ni Kuh, "Alam mo, as a Christian, you cannot complain, e. Dapat hindi ka matutong mag-complain. 

 

"Kasi kasalanan sa Diyos. Ayaw Niya ng complainers. 

 

"So, basically, if God puts you in a situation, we now understand as a Christian na ‘pag inilagay ka sa isang sitwasyon na mawawala ang pasensiya mo, dapat matuto kang magpasensiya.

 

"Yung parang kung sa ordinaryong tao na hindi nakakakilala sa Diyos, magwawala na, dapat ang isang Kristiyano, idinadasal yun… ganun."

 

Kung ikukumpara ang Kuh Ledesma noong hindi pa siya Kristiyano, sa Kuh Ledesma ngayon, gaano kalaki ang diperensya?

 

"I’m so much more prayerful now. So much more…

 

"Ayokong sabihin, baka ma-test ako. 

 

"Pero patient. Mas tolerant of people’s mistakes. 

 

"Kasi you’ve come to realize na inilagay ng Diyos ang mga taong ‘yan para hubugin ang character mo to be Christ-wise.

 

"Lahat ‘yan, according to Christ’s plan."

 

Ang pagpasok niya ba sa pag-arte, bukod sa pag-enhance sa kanyang artistry, ay para mapalapit din siya sa masa. ‘Pag sinabi kasing Kuh Ledesma, mataas ang impression ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

"Sa akin kasi, sinabi ko rin kay Dennis [Roldan, co-star niya sa My Destiny]… he’s a… pastor na siya. 

 

"Sabi ko, it’s a great opportunity na mapanood ka ng masa. 

 

"Kasi ‘pag lumapit ka sa kanila to share Christ, baka sabihin nila, ‘Sino nga ba ito? Kilala ko ito, e.’

 

"Baka hindi na nila kilala kung sino.

 

"’Pag Kuh Ledesma ka, nakita ka na nila, na-in love sila doon sa role mo.

 

"’Pag lumalapit ako sa mga tao, after ng My Husband’s Lover, I’m so welcome. 

 

"Yung pumunta ako sa Samar, Tacloban para i-share si Lord sa kanila, talagang excited silang making, ‘What is Kuh Ledesma have to say.’

 

"Alam mo yung artistang mas maganda yung mas malaki yung pangalan mo and you are a Christian, mas open silang makinig sa iyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN