Sylvia Sanchez approves of Alex Gonzaga for son Arjo Atayde: “Oo naman, boto naman ako kay Alex.”

Sylvia Sanchez on "screening" her son, Arjo Atayde’s girlfriends: “Sinasabi ko naman na dapat respectful ang makukuha nila. Kahit si Arjo, kahit ibang mga anak ko, palaging ganun. Basta mahal nila at mahal sila at nakikita kong aalagaan sila, why not?”


Naging bukas si Arjo Atayde tungkol sa espesyal na nararamdaman niya para sa kaparehang si Alex Gonzaga.

Sa presscon ng Pure Love kung saan magkasama sila sa nasabing serye, inamin ng aktor na dati pa man ay malalim na ang paghanga niya kay Alex.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa butihing ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez, hindi naman itinago ng beteranang aktres na boto siya kay Alex para sa kanyang anak.

Nakapanayam ng PEP si Sylvia sa nakaraang presscon ng I Heart You 2!, ang upcoming concert na tatampukan ng buong cast ng Be Careful With My Heart na gaganapin sa Araneta Coliseum sa July 25.

Ayon kay Sylvia, “Oo naman. Boto naman ako kay Alex at saka ako, ang sinasabi ko sa anak ko ganito... ke mahirap ke mayaman, ke sikat ke hindi, ke artista ke hindi, basta mahal ka at may respeto sa pamilya yung girlfriend mo at magiging pamilya mo, tanggap ko yun.

“’Di importante sa akin kung sino siya, kung ano siya, kumbaga ’di importante kung sikat siya o hindi, mayaman siya o mahirap.

“Basta sa akin ang hinhingi ko sa kanilang lahat, kasundo namin. Yung mga in-laws namin, daughters-in-law namin, sons-in-law namin, later on kasundo namin para maging masaya ang buhay namin.

“Sinasabi ko naman na dapat respectful ang makukuha nila, kahit si Arjo, kahit ibang mga anak ko, palaging ganun.

“Basta mahal nila at mahal sila at nakikita kong aalagaan sila, why not?”

CHOOSY WITH SONS’ GIRLFRIENDS? Agad naming tinanong si Sylvia kung mayroon ba siyang inayawan sa mga naging ex-girlfriends ni Arjo at kung nakinig naman ba sa kanya ito.

Sabi niya, “Mayroon din. Pag nalalaman ko na, basta... Mayroon din, open ako sa kanya, vocal ako sa kanya.

Sinasabi ko talaga, “Ayoko Arjo, ayoko.

“Nakikinig siya, pero si Arjo kasi yung tipong bata na ilalaban sa akin hangga’t kaya niyang ilaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang lagi kong sinasabi sa kanya, ’Anak, kung ilalaban mo siguraduhin mo na yung tama. ’Wag mong ilaban yung ’di tama.’

“Kasi, ’di ba? Let’s face it, pag nag-asawa si Arjo at ’di namin kasundo ang mapapangasawa niya, okay fine, ilalaban niya ‘yan. Pero walang peace of mind, walang katahimikan sa pamilya.

“Saka hindi maganda. Mas maganda kung kasundo mo ang biyenan mo... Like ako, daughter-in-law ako, importante na mahal ko ang magulang ng asawa ko at importante sa asawa ko na mahal ko ang mga magulang ko.

“Foundation ‘yan ng bata, e. Diyan ‘yan titingnan. Kung walang pagkakaisa sa pamilya, lalaking ganun ang mga apo ko.”

NO PROBLEM WITH HUBBY. May balitang minsan ay dire-diretso ang taping ng Be Careful With My Heart dahil nga daily ang nasabing show. Hindi ba ito nagiging problema sa kanila ng kanyang asawang si Mr. Art Atayde na kilalang isang mahusay na negosyante?

Sagot niya, “Hindi, walang problema kasi usapan namin pag weekend, sa kanya kami. Pag importanteng-importante, sobrang ganda ng role ina-accept ko ‘yan. Ang ina-accept ko talaga so far ay yung MMK, yun lang kasi maganda yung role.

“Mayroon akong mga tine-turn down pag Sunday, siya yung nagsasabi, ’Minsan lang ‘yan.’

“Minsan mayroon pa siyang nasasabi na, ’Bakit mo tinanggihan? Minsan lang ‘yan, tanggapin mo.’

“Supportive siya masyado, at dun naman ako thankful.”

APPREHENSIVE. Sa nalalapit na concert ng buong cast sa darating na July 25, aminado si Sylvia na kinakabahan siya. Pero naniniwala naman siya na kaya pupunta doon ang mga fans ay para makita at makasama silang lahat.

Kabado niyang pahayag, “Araneta pa itong pinag-uusapan, hindi pa huli, humabol pa ako sa edad na ito... Basta ang cute ng production namin.

“Kinakabahan talaga ako pero... ’di naman ito yung concert na seryosohan na kailangan galingan mo.

“’Di sila pupunta dun dahil sa boses namin, kundi dahil gusto nilang makita yung buong cast ng show at gusto rin namin silang makitang lahat, para mapasalamatan namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOW WITH A HEART. Hanggang sa ngayon ay consistent pa rin ang high ratings ng Be Careful With My Heart. Maging si Sylvia ay ’di inaasahan na ganito kainit tatangkilikin ng publiko ang nasabing serye.

“Kami lang daw yung serye na walang kontrabida. Palagi naming sinisuguro na bawat eksena, hindi kami yung hahagulgol, hindi kami yung iiyak.

"Kami yung mag-uumpisa ng iyak, pero sinisiguro namin na ang mga tao ang magpapatuloy sa iyak na yun.

“Puso talaga ang tina-target namin, na-target na namin, nakuha namin. Na-bull’s eye namin yung target namin,” pagmamalaki niya.

NEGATIVE COMMENTS. Sa kabila ng mga positibong reaksyon ng mga manonood, may ilan namang nagsasabi na sobrang pinahahaba ang nasabing serye na minsan ay lumalaylay na raw talaga ang istorya.

Kibit-balikat niyang saad, “Okay lang. Kasi opinyon nila yun, ’di ba? Kanya-kanyang opinyon. Ang stand ko okay lang, may naninira, wala kaming magagawa.

“Kahit naman saang aspeto ng bagay sa mundong ito may naninira. Pero sa akin lang, kasi maraming natutuwa, marami kaming nata-touch na nagkaroon ng lakas ng loob. Nagkakaroon sila ng hope sa buhay, dahil napapanood nila yung Be Careful lalong-lalo na sa TFC (The Filipino Channel).

“’Di ko pinapansin ang mga negative na ‘yan kasi nagma-matter sa akin yung mga taong natutuwa at tinatangkilik kami.”

HAPPY WITH NEW IMAGE. Dahil mas kilala na siya ngayon bilang Nanay Teresita, ikinuwento ni Slyvia na mula sa pagiging isang kilalang kontrabida ay binago ng programa ang kanyang buhay.

“’Di ba kasi known ako as kontrabida? Sylvia na salbahe talaga. Dati kasi, pag naglalakad ako sa mall, naririnig ko, “Ay, ’wag ’yan, supalada ’yan.”

“Ngayon hindi na, tinatawag nila akong Nanay Teresita, tapos lumalapit na, saka nararamdaman ko yung paggalang, yung respeto. Sobrang respeto ang nakuha ko dito bilang si Nanay Teresita,” pahabol pa ng beteranang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN