Sam Milby on finding a new girlfriend: "Inip na ako."

Sam Milby explains that he has learned from his past mistakes of being too vocal if he admires a woman, and so has now decided to be more private when it comes to his romantic life.


Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam Milby kung nalulungkot ba siyang wala siyang girlfriend ngayon, diretsa niyang sagot: “Yes, lalo na ngayon, 30 na ako.

“Para sa akin, yung ideal age para magkapamilya at mag-asawa, mid-30s, 35. Yun yung saktong age.

“But, ’di ko alam kung bakit 30 lang ako, mas excited na ako lalo na magkaroon ng anak.

“If I find the right girl right now, I’ll be ready,” pag-amin pa niya.

Ilang female celebrities na rin ang na-link kay Sam, kabilang na sina Shaina Magdayao, Jessy Mendiola, at ang dating girlfriend niyang si Anne Curtis, na ngayon ay katrabaho niya sa teleseryeng Dyesebel.

Gayunpaman, naniniwala si Sam na, "Even though, personally, parang ready na ako, excited na ako, it’s still in God’s time."

Dagdag pa niya, “I just pray about it.”

Hindi rin daw niya maiwasang isipin na baka masyado siyang subsob sa trabaho para magkaroon ng panahon para sa pag-ibig.

Aniya, “Dahil ako, ’pag nagka-girlfriend ako, nakatutok talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa ribbon-cutting ng Diana Stalder beauty clinic sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City, noong July 6, Linggo.

THE SEARCH. Gaano niya hinahangad magkaroon ng lovelife?

“Naiinip ako, inip na ako,” sagot ni Sam.

Pero paglilinaw ng Kapamilya actor,hindi naman porke’t single siya ay hindi na siya nakikipag-date.

"[I’m] dating naman," sabi niya.

Pero ayaw raw niyang pumasok sa isang relasyon para masabi lang na may girlfriend na siya.

“[I’m] taking my time.

"Like I said, 30 na ako, so kahit paano, mas picky na ako. Alam ko kung ano ang gusto ko.

“And kung ’di ko nararamdaman na mai-in love ako, kung hindi ko nararamdaman na mai-in love ako, ‘Ito, parang puwede ito, pero hindi ko masyadong nararamdaman.’

"Parang I’ll actually stop vis-a-vis to paasahin yung babae."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nga vocal sa interviews si Sam noon tungkol sa mga nagugustuhan niyang babae, gaya na lamang nang ma-link siya kina Shaina at Jessy, mas umingay pa ang mga balitang gusto niyang ligawan ang mga ito.

Pero wala sa dalawa ang nauwi sa totohanang relasyon.

Kaya naman si Sam, mas gusto raw manahimik muna kung may nagugustuhan siya kesa sa isapubliko agad ito.

“Ako, mas quiet ako hangga’t [maging] kami na.

"Kasi, parang naging speculations lagi ’pag umaamin ako o may paghanga ako sa babaeng ito or nililigawan ko, ’tapos ’pag di nag-work out, parang, ‘Ano na naman ito?’

"They will get the wrong idea, the wrong impression.

“For me, quiet na lang.

"When the day comes na kami na, puwede naman [aminin]. Huwag na lang muna [ngayon]," pahayag ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN