Khalil Ramos on phenomenal success of Daniel Padilla and Kathryn Bernardo tandem: “Sobrang solid nila as a loveteam.”

Pilipinas Got Talent Season 3 runner-up Khalil Ramos on the phenomenal success of the KathNiel loveteam: “Alam naman namin na sila talaga from the start. Bilib talaga ako na sobrang laki ng suporta ng fans nila. Kumbaga, isa sila sa dahilan kung bakit ang tawag sa kanila ay ’phenomenal.’”


Masaya ang Pilipinas Got Talent Season 3 runner-up na si Khalil Ramos sa phenomenal success ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na may bansag na "KathNiel."

Nagkasama ang tatlo sa Primetime Bida series na The Princess and I sa Kapamilya network noong 2012.

Sa kasalukuyan ay reunited sila sa pelikulang She’s Dating The Gangster ng Star Cinema, na ipapalabas na sa July 16.

Panlimang pelikula na ito nina Kathryn at Daniel.

Ayon kay Khalil, "Alam naman namin na sila talaga from the start.

"Dati pa, sa Growing Up, sobrang dami ang fan base nila.

"Bilib talaga ako na sobrang laki ng suporta ng fans nila.

"Kumbaga, isa sila sa dahilan kung bakit ang tawag sa kanila ay phenomenal.

"Sila rin, sobrang dedicated nila sa trabaho, sobrang hardworking.

"Noon, alam na namin na magki-click talaga ang loveteam nila."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actor bago pa man magsimula ang grand presscon ng She’s Dating The Gangster sa Dolphy Theater noong July 4.

HAPPY FOR DANIEL. Iniisip ba niyang sana ay siya ang nasa kalagayan ngayon ni Daniel, na sa unang bahagi ng The Princess and I ay tipong sina Khalil at Kathryn ang ibini-build up as screen partners?

Pagbabalik-tanaw ng 18-year-old singer-actor, "Oh, yeah, dun sa first part ng The Princess And I.


"’Tapos nung lumipad si Kathryn, silang dalawa na ni Enrique [Gil], ’tapos si Daniel.

"Hindi naman siguro po na iniisip ko na ako directly in place [of Daniel], kasi iba naman po ako kay Daniel.

"Para sa akin, gawin ko na lang ang one hundred percent, ’tapos bahala na si Lord, bahala na ang fans, bahala na ang mga tao, yun.

"Kung anuman ang success meron si Daniel ngayon, he’s very deserving of it.

"Sobrang bait din naman kasi niya, hindi lamang sa family niya kundi sa mga tagahanga niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga, look, good karma talaga siya."

Patuloy pa niya, "’Tapos, heto na naman ang bagong movie nila, na sobrang pinakaaabangan ng buong bayan.

"And for sure, groundbreaking movie na naman ito.

"Sa ngayon, sobrang solid nila as a loveteam at sobra rin ang support ko sa kanila kasi matalik ko silang kaibigan, both of them.

"Nung ginagawa namin ang movie, sabi ko sa sarili ko, ’For sure, maghi-hit ito.’ Walang duda.

"Ako, I’m very happy to be a part of this movie kasi sobrang bait nila bilang kaibigan, sobrang matulungin sa lahat kung ano ang mga kailangan, ganyan."

Sobrang close daw nila nina Daniel at saksi siya sa maraming pangyayari sa magka-loveteam sa movie at maging sa totoong buhay.

Nangingiting sabi ni Khalil, "Yung sa personal kasi nilang buhay, siyempre, may distansiya kami bilang kaibigan.

"Yeah, of course, sobrang close sila, lalo na si Daniel na sobrang sweet kay Kathryn.

"Hindi naman niya itinatanggi na hinahangaan niya nang sobra si Kathryn, ’di ba?

"Kami kasi nina Daniel, sobrang close kami at mga barkada namin, at pumupunta kami lagi sa bagong bahay niya.

"Lahat ng events nila, ’pag may birthday, may ganyan, e, present talaga kami nina Marco [Gumabao].

"More than one year kaming nagsu-shoot, so naging magbabarkada talaga kami."

CRUSH ON JULIA. Sa parte naman niya, inusisa namin ang pahayag niya noon na crush niya si Julia Barretto.

Bakit hindi niya niligawan ang anak ng dating aktres na si Marjorie Barretto at ng komedyanteng si Dennis Padilla?

Saad niya, "Kinausap din kasi ako ng mga nagha-handle sa akin at parents ko na mahaba pa naman yung panahon, yung buhay ko, yung career ko.

"Sabi sa akin, na kung feel ko na hindi pa dapat ngayon, relax lang.

"’Wag ko raw munang isipin.

"Ang dapat daw ay i-improve ko muna ang sarili ko at dapat, open ako sa mga learning."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niya, "Wala naman sa ano pang dahilan talaga.

"We’re both parang settled na trabaho lang muna kami.

"Kasi, binigyan siya ng project, ’di ba? Yung Mirabella at ako naman ay yung Annaliza.

"Parang ako... kasi nag-school pa ako nun, so parang naisip ko, trabaho muna."

HAPPY BEING SINGLE. Masaya naman daw siya sa kanyang buhay ngayon bilang binata.

Aniya, "Opo, masaya naman po ako.

"The people around me are all supportive.

"So far, wala naman akong reklamo sa takbo ng buhay ko.

’’Kumbaga, ang dami ko pang dreams na gusto kong matupad at darating din naman yung time na maasikaso ko ang lovelife."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN