Robin Padilla talks candidly about sibling BB Gandanghari: "Feeling niya... transgender siya. Akala ko, transformers ang sinasabi niya."

Robin Padilla has accepted only one TV project lately and only as a recurring character in Jasmine. He is concentrating on making movies and this year, he is focused on Bonifacio, an entry in 2014 Metro Manila Film Festival.


Magkakasama ang magkakapatid na sina Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari sa TV5 Reliance Studio, Mandaluyong City, noong June 28.

May taping noong araw na yun si Robin para sa Jasmine, ang TV series na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis Smith.

Sina BB at Rommel ay may meeting naman para sa posibleng show na gagawin nilang magkakapatid sa Kapatid network.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin tungkol sa pelikulang dapat ay pagsasamahan nila ni BB at ng anak ng action star na si Kylie Padilla.

Sabi ni Robin, “Ito kasing si BB, may sayad din ang isang ito, kausapin niyo ‘yan.

"Noong magsu-shooting na kami, umuwi sa America. Dalawang beses na niyang ginawa yun.

"Una, yung Kill BB, noong magsu-shooting na kami, uuwi muna raw siya ng America. Nabuwisit ako.

“Ilang buwan yata kaming nag-away noon, nagkabati kami.

"’Tapos, ‘Tol, gawa naman tayo ng pelikula, Baby Ama.’

"Ensayo siya, ensayo ako. ’Magsu-shooting na tayo, ‘Tol.’

"’Ay, uwi ulit ako ng America.’”

Pero hindi na raw sila nagkagalit sa ikalawang pagkakataon na umalis na naman si BB.

“Kapatid ko ‘yan, puwede ko bang itapon ‘yan?

"Bunsong kapatid, bagong panganak pa!” natawang sabi ni Robin.

Matutuloy pa rin ba ang Baby Ama na pelikula nila?

“E, siya lang naman ang magdedesisyon noon. Kapag sinabi niyang totohanan na…

"Sino naman ang may gusto na nagtatrabaho kayo, aalis ang isa?

"Sayang ang pera… ang hirap-hirap ng buhay. Maglalabas ka ng pera ’tapos masasayang.”

Kumusta na ba ang relasyon nila ngayon ni BB?

“Kung wala siyang sumpong, okey naman kami!” biro niya.

Ngunit sabi rin ni Robin, “E, siyempre, bata pa, bagong panganak. Totoo... bagong tao talaga.

"Minsan magkakamali ka lang ng treatment sa kanya, sumasama ang loob, kasi babae nga siya—feeling niya sa sarili niya.

“Kapag natanong mong bakla, magagalit yun kasi feeling niya sa sarili niya, transgender siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong una, hindi ko nga maintindihan, akala ko transformers ang sinasabi niya.

"Totoo! Malay ko ba kung ano ang transgender!”

Paano siya nag-adjust na mas sensitibo na si BB ngayon?

“Sensitive talaga, para talagang babae, para ngang nasa puberty stage.”

Sinusuportahan ba niya ang pagiging sensitibo o emosyunal ni BB?

Sagot ni Robin, “Minsan shocking, minsan nagkukuwentuhan kami, gabi.

"Napag-usapan namin ang costume niya.

"Sabi ko, ’Tol, ang ganda ng costume mo diyan, parang si Jon Jones [American mixed martial artist].’

"Sumama ang mukha, ’Hindi ako puwedeng magsuot niyan, babae ako!’

“Ang tagal naming nagkatitigan ni Rommel, ilang minuto yun na tahimik kami.

"Sabi ko, ’Okay, ’Tol, kalmado ka lang.’

“’Accept me!’ Yun ang mga acting ni ’Tol.”

Sa ngayon, wala pang naipapakilala sa kanila na karelasyon o boyfriend si BB. Paano kung isang araw ay may ipakilala na ito sa kaniya?

“Ito naman, palaging pampainit ng ulo ang tanong!” natatawang sabi ni Robin sa amin.



JASMINE. Matagal na rin ang huling programa ni Robin sa telebisyon at ngayon na lang siya mapapanood muli sa once-a-week series ng TV5 na Jasmine.

Pinayagan naman daw siya ng ABS-CBN na tumawid sa Kapatid network.

“May project kasi rito si BB at si Kuya Rommel kaya pinayagan naman ako ng ABS na tumawid.”

Pagkatapos ng huling programa niya sa ABS-CBN, ang Jasmine pa lang ang kasunod niyang show.

Paliwanag ni Robin, “Ang concentration ko kasi, pelikula.

"Marami rin namang offer ang ABS, hindi naman sila nagkulang sa totoo lang.

“E, gusto ko talagang magpelikula, lalo na ngayon na nasama na naman kami sa Metro Manila Film Festival.

“Sa totoo lang, dahil kay Jasmine, kay Ma’am Wilma [Galvante], pero ang ganda naman kasi ng script.

"Noong sinabi ko kung ano ang gusto ko, ginawa naman nila ang script, so wala ka ng lusot dun, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi mo ginawa, ibig sabihin, niloko mo lang sila. E, ginawa nilang talaga.”

Sa karakter na medyo bad boy, ang Bad Boy na pelikula pa raw niya ang huli niyang nagawa.

Ayon naman kay Robin, “Dito [Jasmine] naman, yung pagka-bad boy niya, hindi dahil sa siya ang rebelde.

“Nagkaroon siya ng depression sa batas, na butas ang batas.

"Nagalit siya dun, parang ’Wow, ang tino-tino ko ’tapos ang batas, butas.’”

Biniro naman namin si Robin kung may pagka-true to life ba ang dating at natawa ito.

“Kapag inisip nating true to life, baka lahat tayo maging lasenggo.

"Magbigay naman tayo ng konting hope!” natawang sabi na lang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN