Lorna Tolentino nearly pulled out from My Destiny by manager Lolit Solis

Lorna Tolentino says all is well now between her camp and the production staff of My Destiny. Apparently, Lorna’s manager Lolit Solis recently expressed her dismay over the seasoned actress’s lack of exposure in the newest primetime teleserye of GMA Network.


Nagsalita na si Lorna Tolentino tungkol sa napabalitang hinaing ng manager niyang si Lolit Solis kaugnay ng diumano’y pambabalewala sa aktres ng production team ng My Destiny.

Ang My Destiny ay ang pinakabagong primetime series ng GMA Network na tinatampukan nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Rhian Ramos. Si Lorna ang gumaganap na ina nina Carla at Rhian.

Nitong mga nakaraang linggo ay may ilang lumabas na ulat sa tabloids, kung saan nakasaad na tila gusto nang ipa-pullout ni Lolit ang kanyang alaga sa naturang teleserye.

Bali-balita ring hindi nakarating si Lorna sa grand presscon ng My Destiny noong June 25, dahil umano sa sentimiyento ng kanyang manager.

Base kasi sa mga lumabas na teaser ng teleserye ay hindi umano nabigyan ng sapat na exposure ang beteranang aktres.

Pahayag ni Lorna, “Ginagawan naman talaga ng paraan. Kasi mahirap naman talaga. Alam mong istorya ng mga bata ito, e.

“But then, meron naman akong nakitang kahit papa’no na mayroon namang maganda sa role.

"Meron namang relevance yung pagiging isang ina ko dito."

Bago ang My Destiny, napanood si Lorna sa GMA primetime teleserye na Pahiram Ng Sandali (2012), kung saan gumanap siya bilang leading lady ni Dingdong Dantes.

Gumanap namang Pangulo ng bansa si Lorna sa teleseryeng Genesis (2013), na pinagbidahan din ni Dingdong.

Saad ng Grandslam Queen, “Although, kung ang hinahanap nila yung talagang naka-focus ulit yung istorya sa amin, like yung kay Dingdong na Pahiram [Ng Sandali], or Genesis na Presidente yung role ko ’tapos si Dingdong sa security, so ikaw yung puno.

“’Eto, parang yung mga bata talaga nakatutok yung istorya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Bulgar entertainment editor na si Janice Navida si Lorna sa ginanap na dinner para sa My Destiny star at piling entertainment press, noong Huwebes, July 3.

BETTER EXPOSURE. Ganunpaman, nilinaw ni Lorna na hindi naman tahasang nagreklamo ang kanyang manager na lakihan ang kanyang role sa My Destiny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Talagang ibinukas lang ni Nanay Lolit yung mata nila na sayang naman yung senior artists na gagamitin nila kung babalewalain nila. Gamitin na nila.

"It’s either yung istorya mo, tatlong generations, para lahat ng generations na yun involved sa kung sino mang tumatakbong bida. Lahat nagiging bida."

Ayon kay Lorna, natural lang na sang-ayon siya sa gustong mangyari ng kanyang manager.

“Yes. Tama naman yun, kasi talagang sayang kami [senior artists] kung hindi ime-make use yung presence namin.

“Ako rin, as an artist, parang, ‘Ay, ano ‘tong ginagawa ko? Hindi naman ako kailangan dito.’

"Puwedeng iba, kasi minor lang pala, walang bigat."

Sa ngayon, nabibigyan naman daw ng tamang exposure ang kanyang mother role sa My Destiny.

"Siguro ’pag ipo-focus na talaga nila sa mga bata, siguro dun magrereklamo talaga si Nanay.

"Pero sa ngayon naman, so far, nadi-divide nila na maganda, na merong relevance yung bawat role namin."

ALL IS WELL. Agad namang umaksiyon ang creative team ng My Destiny hinggil sa pagbigay ng importansiya sa ginagampanang papel ni Lorna.

“Yes, na-settle naman. Nagkaroon ako ng meeting with [the creative team].

"Meron akong open communication with the people behind [the soap], like the writers and with Direk Joyce [Bernal].

"Puwede akong magsabi sa kanila ng damdamin ko."

Maging ang GMA management ay nagpakita rin daw ng kanilang suporta sa multi-awarded actress.

“Siyempre, okay naman sa kanila kasi hindi naman nila ako kukuning exclusive [artist] kung hindi nila ako aalagaan.

“Nararamdaman ko naman yung pag-asikaso nila sa akin and yung halaga ko sa kanila.

“Pinaparamdam naman nila sa akin yun.

"Kapuso nga, ‘di ba? So, may puso, nararamdaman ko yung halaga," paglilinaw pa ni Lorna.

CONTRACT RENEWAL? Karamihan sa beteranong artista, katulad ni Lorna, ay freelancer o malayang nakakatawid sa iba’t ibang TV network.

Ngunit hangga’t maaari ay mas gusto ni Lorna na nakapirmi siya sa isang istasyon sa loob ng isa o dalawang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas okay sa akin yung one year na alam ko na nakakontrata ako sa station na ito. Ito yung mag-aalaga sa akin for the year.

"Like with GMA, two years ang kontrata ko sa kanila. I was able to do three teleseryes in two years’ time."

Ibinahagi ni Lorna na magtatapos ang kanyang two-year contract sa GMA sa October.

Plano ba niyang pumirma ulit ng kontrata sa Kapuso network?

Sagot ni Lorna, “Siguro, kung bago matapos [yung soap], kung ire-renew nila.

“Kung sino man, open ako sa lahat, e. So, open muna ako sa lahat.

“Kung mauna ang GMA, e, di okay.”

Kung saka-sakali ay marami pa raw gustong makatrabaho si Lorna sa Kapuso network, ’tulad nina Marian Rivera, Dennis Trillo, at ang kanyang stepson na si Mark Anthony Fernandez.

Si Mark Anthony ay anak ng yumaong asawa ni Lorna na si Rudy Fernandez sa actress-politician na si Alma Moreno.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring makasama ni Lorna sa isang proyekto ang mga anak na sina Rap at Renz Fernandez, na parehong exclusive artists ng GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN