Zsa Zsa Padilla still hoping for recognition of Dolphy as National Artist; says Nora Aunor and Vilma Santos deserve it too

Zsa Zsa Padilla is glad that her lovelife has inspired others, "Sabi nila, ’May chance pa pala kami sa edad naming mga 50.’ May mga nakaka-relate.”


Bago pa man ang pagkakatanggal sa listahan ng Superstar na si Nora Aunor sa mga hihiranging National Artists ngayong taon, maugong na ang balitang ang yumaong Hari ng Komedya na si Dolphy raw ang napipisil ng Malacañang na gawaran ng parangal para sa film.

Ito ay dahil diumano sa pagiging malapit ng longtime partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla sa bunsong kapatid ni President Noynoy Aquino na si Kris Aquino.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Zsa Zsa nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entrtainment Portal) at Cinema News noong Linggo, June 29, sa ASAP.

Saad ng Divine Diva, “My God, no, there’s nothing personal.

"I’m little busy right now, and alam naman ninyo ang schedule ni Kris, ’di nga kami nagkikita.

"Huli kaming nagkita nung interview sa The Buzz.

"And prior to that, siguro ilang buwan kaming hindi nagkikita.

Dagdag niya, “I think everyone is deserving in his or her own time, hindi ba?

"Ang pangarap talaga namin for Dolphy e ma-receive [ang National Artist award] nung buhay pa siya, and hindi nangyari.

"We’re hoping one day, ibigay din sa kanya."

Katulad ng karamihan sa indurtisya, naniniwala si Zsa Zsa na karapat-dapat si Nora na parangalan bilang National Artist dahil sa achievements nito bilang isang aktres at singer.

“Oo naman, without a doubt!

"Alam mo, lahat ng singer/actress, iniidolo siyempre si Nora.

"I think si Ate Vi [Vilma Santos] is also deserving.”

LOVELIFE. Samantala, naging bukas na si Zsa Zsa sa relasyon nila ni Architect Condrad Onglao. Kamakailan nga ay naging cover pa sila sa isang magazine.

Kuwento ni Zsa Zsa, “He was the one who was approached to cover his home.

"I think, kasi our love story, maganda naman yung istorya, maganda naman yung kuwento.

"Blind date, ’tapos naging seryoso, ganyan.

"Yung ibang nakakabasa, sabi nila, ’May chance pa pala kami sa edad naming mga 50.’ May mga nakaka-relate."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito ay may ilan na nagbibigay ng negatibong reaksiyon tungkol sa relasyon ng dalawa.

Isa nga sa pinupuna ay ang sobrang public display of affection daw ng dalawa na nagkalat sa social media.

Pahayag ni Zsa Zsa tungkol dito, “Siguro personal na yun, hindi mo naman puwedeng dibdibin ang sinasabi ng lahat ng tao.

"Lahat naman may kanya-kanyang opinyon.

"I’m just happy.

“I’m just happy that I’m no longer where I was before, it was a very sad and lonely place.

"Hindi ko nga akalain na mangyayari ito, kasi kapag depress ka, nami-miss mo ang isang tao, hindi mo alam na may darating na kapalit.

"Siguro in due time nga.”

Ipinaliwanag naman ni Zsa Zsa ang isyung pagpapatanggal daw niya ng mga gamit ni Dolphy sa bahay nila sa Marina.

Aniya, “Matagal na kasi imu-museum, so pinagipilian.

"Matagal ko nang inaayos yun, pero it was still in my home.

"Yun nga yung feng shui na kaya ’di ako maka-move on, kasi nasa bahay pa , o I got to take it out."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN