PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto tells Raymart Santiago’s lawyer to "back off"

Ayon sa isang malapit na kaibigan at naatasang magsalita ni Claudine Barretto, baka hindi na matuloy ang nasimulan nang pag-aayos sana sa korte ng aktres at ng estranged husband nitong si Raymart Santiago dahil sa pananabotahe diumano ng abugado ng aktor na si Atty. Ruth Castelo.


Isang malapit na kaibigan ni Claudine Barretto ang inatasan ng aktres na makipag-ugnayan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang ipahayag ang saloobin ni Claudine laban sa abugado ng estranged husband niyang si Raymart Santiago na si Atty. Ruth Castelo.

Tinawagan ng kaibigan ni Claudine ang PEP senior writer na si Arniel Serato kaninang hapon, July 2.

Sa pamamagitan ng source, ipinaabot nito ang hinanakit ng aktres dahil sa paghalungkat diumano ni Atty. Castelo sa mga lumang isyu na maaaring maging sanhi upang hindi na matuloy ang isinasagawang mediation ng magkabilang kampo sa korte.

Saad ng PEP source, “May malaking chance na, today, nagmi-meet si Claudine and her lawyers, na hindi matuloy ang JDR nila ni Raymart because of Atty. Ruth Castelo.”

Ang JDR o judicial dispute resolution ay isang court process kung saan inaayos ang relasyon ng pamilyang may alitan, katulad na lamang ng kaso nina Claudine at Raymart.

Dagdag pa ng kaibigan ni Claudine tungkol kay Atty. Castelo, “Sinasabotahe niya yung pagbabati, pag-aayos nila ni Raymart.

"Like yung sa invitation nila ni Raymart sa recital ni Sabina for G-Force project, she called it as ’very insincere.’

“Na ina-accuse niya si Claudine na ina-accuse daw si Raymart about the shooting incident, when she said it on TV na Raymart didn’t ever cross her mind, kasi mga anak niya ang damay dito.

“So, he was never a suspect.

"And so, sabi niya [Atty. Castelo], who in the right mind daw would invite three days after the shooting incident."

Ang tinutukoy ng source na "shooting incident" ay ang alegasyon ni Claudine na may nagpaputok ng baril malapit sa bahay niya sa Loyola Grand Villas.

Read: Claudine Barretto shows letter from security agency claiming shooting incident took place in Malanday

Ayon pa sa source, “in good faith” ang pag-iimbita ni Claudine kay Raymart sa recital ni Sabina, kahit umiiral pa ang temporary protection order (TPO) laban sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dagdag nito, “Ngayon, yung JDR, malaki ang tsansa na hindi na matuloy because of Atty. Ruth.

"Because she’s not happy na pinababayaan pa rin ni Raymart na bastusin si Claudine ng mga lawyers niya… ng lawyer niya.

"’Pag yung isang lawyer naman niya [Raymart] ang kausap, maayos, e.

"Itong lawyer lang na ‘to ang magulo talaga, gusto niya ng war," pagtukoy ng source kay Atty. Castelo.

RECONCILIATION PROCESS. Nitong Sabado, June 28, naging usap-usapan sa Internet ang posts sa Instagram ni Claudine ng larawan nila ni Raymart, kasama ang dalawa nilang anak na sina Sabina at Santino.

Read: Claudine Barretto agrees to set aside differences with estranged husband Raymart Santiago for the sake of their children

Sabi ng kaibigan ni Claudine, marami na sanang natuwa na umusad na ang reconciliation process sa pagitan ng aktres at ni Raymart, alang-alang sa kanilang mga anak, pero baka madiskaril pa raw ito.

“You know, everybody is so happy na magkakaayos na lahat.

"Ito na naman si Atty. Ruth, pampanira ng pamilya. Panira na naman, e.

"Lahat naman daw utos ni Raymart, so insincere pala lahat.

"So, lahat pala itong ginagawa nila is insincere, so why push through pa with the JDR?

“So, sabi ni Claudine, kung ganun din naman at walang trust e mahirap na. Mahirap na.

"Maganda na sana... Sabi niya [Atty. Castelo], it’s between Atty. Topacio and her, pero sinabi niya na, ’Who is in the right mind would not doubt?’

"She [Claudine] have an answer, somebody who is very malicious, suspicious... somebody who is very malicious and suspicious mind would doubt that.

"And she guesses, her mind [Atty. Castelo], may be like that. ‘Di ba?

"So, because of her, she might not be pushing.

"She’s talking to her lawyers and she’s trying to pull out of JDR already."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong araw ay naglabas din ng pahayag ang abugado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio tungkol sa mga patutsada ni Atty. Castelo laban sa kanya at sa aktres.

Read: Claudine Barretto’s lawyer firm in his allegation that Raymart Santiago’s counsel sabotaged their efforts of reconciliation

Saad pa ng source, “And that, her camp will continue [all their court cases] and bahala na si Raymart mag-explain to their children.

"Hindi rin alam ni Claudine kung kailan at saan."

Sa August 1 daw muling maghaharap sa korte sina Claudine at Raymart.

“But as for now, wala na. Doors are closed.

"Ayaw na niya [Claudine] kasi masyadong ano, e… parang nakikita niya na si Raymart, walang disposisyon, yung ano lagi...

"Ang nagde-decide para sa kanya ay yung lawyer niya.

“’Pag si Raymart ang kausap at saka si Atty. [Peter] Sanchez, maayos, e.

"’Pag yung si Atty. Ruth ang kausap, talagang gulo. Talagang siguradong gulo.

"Maraming mga hindi umaabot sa kampo nina Claudine.

“Na, alam mo yun, hindi na sana sila umaabot sa ganito katagal kung wala si Ruth sa picture na ‘to, e.

"But Raymart is not doing anything about it.

"And siya, pakiramdam ni Claudine, that, of course, he have to protect his lawyer, once again, over his family and his children.

"She’d rather… she might not just go with the judicial dispute resolution," ulit pa ng source.

BCK OFF. May mensahe ba si Claudine na nais ipaabot kay Atty. Castelo?

Sabi ng source, "’Back off, Ruth Castelo,’ yun ang pinasasabi niya.

“Just back off. Just back off.’”

Pahabol pa ng kaibigan ni Claudine patungkol kay Atty. Castelo, “Kasi she wouldn’t want to get into war with Claudine.”

Ang mga pahayag na ito ng kaibigan ni Claudine sa PEP ay pinatibay ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram posts ngayong araw rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa post ng aktres: “Ruth i told u Do not test me! maayos na sana lahat till u opened u BIG MOUTH AGAIN!ok na sana lahat for both parties dakdak ka pa kasi ng Dakdak.ayan gulo ulit! does it make u happy na d maayos ang Family namin bcoz of YOU????!!!!Get a life!”

Bukas ang PEP sa panig ni Atty. Ruth Castelo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN