Lorna Tolentino says detainee Senator Jinggoy Estrada misses her late husband Rudy Fernandez

Lorna Tolentino on Jinggoy Estrada and Bong Revilla’s predicament as PDAF scam detainees: “Kung si Daboy yun, matatawa talaga siya nang husto. ’Ayan, tignan niyo [ang] nangyari. Para hindi na kayo magkahiwalay pa at hindi kayo mag-away, ’ayan, pinagsama kayo,’” says Lorna during a pocket presscon for My Destiny last night, July 3.


Idinaan na lang ni Lorna Tolentino sa biro ang pagbisita niya kamakailan sa mga kaibigang sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Hindi lingid sa showbiz circles na madalas mag-away sina Senator Revilla at Senator Estrada sa grupo nilang magkakaibigan, kabilang na sina Phillip Salvador at ang namayapang mister ni Lorna na si Rudy Fernandez, o mas kilala bilang Daboy.

Mismong si Senator Revilla ay nabanggit sa kanyang nakaraang privilege speech na siguradong natatawa sa langit si Daboy, dahil tila mas pinaglapit ng kapalaran ang dalawang senador na madalas hindi magkasundo.

Read: Senator Bong Revilla gets emotional as he faces possible arrest over plunder charges

Sabi ni Lorna tungkol dito, “Pinag-uusapan nga namin. Sigurado yun, dahil away kayo nang away.

"Sasabihin nun [Daboy], ‘Ngayon, hindi kayo [Jinggoy and Bong] puwede maghiwalay. Joint venture kayong dalawa diyan!’

“Dati, siya [Daboy] lagi yung peacemaker nung dalawa, e. Ngayon, wala na, hindi mo na sila mapapaghiwalay.

“Kung si Daboy yun, matatawa talaga siya nang husto.

“’Ayan, tignan niyo [ang] nangyari. Para hindi na kayo magkahiwalay pa at hindi kayo mag-away, ’ayan, pinagsama kayo.’”

Nakapanayam si Lorna ng piling miyembro ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa ginanap na pocket presscon para sa teleseryeng My Destiny kagabi, July 3.

MISSING DABOY. Ayon pa kay Lorna, hanggang ngayon ay hindi makalimutan ni Senator Estrada ang pagiging maalalahanin ni Daboy bilang kaibigan.

Kung buhay pa raw si Daboy ay siguradong dadalhan nito ng pagkain ang senador sa kulungan.

“Noon ngang dinalaw ko siya, [sabi ni Senator Estrada], ‘Nami-miss ko yung araw-araw may nagdadala sa akin ng siopao o kaya wine.’

“Or kung ano yung maisip niya na wala doon [sa kulungan] at alam niyang favorite ni Jinggoy, dadalhin niya. Nami-miss niya si Daboy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Senator Estrada ay biniro na lang umano ni Lorna ang senador.

“Sabi ko, ’Hindi, dalhan na lang kita ng tubig. Nagpadala naman ako ng tubig. Maintain ka lang. [Mag] diet ka!’” natatawang kuwento ni Lorna.

Kasalukuyang nakakulong sa custodial center ng PNP sina Senator Revilla at Senator Estrada dahil sa kasong plunder.

JINGGOY ADJUSTING TO PRISON LIFE. Nabanggit din ni Lorna na sadyang mainit sa kani-kanilang detention cell nina Senator Estrada at Senator Revilla.

Kahit na mayroong electric fan ay mainit pa rin ang buga ng hangin nito, lalo na kung mainit ang panahon.

Kaya’t natuwa umano si Senator Estrada nang magpadala ng mga halaman ang ilang bumisitang kaibigan, dahil mas naging presko ang lugar.

“Nag-request siya nung dumalaw kami na magpadala ng citronella, pandan, lemon grass. Iba kasi kapag may green,” dagdag ni Lorna.

Maayos naman daw ang kalagayan ni Senator Estrada sa ngayon. At kung mayroon man inaalala ang senador, iyon ay ang kapakanan ng mga anak nito.

“Although naaawa siya kay Jill, sa mga bata. Yung mga mas matanda, makaka-survive na. Pero si Jill, yung youngest…

“With Bong, siguro ganun din ang dilemma. ‘Pag yung mga bata, mahirap nila maintindihan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN