Kiko Pangilinan denies cheating on Sharon Cuneta: “I’ve never been unfaithful…”

Kiko Pangilinan on rumored mistress and lovechild: "At one point, when it wasn’t working… komo dirty tricks, they started saying I was gay. So, ano ba ito? Am I supposed to be a womanizer or am I supposed to be gay, ‘di ba? It’s… that’s dirty politics. In fact, Sharon was quoted, ‘I thought showbiz was dirty, politics is even dirtier.’"


Matagal nang usap-usapan ang pagkakaroon diumano ng mistress at anak sa labas ni dating senator Kiko Pangilinan, asawa ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Ilang beses nang natanong sa mga interview sina Kiko at Sharon tungkol dito, at ilang beses na rin nila itong pinabulaanan.

Sa panayam ni Winnie Monsod kay Kiko para sa programang Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie ng GMA News TV, diretsahang tinanong ng TV host ang senador tungkol dito.

Tanong ni Winnie: “I heard that you had a mistress and a daughter outside… some secretary of yours.”

“Not true… not true,” bahagyang natawang sabi ni Kiko sa isang bahagi ng panayam.

Dagdag pa niya, “That came out… it would come out during elections, e.”

Sabi naman ni Winnie kay Kiko: “Look at me straight in the eye and say that you have never been unfaithful to Sharon Cuneta?”

Sagot ni Kiko: “I’ve never been unfaithful… that’s true.”

Buwelta muli ni Winnie: “Baka naman Sharon would call me up and say, ‘He’s a liar!’”

Saad ni Kiko, “Sharon wouldn’t do that.

“If she finds out I have been unfaithful, I will be, you know… I will be kicked out of the house.

“And we’ve been together eighteen years.

“In fact, at one point, when it wasn’t working… komo dirty tricks, they started saying I was gay.

“So, ano ba ito? Am I supposed to be a womanizer or am I supposed to be gay, ‘di ba?

“It’s… that’s dirty politics.

“In fact, Sharon was quoted, ‘I thought showbiz was dirty, politics is even dirtier.’

“And if you notice, right now, [are] there stories about it?

“No, because I’m not running, I’m not in politics. I’m just working.”



ADOPTED CHILDREN. Tinanong din ni Winnie si Kiko tungkol sa adopted son nila ni Sharon na si Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Kiko, “Well, a friend of Sharon called her and said that, ‘A baby has to be given up. The mother cannot take care of the baby. It’s a boy. Would you be interested?’

“We’ve been asked that before, but this is the first time si Sharon said yes.”

Tanong ni Winnie kay Kiko: “This adopted son of yours is absolutely has nothing to do with your fooling around?”

Sagot ng dating senador, “No… well, it’s kinda baduy, cheesy or corny, but I don’t… I cannot hurt my wife.”

Nagbanta naman si Winnie na kapag nalaman niyang nagsisinungaling si Kiko ay hindi siya titigilan nito.

Bukod kay Miguel ay legally adopted na rin ni Kiko ang panganay na anak ni Sharon na si KC Concepcion.

Si KC ay anak ni Sharon sa una niyang asawa na si Gabby Concepcion.

Pumayag ba agad si Gabby na ampunin niya si KC?

Sagot ni Kiko, “He was not actually here, e. He was still in the U.S.”

Matatandaang matagal nanatili sa Amerika si Gabby dahil sa isang kaso niya dito sa Pilipinas, ngunit bumalik siya sa bansa noong 2008.

Hindi ba sumama ang loob ni Gabby?

Pahayag ni Kiko, “Well, he opposed it but, you know, the court decided it would be to the best interest of the child.

“He had a lawyer, but I guess, at that point, the judge felt it would be…”

Pakiramdam din ba ni KC ay iyon ang tamang gawin?

Tugon ni KC, “At that point, yes. Because she appealed, e.”

Sixteen years old si KC nang desisyunan ng korte ang legal adoption niya. Ngayon ay 29 years old na ang actress-TV host.

Maliban kina KC at Miguel, may dalawang biological children sina Kiko at Sharon—sina Frankie at Miel.



KIKO IN 2016. Sinabi rin ni Kiko na wala siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng usap-usapang plano raw niyang tumakbong President o Vice President sa 2016.

“Ayoko nang mag-ambisyon,” sabi niya.

Ano ang sabi ni Sharon tungkol dito?

“It’s really up to me, she said. But like I said, I’m not interested,” diin ni Kiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN