BB Gandanghari still careful about having a lovelife: "Mongha ang peg ko. Hindi puwedeng ligawan, hindi puwedeng tingnan."

BB Gandanghari on coming out: "When I was in the closet, those were, I think, the darkest, the loneliest, the saddest days of my life... Napakahirap to live in denial and lies.”


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni BB Gandanghari sa pahayag ng kapatid niyang si Robin Padilla na nag-a-adjust pa rin siya hanggang ngayon sa tuwing magkikita at magkakausap sila.

Read: Robin Padilla talks candidly about sibling BB Gandanghari: "Feeling niya... transgender siya. Akala ko, transformers ang sinasabi niya."

Ayon naman kay BB, maging siya man ay nag-a-adjust pa rin sa reaksiyon sa kanya ng mga kapatid.

Saad niya, "Siyempre, sanay na kapag magkakasama sila nina Rustom noong araw, lalaking usapan lang, ‘di ba?

“E, ngayon, mahirap talaga, mag-a-adjust ka talaga, hindi mo naman mai-girly!

“May adjustment talaga, pero ang maganda naman dun, nagkakaroon ng bagong relasyon, nakikita ko.”

At dahil bunso si BB, natatawang pag-amin niya, "Hindi ako kumukontra!"

Biro pa niya, “Actually, kambal ko si Rustom, pero noong lumabas ako, thirty-six years after, chos!

"Lumabas ako sa sinapupunan, thirty-six years after."


Paglalarawan ni BB sa relasyon niya ngayon sa kanyang pamilya, "Getting a lot better. Sabi ko nga, I cannot complain.

"May adjustment kasi, may previous, at hindi mo naman… well, maiintindihan mo, kasi ako mismo, nag-adjust dun. Hindi automatic ang transition.

"In fact, up to now, it’s still a work in progress as far as my transition is concern."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si BB sa TV5 Reliance Studio, Mandaluyong City, noong June 28.



UNCONDITIONAL. Nararamdaman daw ni BB na natanggap na siya ng kanyang pamilya, pero natatawang sinunod nito, “Yung lovelife, hindi.”

Nagbiro nga si Robin na pinaiinit ang ulo niya nang tanungin kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling may ipakilalang boyfriend si BB.

“See, mongha ang peg!” natawang sabi naman ni BB.

Mongha nga ba talaga siya sa totoong buhay?

“Wala, talagang wala.

"Kaya ko nasasabi yun, kasi if and when na dumating ang panahon na may gusto akong ipakilala, it’s not because na may gusto lang akong ipakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, gusto kong makilala kung mabuting tao ba, but it’s still a work in progress.

“Yung acceptance na yun will still come in time.

"Maybe not in the near future, but I’m willing to wait."

Sa palagay niya, mangyayari naman yun?

“I think so, kasi what I’m experiencing from them is actually unconditional love.

"Dyusko, yun pa ba ang magiging rason para maging conditional?"

May miyembro ba ng pamilya Padilla na tatanggapin kung sakaling may boyfriend siyang ipapakilala?

“Wala, wala,” mabilis niyang sagot.

Kahit yung mga babaeng Padilla?

“Ang feeling yata nila sa akin, parang hindi pa nagkakaroon.

"Hindi ka pa puwedeng ligawan, hindi pa puwedeng tingnan!” natawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, “Nakakakilig din, in fairness.”

Wala rin naman daw siyang nakaka-date ngayon.

Kung sakali namang makahanap siya ng makakarelasyon, hindi malayong dumaan sa butas ng karayom ang lalaki sa mga kapatid pa lang niya.

Sabi naman ni BB, “Mabuti na rin yun kasi nakakatakot na rin naman na mauwi ka sa maling tao.

“I’m not speaking for myself, sa lahat ng tao. Hindi madaling magtiwala.

"Puwede kang mabulag ng pag-ibig na kung anuman ang pangangailangan mo pa, puwede kang bulagin ng lahat ng yun.

"At kaya mo ipapakilala para may magsabi sa ‘yo na, ’Uy, kwidaw diyan! Uy, okay ‘yan!’

“Makikinig ka naman kasi ang lola, mature-mature-an na, puwede nang makinig, so yun lang naman.

“Okey rin naman sa akin. We’re just taking our time but it doesn’t mean na wala kang nakakausap. It doesn’t mean that way.”

SENSITIVE. Naging sensitibo na ba siya sa nararamdaman ng kanyang pamilya?

“I am, yes, oo,” pag-amin ni BB.

Sabi nga ni Robin, inuunawa na lang daw niya si BB dahil nga naging sensitibo na siya.

Natawang sagot naman ni BB, “A, sila ba ang umiintindi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Akala ko nga, humaba ang buhok ko sa kakaintindi sa kanila.

“Well, oo, I’m very, very sensitive, siguro part yun...

"Hindi ako si BB kung hindi ako sensitive, I guess part yun ng pagbabago.

"Part yun ng personalidad, part yun ng naging ako after everything.”

Nagbibigay ba siya ng limitasyon sa sarili para matanggap siya ng pamilya niya o sa usaping lovelife lang talaga?

Sagot niya, “Parang it’s like a dance, kasi nagkikilala kayo.

"Kinikilala ko sila, kinikilala nila ako.

"The relationship is almost like a dance.

“Kapag may gusto kang sabihin na alam mo na baka hindi pa abot, you try to push it. Pero ‘pag hindi, you back step.

"And then, after a while, okey na, nakalusot na ang gusto mong iparating.

“The dynamic of the relationship is really interesting kasi the Padilla family is dealing with a transgender person na nagkataong parte ng pamilya.

"And that’s what makes it really special, everything is new and, even I, I’m discovering to be a transgender person.”

Proud siya sa Padilla family?

Sagot ni BB, “I am, and I think it’s also part of hindi lang kasi ako ang nagdadaan ng ganito.

"Hopefully, yung ibang pamilya na merong ganitong sitwasyon ay makita nila na yung support is very important.

“Para sa isang pinagdadaanan ang transgender, napakahirap pagdaanan ng buhay na alam mong walang naniniwala sa ‘yo except yung sarili mo lang.”

COMFORT ZONE. Ano naman ang masasabi niya sa mga artistang hindi pa rin makapaglantad ng totoong kasarian nila?

“I wonder who, chos!” tawa niya.

“Well, I can only say this, when I was in the closet, those were, I think, the darkest, the loneliest, the saddest days of my life.

"And I don’t wish it to anyone because it’s napakahirap to live in denial and lies.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papayuhan ba niyang mag-come out na rin ang mga ito?

Saad niya, “Mahirap, this thing is not easy, baka sa kanila mas madali yun.

"And all the time, our tendency bilang tao is to be in our comfort zone.

“But then, kapag nandoon ka kasi palagi sa comfort zone mo, marami kang nami-miss.

“Pero sino ka para sabihin sa kanila yun? Sila lang kasi ang makakapagdesisyon sa sarili nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN