Paolo Valenciano understands brother Gab’s decision to back out from America’s Got Talent

Paolo Valenciano (left) on younger brother Gab’s decision to back out from America’s Got Talent: "We’re not so worried about him, kasi ang dami nang... like, he had an offer to choreograph the Miami Heat cheerleaders. He turned down that, too, because they wanted him to move to Florida. Ang dami na niya talagang offers."


Nanghihinayang si Paolo Valenciano sa pag-backout ng kanyang nakababatang kapatid na si Gab Valenciano sa America’s Got Talent matapos itong pumasa sa initial auditions.

Matatandaang noong April 2014 ay napabalitang nag-audition ang pangalawang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan sa 9th season ng reality show na America’s Got Talent at napasama pa si Gab sa teaser.

Ang isa sa mga dahilan ni Gab kung bakit siya hindi tumuloy ay para sa “more permanent opportunities” sa kanyang career kaysa sa “30 seconds of fame.”

Read: Gab Valenciano explains why he quit America’s Got Talent

Ito naman ang naging reaksiyon ni Paolo sa desisyon ng kapatid: “The thing about it, I think they [America’s Got Talent management], they want to own the material that he would submit.

“He really made it through... the judges saw him, he got three out of four. And then, he was a part of the trailer pa.

“And he backed out nga.

“I mean, we are all against it... I mean, him backing out.

“But he said na… he just said na he wanted to be known not just as the ‘Super Selfie Guy.’

“And they’re gonna own pa... they were not allowing him to do anything else pa, e.”

Ang “Super Selfie” videos ni Gab ay naging viral sa social media at naging dahilan upang makilala siya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa presscon ng ARISE Gary V 3.0, The Repeat, noong July 1, sa Valencia St., San Juan City.

Ang repeat concert na ito ng tinaguriag Mr. Pure Energy ay magaganap sa August 2, sa SM Mall of Asia Arena, kung saan si Paolo ang direktor.

Sabi pa ni Paolo tungkol sa kapatid, “’Di ba, kasi si Gab, multi-talented. He plays the drums, the guitar, the keyboards.

“Akala niya, he would be able to do other stuff na connected sa dancing pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi daw, no, kailangang dancing lang siya.

“Sabi niya, how much can he do?

"And the super selfies kasi, a lot of them, idinadaan niya sa editing, e.

“’Di ba, ang ang dami niyang editing? Like, yung mag-a-appear siyang ganun ‘tapos mag-i-slow motion siya.

“Sabi niya, ‘How can I pull that off if only I can do is dance at wala akong puwedeng gawin?’”

Kahit yun na sana ang katuparan ng matagal nang pinapangarap na international career ni Gab ay tinalikuran pa rin niya ito.

Saad ni Paolo, “Yeah, but he has to stand up for what he believes, e.

“I told him na sayang din, kasi siyempre ang laking opportunity yun at millions ang nanonood dun sa States.

“But, you know, he became popular with just using YouTube.

“So, we’re not so worried about him, kasi ang dami nang... like, he had an offer to choreograph the Miami Heat cheerleaders.

“He turned down that, too, because they wanted him to move to Florida.

“Ang dami na niya talagang offers.”



CONCERT DIRECTOR. Sa parte naman ni Paolo, naka-focus siya ngayon sa pagiging isang concert director.

Aniya, “I feel na dun ako mas effective as a director.

“Also, because galing ako sa theater and I did a little acting when I was younger, and then I was in the rock scene and then, ASAP.

“I feel na all of that ay nag-contribute siya sa lahat ng ideas ko, kasi naranasan ko lahat yun.”

Bakit sa pagiging isang concert director ang gusto niyang tahakin sa kabila ng kanyang maraming talento?

Ayon kay Paolo, “I think the problem kasi, as a musician, the reason why ‘di ko ma-express ang sarili onstage so much is that I never get over my stage fright, e.

“So, parang alam ko ang gusto ng tao, alam ko kung paano ma-impress yung tao, pero ‘pag nasa stage ako, parang nagpi-freeze ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag kumakanta ako, okay lang. Pero ‘pag spiels or whatever, parang nagpi-freeze ako.

“So, sa mga ginagawa kong projects, dun ko na lang inilalabas.

“Parang if I let someone do that, iniisip ko na if kung ako yun, yun din ang gagawin ko.”

Bilang direktor ng concert ng kanyang sariling ama, ano ang pakiramdam ni Paolo?

Sagot niya, “Yung una, mahirap talaga.

“Pangalawa na kasi ito.

“The first time, yung On Higher Ground, nakakatakot yun, kasi super-technical yung show, ‘tapos, you’re directing Gary V pa.

“Pero, after a while, na-realize ko na lahat ng mga gusto niya ay gusto ko rin.

“So, it’s just a matter of managing kung ano ang ideas na meron kami and then...

“Yeah, at the same time, alam ko rin ang concerns ng management, nung audience.

"So, yun nga, it’s just a matter of managing the ideas.

“Like, let’s say, I have ten ideas, I tell my Dad na let’s do all those seven ideas and those three ideas ay from the management, para balance.”

Bilang director, kahit sabihin pang isang sikat na singer ang kanyang idinidirek at nagkataong ama pa niya, si Paolo pa rin daw ang kailangang masunod.

Natatawang sabi ng 27-year-old concert director, “Siyempre, ako!

“Kasi, ‘di ba, Gary V will be performing, and if he looks bad, everybody’s gonna look at me.

“They’re all gonna look at me kasi ako ang nasa sound board, ako ang nagdidirek ng lahat, ‘di ba?

“So, sometimes, I really have to put my foot down and do like that.

“Hindi talaga, it’s not gonna work, pero I said it naman politely.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN