Bianca Gonzalez says bashers keep her grounded: "Kailangan ng mga bashers para bumaba-baba ka sa lupa."

Bianca Gonzalez on bashers: “Kailangan ng mga bashers para bumaba-baba ka sa lupa. And a lot of the times, bashers really have... may point sila, e, na kailangan mo lang makita behind the meanness. May ibang bashers talaga na out to destroy you, pero there are a lot of bashers na they post negative na para rin sa ikabubuti mo, kasi totoo naman. Parang they give you a second look at yourself.”


“I’m very fond of them.”

Ito ang sagot ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez nang tanungin kung ano ang masasabi niya tungkol sa bashers, lalo na sa social media.

Hindi lingid sa kaalaman ni Bianca kung gaano kasakit magsalita ang bashers, ngunit para sa kanya, ang mga ito ang tumutulong upang manatili siyang mapagkumbaba.

Saad ng 31-year-old TV host, “I have this talk in the Social Good Summit maybe two years ago.

"And I said na bashers, masakit magsalita.

“Whether may one million followers ka or one hundred followers, may bashers ka talaga.

“But I feel like... I say that I’m fond of them and I like them only because parang bashers keep you grounded.

“Hindi naman puwede na sa post mo ng picture mo, puro maganda yung comments na mare-receive mo, ’di ba?”

Dagdag pa niya, “Kailangan ng mga bashers para bumaba-baba ka sa lupa.

“And a lot of the times, bashers really have... may point sila, e, na kailangan mo lang makita behind the meanness.

“May ibang bashers talaga na out to destroy you, pero there are a lot of bashers na they post negative na para rin sa ikabubuti mo, kasi totoo naman.

“Parang they give you a second look at yourself.”

Bukas ang loob ni Bianca sa mga sinasabi ng kanyang bashers, kaya naman hindi niya bina-block ang mga ito, maliban na lang sa online sellers.

Paliwanag niya, “I read, I read all of them.

“I don’t delete, I don’t block bashers.

“Recently lang, nagamit yung block ko kasi, technically, I don’t really block them.

"Kasi nga, mapu-post ko yung gusto ko, dapat ma-post din nila yung gusto nila, whether good or bad.

“But recently, nag-start ako mag-block sa mga online sellers, yun yung talaga for me parang nakaka-invade na ng space.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But kumbaga, sa bashers, ’pag nilait ako, ite-take ko yun.

“Pinost ko yun, e, public yung account ko, so ayun.”

Ano ang pinakamasakit na sinabi sa kanya ng isang basher?

Tugon ni Bianca, “Madami, madami talaga.

“Lahat, physical, ugali-wise, even family, loved ones...

“Marami, maraming masakit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN