Vice Ganda on critics who call his movies trashy: "Kung basura ako, siguro matagal na akong pinakawalan ng ABS-CBN."

Vice Ganda shrugs off critics but is miffed at those who call his movies trashy: “Hindi ako naniniwala na basura yung mga ginawa ko, kasi kung basura yun, basura rin ako dahil sa akin nanggaling yun. Kung basura ako, siguro matagal na akong pinakawalan ng ABS-CBN.”


For the third time, magtatapat muli sa takilya ang mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang entry ni Vice ay ang Praybeyt Benjamin 2, habang si Vic naman ay bida sa My Big Bossing’s Adventure.

Noong 2012 sila unang nagkatapat sa MMFF: Sisterakas kay Vice (kasama sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino) at Si Agimat, Si Enteng at Si Ako naman ang kay Vic (kasama sina Bong Revilla at Judy Ann Santos).

Noong 2013 naman ay Girl Boy Bakla Tomboy ang entry ni Vice at My Little Bossings naman kay Vic.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vice sa Laffline comedy bar noong nakaraang linggo, tinanong namin siya tungkol sa muli nilang pagsasabong sa takilya ni Vic.

Tugon niya, “Lagi namang ganoon, e.

"Pero it’s a fun experience every year na gumagawa kami ng pelikula na nagku-compete sa Metro Filmfest.

“Oo, para sa amin naman yun, e.

"Para sa mga audience namin at para sa amin din. Para kumita kami, ganoon.

“Napakaipokrita naman kung sasabihin ko na gumagawa kami ng pelikula para sa audience, hindi naman ganoon.

"Ano yun, may ibinibigay kami sa audience at may natatanggap din naman kami."

DABARKADS FAN. Sa tatlong pagkakataong may pelikula sila pareho sa MMFF, hindi ba nagkaroon ng pagkakataong magkausap sila ni Vic?

Saad ni Vice, “No, pero nagkikita naman kami kapag sa mga special occasions, like dati sa Christmas special ng ABS-CBN.

“He was there, kasi he had a movie with Bea [Alonzo], yun. Nagpa-piktyur ako sa kanya.”

Paano siya lumapit kay Vic?

“Siyempre, hiyang-hiya ako, nanliliit ako talaga, yung nanginginig pa ako.

“Sabi ko sa kanya, ‘Bossing, puwede bang makaistorbo? Puwede bang magpa-picture?’

"’Tapos sabi niya, ‘Ay, ikaw pala ‘yan! Halika, baklang ’to!’ sabi niyang ganoon.

“Kahit kay Sir Joey [de Leon], nagkita kami dati sa Resorts World, kumakain ako, nakita ko siya sa parking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit may laman ang bunganga ko, hinabol ko talaga siya sa parking para magpa-picture.”

Ano ang sabi sa kanya ni Joey?

“Sabi ko, ‘Sir, puwede bang magpa-picture?’

“‘Halika, bakla!’ Ganoon naman talaga siya, matuwain sa bakla yun, e.

“Nagpa-picture kami, pinasok pa niya ang kamay niya sa loob ng shorts ko.

"Hinawakan niya ang dede ko, nakakatawa!” masayang kuwento ni Vice.

MUTUAL RESPECT. May nasabi ba noon si Joey na pambabatikos sa kanya since magkatapat ang kanilang shows sa noontime—ang Eat Bulaga! at It’s Showtime?

Paglilinaw ni Vice, “Hindi, hindi naman sila ganoon.

“Siguro yung mga yun, nagsasalita lang din kapag sobrang na-provoke na.

"Or na-touch mo yung family nila na sobrang below the belt na yung mga narinig.

“’Tsaka matatalino naman yun, alam nilang hindi naman papatol kung saan-saan.

“Kahit kami rin, kami rin sa Showtime, we have the highest respect sa Eat Bulaga!

"’D Dabarkads, icon ‘yan, ‘di ba? Ang Eat Bulaga! ay bahagi ng buhay nating lahat kaya hindi natin puwedeng imenos ‘yan.”

PRESSURE. Ano ang naramdaman niya na pumasok ang Praybeyt Benjamin 2 sa MMFF?

Pahayag ni Vice, “Masaya siyempre, pero pressure.

"Yung hindi pa nagsisimula ang shooting, pero pressured ka na.

“‘Naku, ayan na naman, galgalan na naman ang shooting.’

"Kasi, lalo na by September, ang dami kong gagawin. Magtu-tour ako ng Europe, so magsisimula kami ng shooting for the movie ng October.

“’Tapos, ikakasa namin ng July ang first shooting day namin, pero siyempre ang kasagsagan ng [shooting ng] movie, October na yun.

"Patayan na naman ‘yan."



MADDING. Mataas ang expectations ng marami sa Praybeyt Benjamin 2, pero ayon kay Vice,“Hindi ko talaga ini-entertain ‘yan.

"Kasi kung every year, ie-entertain yun, nakakabaliw.

"Muntik na akong mabaliw diyan dati, oo, dahil sobrang pressure sa hirap ng ipinagawa sa akin sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos na-pressure na nung simula, e, hindi kami nagna-number one, parang nagwu-worry ako.

“Sabi ko, ’Bakit ganoon? Feeling ko talaga, this was my best performance, pero hindi ako nag-number one.

"But eventually, umalagwa nang umalagwa.

“Sabi nga ni Sir Deo [Endrinal, his manager], ’Ikaw kasi, ano ka, nagmamadali ka. Diyos ang magde-decide niyan kung kailan.’

"Eventually, ibinigay din naman ang gusto ko, dinelay lang ng ilang lingo.”

Muntik na raw siyang mabaliw sa kaiisip.

"Yung sa ayaw at sa gusto mo, nararamdaman mo yung pressure.

“Na kahit dini-deny mo sa sarili mo, mararamdaman at mararamdaman mo rin."

The good thing, ayon kay Vice, "I was surrounded with the best people na umaalalay sa akin araw-araw.

“At saka sobrang taas ng ano... sobraag taas ng tiwala ko sa Star Cinema, sa Viva, sa ABS-CBN.

"Hindi naman sila papayag na mawaley ang pelikula ko talaga."

BAD REVIEWS. Nao-offend ba siya kapag sinasabing "basura" ang mga pelikula niya?

Sagot ni Vice, “No, kasi walang sinumang puwedeng magsabi na basura ang kahit anumang pelikula.

“Kasi ano yun, e, subjective. Iba-iba ang pananaw ng tao, iba-iba ang taste nila.

"At saka iba-iba ang art, ‘di ba? Hindi lahat nauunawaan at maa-appreciate ang isang work of art.

“Parang painting, hindi naman lahat nakaka-appreciate ng abstract, ‘di ba?

"Kaya ibibigay mo rin naman sa kanila yun, for as long as you know that you worked hard for that project at ginawa mo lahat.

“At saka hindi ako naniniwala na basura yung mga ginawa ko, kasi kung basura yun, basura rin ako dahil sa akin nanggaling yun.

"Kaya hindi ako naniniwala doon.

“Kung basura ako, siguro matagal na akong pinakawalan ng ABS-CBN,” diin niya.

Dagdag pa ni Vice, "At saka yung pelikula naman namin, lalo na yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy, hindi siya basura, ’no!

“Hello? Second Best Pictrure siya at saka maraming pumuri sa pelikula namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda ang reviews... Natutuwa ako kasi maganda ang reviews sa pelikulang yun nung December."

May mensahe ba siya sa nagsasabing basura ang pelikula niya?

“Nothing, I have nothing to say to them. Wala talaga. Deadma.

“God bless them, yun na lang siguro,” ani Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN