Paul Jake Castillo denies overlapping relationships with Melissa Ricks and Kaye Abad

Nakikita ba ni Paul Jake Castillo na si Kaye Abad na ang makakatuluyan niya? Sagot niya, “Of course, I see my future with all the girlfriends I had. It’s just a matter of popping the question or kung it will work out. Of course, of course, nakikita talaga yun, but the relationship is still fresh.”


Pinabulaanan ni Paul Jake Castillo ang usap-usapang nagkaroon ng overlap sa relasyon niya sa kanyang ex-girlfriend na si Melissa Ricks at sa current girlfriend niyang si Kaye Abad.

Sa isang interview kasi ni Melissa ay sinabi niyang hindi na siya nabigla nang maging sina Paul Jake at Kaye.

Lumalabas pa nga raw sila noon kasama ang ex-boyfriend naman ni Kaye na si Guji Lorenzana.

Read: Melissa Ricks on "sweet" photos of ex-bf Paul Jake Castillo and Kaye Abad: “May kutob na ako na mangyayari ‘yan...I just wish them the best."

Saad ni Paul Jake tungkol sa naging pahayag ni Melissa, “Everyone has their own opinion about that.

“I guess that makes us human. They have that gut feeling…

“I guess she had that gut feeling, ever since, I guess, pero wala naman talaga before.”

Dagdag niya, “I’m not mad at her for feeling that way, wala akong magawa diyan, that’s what she thinks.

“Those are just one of the cons ng isang relationship.

“It’s like a show, there’s pros and cons. Hindi maiiwasan ‘yan.

“I guess Kaye has been in the industry… I guess, child star.

“Wala tayong magawa diyan. She has fans, she has haters, she has bashers, hindi natin maiwasan ‘yan.

“What I am saying is walang sulutan, walang overalapping sa relationship.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paul Jake sa presscon para sa second anniversary concert ng Be Careful With My Heart noong July 4.

Gaganapin naman ang concert sa Smart Araneta Coliseum sa July 25.



PAUL JAKE-KAYE RELATIONSHIP. Kumusta naman ang relasyon nila ngayon ni Kaye?

Sabi ng former PBB housemate, “Masaya, masaya kami.

"Gaano kasaya? Jupiter!

“I guess, because we started off as friends.

“She really knows me for who I am, wala akong itinatago. That’s really a nice thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In our relationship, you don’t have to pretend and masaya ako dun.”

Kailan niya naramdamang may espesyal siyang nararamdaman para kay Kaye?

Saad ni Paul Jake, “No, yun nga, e, a lot pf people say na, ‘Bakit hindi na lang maging kayo?’

“E, friends lang talaga kami, wala akong maisip na mga ganyan. Wala talaga.

“I can’t really say kung kailan, parang biglang, ‘Puwede, a!’

“I don’t know what happened then.”

CHANGES. Aminado si Paul Jake na may mga nabago sa samahan nila ng aktres nang maging sila.

Saad niya, “She has a different side of her as a girlfriend than as a friend, magkaiba talaga.

"Mas maalagain siya ngayon, she’s more thoughtful right now."

Naipakilala na rin daw ni Paul Jake si Kaye sa pamilya niya sa Cebu. Boto ba ang pamilya niya sa aktres?

"Reaction ng family ko? Happy… sana magkatuluyan, that’s what every parents hope for naman."

Nakikita ba ni Paul Jake na si Kaye na ang makakatuluyan niya?

Sagot niya, “Of course, I see my future with all the girlfriends I had.

“It’s just a matter of popping the question or kung it will work out.

“Of course, of course, nakikita talaga yun, but the relationship is still fresh.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN