Director Dante Nico Garcia refuses to grant interviews about estafa case; Beth Tamayo also refuses to comment about her friend’s case

Beth Tamayo (inset) on close friend Dante Nico Garcia’s estafa case: “Bottom line, a lot of people are praying for him and hopefully maayos na lahat soon. Alam naman ni Ga na maraming nagmamahal sa kanya. Wala namang problema na hindi nadadaan sa maayos na usapan, e.”


Tumangging magbigay ng pahayag ang direktor na si Dante Nico Garcia tungkol sa kasong estafa na isinampa laban sa kanya ng dating aktres at film producer na si Harlene Bautista.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) senior writer na si Arniel Serato na kunan ng kanyang panig si Direk Nico kaugnay ng naging pahayag ni Harlene sa artikulong lumabas sa showbiz portal na ito ngayong araw, July 7.

Read: Harlene Bautista files estafa case against director Dante Nico Garcia to teach him a lesson

Ngunit sa text message na ipinadala ng direktor ay ito ang kanyang naging sagot sa aming hiling na ma-interview siya:

“Sorry but I will not grant any interview on the case as it might slow down our quest for peace and reconciliation. Pasensiya ka na, ha. I hope you understand. Salamat.”

Sa kabilang banda, sinubukan din ng PEP na kunan ng pahayag ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Direk Nico sa showbiz, ang aktres na si Beth Tamayo.

Ayon kay Beth, na naka-base na ngayon sa New York, nakarating na sa kanya ang balita tungkol sa kasong kinahaharap ni Direk Nico—o Ga sa malalapit nitong kaibigan.

Siyempre pa, nagulat at nalungkot daw si Beth sa sinapit ng malapit nilang kaibigan ni Judy Ann Santos.

Nag-uusap naman daw sila ni Judy Ann tungkol sa sitwasyon ni Direk Ga, pero hindi na lang daw siya magku-comment sa pinagdaraanan nitong problema.

Sabi ni Beth sa kanyang mensahe sa PEP, sa pamamagitan ng Facebook, kahapon, July 6, “I hope you’ll understand if I won’t comment na lang about it.

“Bottom line, a lot of people are praying for him and hopefully maayos na lahat soon.

“Alam naman ni Ga na maraming nagmamahal sa kanya.

“Wala namang problema na hindi nadadaan sa maayos na usapan, e.”

Nakilala si Direk Ga dahil sa pelikulang Ploning (2008) na pinagbidahan ni Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nadirek niya sa ikalawang pagkakataon ang kaibigang aktres sa comedy film na na Oh My Girl (2009), kung saan kasama rin si Ogie Alcasid.

Sa TV naman ay naging direktor si Ga ng Survivor Philippines at Yaman Ni Lola sa GMA Network. Idinirek din niya ang revival ng sitcom na Iskul Bukol sa TV5.

Nagtrabaho rin siya bilang production designer, art director, at writer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN