Rocco Nacino on Lovi Poe’s admission: "I’m happy and kilig!"

Hindi nangangamba si Rocco Nacino na magkakaroon ng pagbabago sa relasyon nila ni Lovi Poe ngayong umamin na sila. Saad ng Kapuso actor, "Ngayong alam na ng lahat na kami na nga, mas lalo kaming inseperable. Yun nga, mas gumanda ng lahat. Usually, ang mga couples, natatakot, e. Pero kami, wala kaming nararamdamang ganun. Nagagawa pa rin namin ang trabaho namin nang maayos. Alam namin kung ano ang mga priorities namin. Ang maganda dun, parehas kami na naba-balance namin. At sinusup


Umamin na si Lovi Poe na mag-on na nga sila ni Rocco Nacino sa panayam ng aktres sa Startalk noong Sabado, July 5.

Ito ay pagkatapos ng matagal na rin namang usap-usapan tungkol sa tunay na estado ng dalawang Kapuso stars.

Read: Lovi Poe finally admits relationship with Rocco Nacino

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco sa studio ng Sunday All Stars kahapon, July 6, kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa pag-amin ni Lovi sa kanilang relasyon.

“Well, now you all know so… I’m happy and kilig!” bulalas ng aktor.

Ngunit aniya, “Hindi ko napanood yung guesting niya sa Startalk. Nasa Cebu ako nun.

“I was playing a game on my phone on my way to our show, ‘tapos I kept getting text messages. Siguro naka-fifteen na texts.

“’Tapos ang dami ring nagtu-tweet sa akin.

“Sabi ko, Bakit gano’n? Anong nangyayari?’

“So, itinigil ko yung laro ko. ‘Tapos, pagtingin ko sa inbox, ang daming nagku-congratulate!

“Sabi ko, ‘What’s this? Ano’ng nangyayari?’ Yun pala!”

Ayon kay Rocco, hindi nila napag-usapan ni Lovi ang tungkol sa pag-amin sa kanilang relasyon.

“Kasi ang sa amin talaga, we’ll keep it in private.

“Kasi, like I said, tuwing ini-interview nga kami, ‘We’d rather keep it private na lang.’

“E, siguro, oras na rin para malaman.

“Sabi ko nga, in due time, malalaman din naman.”



THE CONFIRMATION. Ano ang pakiramdam niya na si Lovi ang nagkumpirma na mag-on na nga sila? Hindi ba dapat ang lalaki ang unang umaamin?

“Hindi dapat ang lalaki, dapat ang babae.

“Ako, nire-reconfirm ko na, yes!” masiglang sabi ni Rocco.

Ilang buwan na ba silang mag-on?

“Two months na,” sagot niya.

Nagsi-celebrate ba sila ng monthsary?

“Hindi uso sa akin yung mga ganun, e.

“But then, ano, parang sinasabi ko sa kanya nung one month na namin na, ‘It’s our first.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang may konting ilang pa, and we just ate out lang naman. Very casual lang.

“But then, ganun pa rin. Every time na magkasama kami, special ‘yon.

“So, extra special lang yung pagsi-celebrate ng monthsary.

“But then, yun nga, every time na I’m with her, masayang-masaya ako.”

Dati, hindi basta-basta nagsasalita si Lovi sa nagiging karelasyon nito. Kaya marami ang nagulat na umamin ang aktres at naging vocal ito sa relasyon nila ni Rocco.

Sabi ni Rocco tungkol dito, “Uncomfortable siya when it comes to these things… yung tungkol sa personal o pribado niyang buhay.

“And hindi ko alam kung paano din nalabas ‘yon. Siguro dahil kita rin naman sa mukha niya na masaya siya.

“Ako, masayang-masaya ako, kaya siguro kampante rin ako na maging open about it.”

For the longest time na tinatanong sila kung ano ba ang real score sa pagitan nila, parang laging pigil na pigil silang magsiwalat ng kanilang totoong saloobin.

Matapos ang pag-amin ni Lovi, may relief ba silang nararamdaman?

“Something like that,” pagsang-ayon ni Rocco.

“Pero nung nag-usap kami pagkagaling ko sa Cebu, dumiretso ako sa kanya na, ‘Ano’ng nangyari?’

“’Tapos sabi niya… si Heart [Evangelista, Lovi’s friend], nandun din sa Startalk na tsini-cheer din siya.

“Parang may basketball game daw sa loob ng studio na ang dami raw nagsisigawan nang nag-‘yes’ siya na kami na nga.

“It’s a good thing na, actually... that people know.

“Sabi ko, kita naman sa pictures, e. So, confirmation na lang.

“Happy naman… kinilig ako!” sabay ngiti ni Rocco.



YES IN PARIS. Sa Paris daw siya sinagot ni Lovi. Ito yung nag-dinner silang dalawa sa Eiffel Tower.

Kuwento ni Rocco, “Very romantic sa Paris… it set the mood lalo.

“So after that [dinner], yun nga, we were inseparable.”

Kung sa Paris siya sinagot ni Lovi, saan naman kaya posibleng mangyari ang proposal niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Mars!” natawang biro ni Rocco.

Ngunit dagdag niya, “I don’t know… hindi pa namin iniisip ‘yan.

“But then, yun nga, things are going really, really well.

“Alam niyo na na we’re together.

“Hindi namin pinangungunahan yung mga bagay-bagay.

“Ang dami niyang priorities, e. Ako, ang dami rin.

“I’m starting a new show pa.

“So, marami pang… of course, in any relationship, maraming pagsubok na pagdadaanan.

“Pero I’m looking forward to the happy times.

“And, of course naman, supportive yung families namin.

“Yung mom niya at ang parents ko, okey naman.

“Sinabi ko nga, after nung sa Paris, we were inseparable. Ngayong alam na ng lahat na kami na nga, mas lalo kaming inseparable.

“Yun nga, mas gumanda ng lahat.

“Usually, ang mga couples, natatakot, e. Pero kami, wala kaming nararamdamang ganun.

“Nagagawa pa rin namin ang trabaho namin nang maayos. Alam namin kung ano ang mga priorities namin.

“Ang maganda dun, parehas kami na naba-balance namin. At sinusuportahan namin ang isa’t isa.”



JAKE CUENCA. Inamin din ni Lovi sa Startalk ang tungkol sa naging relasyon niya kay Jake Cuenca.

Alam ba ni Rocco ang tungkol dito? Napag-usapan ba nila?

Sagot ng Kapuso actor, “Bakit ko pa kailangang i-bring up ‘yon? Tapos na ‘yon.

“We just look at what we have now.

“We just look at the present. Hindi na kailangang mag-dwell sa past.

“It’s about moving on and being happy.

“She’s happy. I’m happy. At iyon ang importante.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN