Lovi Poe on admitting relationship with Rocco Nacino: "It’s nice, kasi I got to share something beautiful to everybody."

Lovi Poe on admitting her relationship for the first time: “Well, I guess, I’m trying something new that… Kung yung pagiging masikreto became a problem with my past relationships, so parang I’m trying to work things out and meet halfway sa bagong taong nasa buhay ko.”


Ang pagiging halata raw ng samahan nila ni Rocco Nacino ang nagbunsod kay Lovi Poe kung kaya’t sa wakas ay umamin na siya tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila.

Dagdag pa rito ang pagkataranta ng aktres sa mga tanong sa kanya ni Lolit Solis nang interbyuhin siya nito sa Startalk ng GMA Network noong Sabado, July 5.

Read: Lovi Poe finally admits relationship with Rocco Nacino

Pahayag pa ni Lovi, “I felt so rattled na! And also, it’s obvious anyway at yun na lang ang kailangan sabihin, why not?”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa dressing room ng Sunday All Stars noong Linggo, July 6.

Pinag-usapan ba nila ni Rocco ang ginawa niyang pag-amin?

Sagot ni Lovi, “No, not at all. It wasn’t planned at all.

“Nabigla ako kay Nanay Lolit, e.

“Everything naman sa question, all the same… leading, e.”

Ano ang naramdaman niya pagkatapos ng kanyang pag-amin?

“I felt good,” sambit ni Lovi.

“I got to share a part of me sa mga taong sumusuporta sa akin.

“Madami ang nag-tweet sa akin. Natuwa naman sila.

“I felt good about it.”

Hindi niya ito pinag-isipan nang matagal?

“No. I was put on the spot, e, kaya ang tagal kong sumagot, e.

“We really haven’t talked about it.

“But then, since I realized that we kinda open about that anyway, yun na lang confirmation ang hindi nasasabi.”



FIRST TIME TO ADMIT. Ano ang nasa isip niya bago siya sumagot sa tanong ni Lolit?

“Yung nagku-contemplate sa isip ko was the fact that it’s gonna be the first time I’ll ever admit a relationship.

“Kasi, I’m so private talaga.

“As much as possible, gusto ko pribado talaga yung buhay ko.

“It’s not that I’m denying anybody or anything that’s going on with my life, but then, yun lang talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga nabalitang nakarelasyon niya sa showbiz ay sina Jolo Revilla, Ronald Singson, at Jake Cuenca. Pero ni isa man sa mga ito ay walang inamin noon si Lovi.

Ano ang nararamdaman ngayon ni Lovi na finally ay nasabi na niya ang tungkol sa kanila ni Rocco?

“It’s new. It’s a new feeling, it’s refreshing. Parang it’s out.

“So, let’s wait and see.”

May feeling ba ng relief?

“Yeah, may feeling of relief, oo,” pagsang-ayon niya.

“Also, at the same time, parang… kasi this is a different industry.

“I’m scared rin at the same time na, siguro, they’ll always ask about the relationship.

“Pero, I guess, it’s really part of it. From now on, I have to be part of it…

“Oo, talagang first time,” pagtukoy pa niya sa pag-amin sa relasyon nila ng Kapuso drama actor.



LOVI’S CHOICE. Bukod kay Rocco at kung gaano ito kaimportante sa kanyang buhay ngayon, sariling desisyon daw ni Lovi ang pag-amin niya.

“It’s more of parang choice ko.

“Hindi nga rin niya alam… nagulat siya. Nasa show siya sa Cebu.

“Naglalaro ‘ata siya ng game sa phone niya, ‘tapos biglang may mga lumalabas na notifications sa Twitter niya na ‘congrats,’ mga ganyan.

“Nagulat siya.”

Ano naman ang naging reaksyon ni Rocco nang malaman ang ginawa niyang pag-amin sa relasyon nila?

Saad ni Lovi, “He was happy.

“He knows kasi na I’m not gonna say anything.

“But the interview wasn’t meant to… it wasn’t meant for me to admit anything, e.

“Kumbaga, it was a normal interview lang.”

Si Rocco naman ay masaya at proud sa kung anuman mayroon sila, kahit noon pa mang hindi umaamin si Lovi.

Itinanggi naman ni Lovi na kaya hindi niya maamin ang mga relasyon niya noon ay dahil masikreto ang mga naging boyfriends niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “It’s because I’m secretive, that’s why.

“Kumbaga, that’s why naman it’s like that, because I’m secretive.

“Rocco wouldn’t be ano naman if it wasn’t for my signal din naman.”



OPEN ABOUT THEIR RELATIONSHIP. Bago pa man ang ginawang pag-amin ni Lovi, marami na ang naghihinalang sila na nga dahil na rin sa mga larawang ipinu-post nila sa Instagram at Facebook.

Naka-document dito ang mga lugar na pinupuntahan nilang magkasama.

Nakangiting sabi ni Lovi, “You know why we feel good about this because para kaming magbarkada lang. We get along really well.

“All we do is laugh. Para kaming magbarkada lang.

“Tawa lang kami nang tawa.

“That’s what I like the most—walang drama, walang stress.

“’Coz we’re still so young. We don’t pressure each other.

“Kung ano ang gusto mong gawin on your own time, do it. Ako din.

“Wala kaming controlling each other, and that’s the best thing.”

Bakit siya naging open ngayon?

Paliwanag ni Lovi, “Well, I guess, I’m trying something new that…

“Kung yung pagiging masikreto became a problem with my past relationships, so parang I’m trying to work things out and meet halfway sa bagong taong nasa buhay ko.”



TWO MONTHS. Ayon kay Lovi, dalawang buwan pa lang silang opisyal na magkasintahan ni Rocco.

Noong magpunta sila Europe ay hindi pa raw sila, pero pagbalik nila sa Pilipinas ay sila na.

Paano ba nangyari o naganap yung “tayo na”?

Kuwento ni Lovi, “Siya, he asked me.

“And I was scared kasi I’ve never… I’m not good… I don’t like labels, e.

“So, I was afraid. But then, I took the risk, bahala na.

“He was happy.”

Hindi na raw matandaan ni Lovi kung paano niya sinagot si Rocco nung mga sandaling iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang tagal na, e… we were in Europe. We were in Paris when it happened.”

Ano na ang nabago sa kanilang relationship ngayong binuksan na nila ito sa publiko?

Sabi ni Lovi, “Siguro now, nangangapa pa ako.

“I’m not used to that na everybody knows about it.

“Pero I’m enjoying it naman.

“I mean, it’s nice, kasi I got to share something beautiful to everybody.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN