Jake Vargas wants Bea Binene to be part of his birthday celebration: “Ganun siya sobrang ka-importante sa akin.”

Jake Vargas on his solid relationship with girlfriend, Bea Binene: “Kung ano man yung pinagdaanan namin noon, nalagpasan na namin yun ngayon. Mas masaya kami ngayon at mas nagkakaintindihan at mas nagkakasundo. Masyadong matagal na rin yung pinagsamahan namin ni Bea, kumbaga sobrang lalim na ng samahan namin.”


Magseselebra ng kanyang kaarawan sa July 9 ang Kapuso actor na si Jake Vargas. Sa pagtungtong niya ng edad 22 ay may tatlong wishes daw siya: para sa sarili, sa pamilya at sa patuloy na umuusbong nilang relasyon ni Bea Binene.

Kuwento ni Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang July 4 sa taping ng Walang Tulugan with the Master Showman sa Studio 6 ng GMA Annex kung saan sinorpresa siya ni Bea, “Ang unang wish ko ay sana lagi akong bantayan ni Lord at sana maging successful pa itong career ko.

“Sa family ko, ang wish ko sana walang magkakasakit sa kanila, sana maging happy sila sa pang araw-araw at sana wag silang idadamay sa tuwing may intrigang ibabato sa akin.

“Ayoko kasing nadadamay sila, kasi hindi naman sila showbiz. Siguro kung may iintrigahin, ako na lang, ’wag na lang sila idamay.

“And wish ko rin para sa kanila na matapos na yung bahay namin kasi hindi pa tapos hanggang ngayon. Hopefully this year matapos na. Para sa kanila kasi yun.

“Wish ko para kay Bea, siguro good health sa kanya at sa kanyang family at sana lagi siyang masaya pati na rin family niya. Pag masaya siya, masaya na rin ako.

“More projects para sa kanya, para tuloy-tuloy ang dating ng blessings.”

BIRTHDAY GIFT. Wala na raw mahihiling pa si Jake sa kanyang kaarawan sa dami ng mga magagandang bagay na meron siya sa ngayon.

Pag-amin niya, “Actually, masyadong blessed na ako, kasi meron akong supportive at masayang pamilya.

“Maganda rin ang takbo ng career ko kung saan meron akong three shows (Pepito Manaloto, Walang Tulugan with the Master Showman at Sunday All Stars).

“Hindi rin naman ako ma-gadget na tao, kung anong meron ako, masaya na ako dun, kaya wala na siguro akong gustong hilingin pa.”

Pero kung may magbibigay daw ng regalo sa kanya, pahabol niya, “Siguro pag merong magbigay ng regalo, kahit ano man ito tatanggapin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na kapag sports car tulad ng Camaro o Mustang. Hahaha! Kung meron lang magbibigay maa-appreciate ko nang husto yun.

“Biro lang yun. Alam ko naman na walang magbibigay sa akin ng ganun kamahal na saakyan, siguro pag-iipunan ko na lang para magkaroon ako.

“Hilig ko talaga ang sports cars at kahit nga meron na akong isa, gusto ko magkaroon pa. Sa ngayon, parang hindi ko pa kaya. Pero soon, alam ko magkakaroon din ako ng dream car ko.”

SIMPLE CELEBRATION. Wala raw magarbong selebrasyon si Jake para sa kanyang kaarawan.

Ayon kay Jake, “Siguro kasama ko lang ang family ko. Lalabas lang kami para kumain tapos, kami naman ni Bea, kakain kami sa labas.

“Kasi gusto ko sa mismong kaarawan ko kasama ko siya, ganun siya sobrang ka-importante sa akin.

“Basta sa araw ng kaarawan ko kasama ko pamilya ko at kasama ko si Bea, masaya kong isi-celebrate ang birthday ko."

BEA’S GIFT. Hindi na raw naghahangad pa ng regalo si Jake mula kay Bea, at masaya na raw siya na kasama niya ito sa kanyang special day.

“Hindi ko alam ang regalo niya sa akin, pero sinabi ko sa kanya na kahit hindi na siya magregalo, basta kasama ko lang siya magandang regalo na sa akin yun."

Wala na raw mahihiling pa si Jake pagdating sa buhay pag-ibig niya.

“Okey na okey na ako kay Bea. Wala na akong mahihiling pa, happy na kaming dalawa.

“Kung ano man yung pinagdaanan namin noon, nalagpasan na namin yun ngayon.

“Mas masaya kami ngayon at mas nagkakaintindihan at mas nagkakasundo.

“Masyadong matagal na rin yung pinagsamahan namin ni Bea, kumbaga sobrang lalim na ng samahan namin.

“Mas matatag kami ngayon at hindi na naaapektuhan ng mga intri-intriga sa amin,” pagpapasalamat niya.

CONSTANT COMMUNICATION. At kahit nga raw pareho silang busy ay hindi naman daw lumalagpas ang isang araw na hindi sila nag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Basta everyday pag hindi kami magkasama nagtatawagan kami or nagti-text para magkumustahan.

“Hindi namin pinapalagpas yung araw na hindi kami nakakapag-usap.

“O kaya pag wala akong lakad or wala siyang lakad nagkikita kami.

“Like after Sunday all Stars, lalabas kami, kakain kami ganun lang, kasama si Tita (Mommy Carina)."

WAITING FOR TELESERYE. Halos isang taon na raw na walang teleserye si Jake at wish niya raw na bago matapos ang taon ay magka-teleserye na siya.

“Almost one year na rin yata na wala akong teleserye. Sana bago matapos ang taon mabigyan ako.

“Kasi nakaka-miss din na gumawa ng teleserye, although may mga shows naman ako katulad ng sinabi ko pero iba pa rin pag may primetime soap ka.

“Alam ko naman na hindi ako papabayaan ng GMA-7 at alam kong bibigyan din nila ako.

“Ako naman waiting lang, happy na ako na may mga blessings na dumadating sa akin, masaya kasi may trabaho,” lahad pa niya.

PASAWAY” ISSUE. Mariin namang pinabulaanan ni Jake ang mga bali-balitang pasaway daw siya at tumatanggi sa projects kaya hindi pa siya nabibigyan ng teleserye.

Mabilis niyang tanggi, “Naku, hindi po totoo ’yan. Ako pa!

“Kailangan ko magtrabaho para sa pamilya ko kaya bakit naman ako tatanggi?

“Blessing ’yan bakit ko tatanggihan? Pag may trabaho ka may pera; kapag may pera ka may panggastos ka para sa araw-araw.

“So hindi po totoo na pasaway at tumatanggi ako sa trabaho, kasi kung ginawa ko ’yan, bakit tatlo ang regular shows ko?

“Grasya yun! Bakit ko naman tatanggihan, mas masaya at mas maganda ang maraming trabaho."

MESSAGE TO FANS. May mensahe raw si Jake para sa kanyang mga tagahanga.

“Salamat sa suportang binibigay nila sa akin. Sana ’wag silang mapagod na suportahan ako at si Bea.

“Mahal na mahal ko sila, at masyado kong naa-appreciate yung pagmamahal na pinakikita nila sa amin ni Bea,” pagtatapos ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN