Ai-Ai delas Alas lashes back at bashers who call her “sawsawera”

Matapos ipagtanggol ni Ai-Ai delas Alas si Governor Vilma Santos hinggil sa spelling mistake nito sa dedication card na ipinadala kay Kris Aquino, pinupuntirya ngayon ng ilang bashers ang Comedy Concert Queen.


May ilang bashers ang umaatake ngayon kay Ai-Ai delas Alas sa Instagram matapos ipagtanggol ng komedyana ang idolong si Vilma Santos hinggil sa maling spelling ng ilang salita sa dedication card na ipinadala ng Batangas governor kay Kris Aquino.

Read: Gov. Vilma Santos-Recto bashed on Kris Aquino’s Instagram

Sa press conference ni Ai-Ai noong July 1, Martes, tinanong ng entertainment press kung ano ang opinyon niya sa isyung kinasangkutan nina Vilma at Kris.

Dating malapit na kaibigan ni Ai-Ai si Kris, samantalang self-confessed Vilmanian naman ang Comedy Concert Queen.

Read: Ai-Ai delas Alas defends Governor Vilma Santos against bashers; favors Nora Aunor for National Artist award

Sa Instagram post ni Ai-Ai (@aiaidelasalas) noong Martes, mababasa ang thread ng comments na ilang bashers. Ilan sa mga ito ay sinagot ng aktres.

Isang Instagram user na may account name na "@keltan_74" ang tumawag kay Ai-Ai na “sawsawera.” Sinabi rin nitong parang bata ang aktres dahil sa pagsagot nito sa isyu nina Vilma at Kris.

Ipinagtanggol naman ni Ai-Ai ang sarili at sinabing wala siyang sinabing masama patungkol kay Kris.

Aniya, may karapatan siyang magbigay ng kanyang opinyon. At bilang artista, sumagot lang siya tungkol sa isyu dahil tinanong siya ng mga writer.

Sabi pa ni Ai-Ai sa isang comment: “Nagkataon lang na may presscon ako para sa show namin ni Rico J [Puno] syempre tinatanong ako ng press kaya nga presscon.

“Ang nakikisawsaw kung nagpa-presscon ako tungkol dun.

“Natanong lang ako at sinagot ko lang ang mga tanong.”

AI-AI’S MESSAGE. Nagpadala naman ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai, sa pamamagitan ng Facebook private messaging, upang kunan siya ng karagdagang pahayag tungkol sa lumalaking isyung ito.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpadala naman ng mensahe si Ai-Ai sa PEP sa pamamagitan ng email.

Narito ang pahayag ni Ai-Ai:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nagsisisi. Kaibigan ko si Ate Vi.

"Lahat ’to alam ko mangyayari, basang-basa ko na ’to...

"MAHAL KO SI ATE VI AT KILALA KO SI ATE VI. TOTOONG TAO AT MALINIS ANG PUSO...

"Showbiz is also a mafia world.

"Hindi naman tayo sure kung talagang ang mga nagba-bash ay totoong mga tao na galit sa akin at kakampi ng iba.

"Yung iba diyan, utusan lang. Maraming dahilan ’yan—diversionary tactics, paid hack, brainwashing...

"Madali nang durugin ang artista o taong ayaw mo kasi nga marami nang way at klase ng social media.

"Isa lang ang pinanghahawakan ko sa buhay ko: GOD CAN SEE EVERYTHING. AND GOD LOVES US!!! GOD BLESS US ALL!!!"

Dagdag pa niya, "At ito pa pala, isipin mo, sa dami ng tao sa mundo, lalo na sa Pilipinas na maraming mahirap, meron ba ’yang pambili ng computer at android phone? Waley!

"Ang iisipin niyan, sa’n sila kukuha ng makakain?

"Sino ’yang mga ’yan, mayayaman, ’di ba?

"Ang mayayaman, nagtatrabaho ’yan. May time pa ba ‘yan siraan ka?

"Siyempre, ang mga sisira sa ’yo, yung mga hindi busy na bayaran, hello?

"Tama, mali?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN