Marian Rivera gives support to Governor Vilma Santos amid online bashing

"Alam mo, ‘yong mga taong nangba-bash, ibig sabihin niyan malungkot ang buhay nila kasi wala silang nakikita sa kapwa nila kundi puro kapintasan," says Marian Rivera about people who bash celebrities online.


Agad umanong nagbigay ng suporta si Marian Rivera kay Vilma Santos noong kasagsagan ng pangba-bash sa kanya sa Internet kamakailan.

Ninais ni Marian na huwag nang pag-usapan ang tungkol dito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters sa press conference para sa FHM 100 Sexiest Women victory party kahapon, July 5.

Subalit nang tanungin siya, matipid na sinabi ng tinaguriang GMA Primetime Queen, “Nag-text ako sa kanya.

“Ayaw ko talaga pag-usapan kasi ang laki ng respeto ko kay Ate Vi.

“Ang importante diyan, nagkakaintindihan kaming dalawa dahil alam niyang nasa likod niya ako.

“ At mahal ko siya, ‘yon ang importante.

“Kaya niya ‘yon!”

Ipinaliwanag rin ni Marian kung bakit tila ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol dito.

Aniya, “Medyo maselan sa akin ang parteng ito, ayaw ko sana na pinag-uusapan natin ito.

“Alam ko ang pakiramdam na ganyan. Kahit sa akin nangyayari ‘yan.

“Tinext ko lang siya at sinabi ko na nandito lang ako at mahal ko siya.”

Ang pangba-bash kay Batangas Governor Vilma ay dulot ng pag-post ni Kris Aquino ng dedication card ni Vilma para sa TV host na may maling spelling.

Read: Gov. Vilma Santos-Recto bashed on Kris Aquino’s Instagram post

Ngunit agad namang humingi ng paumanhin si Kris tungkol dito at ipinaliwanag na hindi niya na-check ang note bago niya inilagay sa kanyang Instagram account.

Read: Kris Aquino apologizes to Vilma Santos for posting dedication card on Instagram

BLOCK, DELETE. Kung si Marian ang tatanungin, nasanay na raw siya sa mga pangba-bash ng mga tao sa kanya sa Internet.

“Matagal na akong immune. Hindi na big deal,” sabi niya.

“Alam mo, lahat naman ng tao bina-bash, e.

“Alam mo, ‘yong mga taong nangba-bash, ibig sabihin niyan malungkot ang buhay nila kasi wala silang nakikita sa kapwa nila kung hindi puro kapintasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, kung masaya ka sa buhay mo, mas makikita mo ang kagandahan ng isang tao kaysa pintasan mo siya.”

Dahil dito, sabi ni Marian natutunan na niya ang pangbo-block at pagde-delete ng bashers.

“Isa lang naman ang social media [account] ko, ang Instagram.

“Ang ginagawa ko, block, delete kaysa patulan ko sila. Bina-block ko lang sila.

“Ang hirap kaya gumawa ulit ng account, gagawa sila ulit sila ng e-mail address, gawa lang sila nang gawa ng ganun, ako naman, block lang nang block.’

Dagdag pa niya, “Nakakaawa lang talaga ‘yong mga artistang bina-bash kasi unfair.

“‘Yong mga artista, kilala nila. Pero ‘yong mga namba-bash na ‘to ay hindi naman kilala.

“So, what’s the point para patulan mo sila?”

Kaya naman muling idiniin ni Marian kung ano ang mas magandang gawin ng mga artista, “Bakit mo pa papatulan, block na lang.

“Gawa sila ulit ng account? Block ulit. Bahala sila. ‘Yon lang ang nakikita ko, e.”

At sa huli, inulit pa ni Marian ang mensaheng ito para sa mga online bashers: “Kung talagang masaya ka sa buhay mo, bakit kailangan mo pang mang-bash ng tao?

“Hindi ba dapat kung masaya ka at kuntento ka, masaya ka para sa kapwa mo?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN