Edu Manzano defends ex-wife Vilma Santos in wrong grammar issue

Edu Manzano dismisses the issue currently hounding his ex-wife, Governor Vilma Santos, in social media as just a bump on the road that the Star For All Seasons can easily overcome.


Ipinagtanggol ni Edu Manzano ang dati niyang asawa na si Batangas Governor Vilma Santos tungkol sa isyu ng maling grammar sa dedication card na nakalakip sa ensaymadang ibinigay ng actress-politician kay Kris Aquino.

Kinunan ni Kris ng larawan ang ensaymada pati na ang dedication sa kanya ni Ate Vi at ipinost ito sa Instagram account niya.

Read: Gov. Vilma Santos-Recto bashed on Kris Aquino’s Instagram post

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa press conference ng third season ng Face The People, ang social at reality based TV show ng TV5, kahapon, July 2.

Paliwanag ni Edu sa isyung kinasasangkutan ng Star For All Seasons, "Sometimes, yung interpretations can vary, depende kung sino ang nagbabasa ng mga posts na ’yan.

"In my case, maingat na maingat ako kung saka-sakaling magpo-post ako sa IG [Instagram].

"I stopped my Facebook kasi hindi ko rin kayang sagutin lahat ng nagpo-post or nagre-reply.

"Sa IG naman, mas madali, pero I try to stay away from anything that can be misinterpreted."

Kumpiyansa naman si Edu na madaling malalampasan ni Vilma ang isyung ito.

Sabi niya, "She’s old enough to take care of herself.

"Ito yung mga small bumps on the road. I’m sure she’s been through worse."

Dugtong pa ni Edu tungkol sa kontrobersiya, "Kasi minsan, hindi naman ’yon ang ating punto, pero it’s read as such.

"So, sometimes, again, people these days [are active in] social media, everybody has a voice now.

"It could be obscured, it could be misinterpreted.

"That’s why, I think, sometimes we have a distorted truth of our freedom of speech."

FACE THE PEOPLE. Excited naman si Edu sa pagpasok niya bilang additional host sa Face The People dahil, aniya, "out of the box" ang nasabing proyekto.

Siya ang makakasama ng dati nang hosts na sina Gelli de Belen at Tintin Bersola-Babao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala si Edu bilang host ng game shows gaya ng Game N’ Go, Deal or No Deal, 1 versus 100, at Family Feud.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN