Edu Manzano says son Luis does not open up to him about his lovelife

Ano ang masasabi ni Edu Manzano sa posibilidad na pagpapakasal ng anak niyang si Luis Manzano sa aktres na si Angel Locsin? Sagot ng TV host, “Never akong nakialam sa kanya. Bahala siya. Whatever my children do, I will always support them.”


Inusisa ng entertainment press si Edu Manzano tungkol sa posibilidad na pagpasok ng kanyang panganay na anak na si Luis Manzano sa mundo ng pulitika.

Sa isang panayam kamakailan kay Luis, sinabi nitong pagdedesisyunan niya sa loob ng dalawang buwan kung tatakbo ba siya o hindi sa 2016 elections.

Usap-usapang tatakbong mayor ng Lipa City, sa Batangas, si Luis.

Ano ang sentimiyento ni Edu sa posibleng pagtakbo ni Luis sa 2016?

Sagot niya, “He’s thirty-three already. [He can do] whatever he wants to do in his life.

“Ang sinasabi ko lang sa kanya, there’s always has to be sacrifices. You cannot have your cake and eat it too.

“So, you have to give priority to something and if you choose to serve the people, that should be the focus of your existence—to serve.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Edu sa press conference ng third season ng Face The People ng TV5, na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, July 2, Miyerkules.

Nilinaw ni Edu na kahit noon pa man ay hindi siya kontra kung sakaling magdesisyon si Luis na pasukin ang pulitika.

“I just want him to realize—having come from there—it would demand sacrifice on his part.”

Si Edu ay may karanasan din sa larangan ng pulitika.

Naging vice mayor siya ng Makati City si Edu noong 1998 at naging chairman ng Optical Media Board noong 2004.

Noong 2001 ay tumakbo siyang Mayor ng Makati ngunit natalo siya.

Noon namang 2010 ay kumandidato si Edu bilang Vice President ngunit nabigo rin siya.

Pahayag ni Edu, mahirap kung pagsasabayin ang pulitika at showbiz kung parehong gustong maging aktibo ng kanyang panganay na anak sa dalawang mundo.

“Whether he decides to stay in the business or quit, bahala siya.”

Si Luis ay anak ni Edu sa dati niyang asawa na si Batangas Governor at Star For All Seasons Vilma Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON LUIS GETTING MARRIED. Kung ganoon na lamang ang supporta ni Edu sa planong pagsabak ni Luis sa pulitika, ganoon din siya pagdating sa lovelife ng anak, partikular na sa isyung pagpapakasal nito sa girlfriend na si Angel Locsin.

“Never akong nakialam sa kanya. Bahala siya. Whatever my children do, I will always support them,” sabi ni Edu.

Pormal na bang ipinakilala ni Luis sa kanya si Angel bilang future daughter-in-law?

Tugon niya, “Matanda na ang mga magulang niya.

"Wala na kaming karapatan makialam, at wala na rin kaming karapatan mag-comment sa mga tanong [tungkol sa isyu]."

Hindi ba siya ina-update ni Luis pagdating sa lovelife nito?

“None of my children talk about their lovelife. Minsan inaantay, tatahimik ka, wala.”

Pagtukoy ni Edu sa sarili pagdating sa buhay pag-ibig, “Siguro marami rin akong pagkakamali, pero as a father, I think I’m pretty good.”

ON SINGLEHOOD. Biniro si Edu na baka maunahan pa siya ni Luis na lumagay sa tahimik.

Natawa lang si Edu.

Hindi na ba siya muling magpapakasal?

"No, happy na ako. I get to travel with my children. Nagbibiyahe kami, nag-iibang bansa.”

Single pa ba siya?

“Single, yeah.

“Matagal na akong nagmi-mingle, nobody wants to tingle!” natatawang biro ni Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN