Maja Salvador has no problem allowing boyfriend Gerald Anderson to work with ex-girlfriend Kim Chiu

Maja Salvador on ending rift with Kim Chiu: “Sobrang parang ano… ang laki ng paggaan ng… yung hangin sa studio, sa labas, sobrang gaan. Kasi, wala… makikita mong tanggap na ng lahat. Masaya nang lahat.”


Hangga’t maaari ay ayaw pag-usapan ni Maja Salvador ang relasyon nila ni Gerald Anderson.

Pero sa panayam sa kanya ni Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo, July 6, ay inalam ng TV host kay Maja kung kailan sila nag-celebrate ni Gerald ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

“Basta this year,” maikling sagot ni Maja.

First quarter o second quarter ng taon?

“Grabe, wala kang ligtas kay Tita Kris! Mamaya ite-text ko sa ‘yo, Tita!” natawang sabi ng Kapamilya young actress sa pang-uusisa ni Kris.

Halos?

“Halos pa-second [quarter]…”



THANKFUL. Sa natapos nang teleserye ng ABS-CBN na The Legal Wife, hindi raw ang pagiging kontrabida ni Maja ang nabigyan ng pansin kung hindi ang galing niya sa pag-arte.

Masasabi ba niyang sobrang grateful siya na dumating ang proyektong ito sa kanya sa panahon na kailangan niyang ipakita ang “worth” niya?

Saad ni Maja, “Sobrang pasasalamat ko sa team ng The Legal Wife.

“Of course, kay Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director] at kay Inang [Olivia Lamasan] na ibigay talaga sa akin itong The Legal Wife

“Kasi, yun nga, tama ka, Tita, sobrang kailangan ko ‘to, at isa ‘to sa nagpa-challenge sa akin na sana matanggap nila ako ulit.”

Kailangan niya iyon para makatayong muli?

“Kailangan, kailangan,” pagsang-ayon ni Maja.

“Kailangan ko po ang trabahong ito dahil, siyempre, may pamilya po ako.

“At thankful lang din ako na grabe rin ang tiwala ng ABS sa akin. Na hindi rin ako pinabayaan ng basta.”

Dumating ang The Legal Wife sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Maja dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Gerald, na naging dahilan ng away naman nila ng dating matalik na kaibigang si Kim Chiu.

Si Kim ay ex-girlfriend ni Gerald.



KIM-GERALD. Kumportable ba siyang nagkakatrabaho muli sina Kim at Gerald?

“Oo naman. Nag-work na sila sa TVC, ‘di ba?” nakangiting sagot ni Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Teleserye, okey rin ba?

“Why not?” mabilis niyang tugon.

“Kasi ako, ‘di ba, sobrang laking bagay ng mga fans at marami pang nagmamahal sa kanila. Bakit ‘di natin pagbigyan?

“At saka, hindi naman porke’t nagkaroon na ng karelasyong iba si Ge, malilimitahan na ang makakatrabaho niya, siyempre dapat hindi.

“Ang trabaho, trabaho.”

Siya ba, gusto niyang makasama si Gerald?

Sabi ni Maja, “Mas maganda na ihiwalay talaga ang relasyon sa trabaho. Para yung pagka-miss mo.”

Sila ni Kim?

“Oo, nagsasayaw na nga kami sa ASAP.

“Sobrang parang ano… ang laki ng paggaan ng… yung hangin sa studio, sa labas, sobrang gaan.

“Kasi, wala… makikita mong tanggap na ng lahat. Masaya nang lahat.”

Masasabi ba niyang pareho silang nag-effort ni Kim kaya sila nagkaayos? Na gumawa rin naman ng paraan si Kim para maging okey sila?

“Oo,” sagot ni Maja.

“Marami kasing ilang beses na yun na, kunwari, nakaupo ako backstage, magugulat ako, tatabi.

“So, parang ako yung, ‘Sign ba ‘to, tumatabi na siya?’ Yung parang may ganun.

“Yun pala, noong nagkaayos na kami, sinabi ni Tita Mariole [Alberto, Star Magic head] na matagal na niyang gusto, hindi lang din niya alam kung paano.”



SARAH-MATTEO. Tinanong din ni Kris si Maja tungkol sa relasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Matteo Guidicelli sa Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Nagkasalubong na ba silang lahat?

Sagot ni Maja, “Oo, kanina, si Sarah. May match-up pa nga kami kanina [sa ASAP].

“At si Matteo, magkasama kami sa show sa New Jersey, okay naman. Sobrang okey po.

“At saka, makikita mo sa lahat, happy lahat. Yun ‘yon, e.”

Ipinagdasal ba niyang maging masaya lahat?

Sagot ni Maja, “Kung happiness mo lang ang ipagdarasal mo, hindi mo maa-achieve yun.

“Ang kailangan, maging happy ka muna para sa iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN