Rochelle Pangilinan confident that her FHM pictorial will not be a religious issue

Rochelle Pangilinan on her nude pictorial for FHM: "Hindi na rin ako nahihiya kasi dancer naman ako at sexy yung mga isinusuot ko kaya hindi na ako na-bother doon. May ilang, pero yung ilang ko, isinisigaw ko, as in ang ingay ko."


Nanlamig daw ang buong katawan ni Rochelle Pangilinan nang una niyang makita ang FHM July 2014 issue kung saan siya ang nasa cover.

Nong Biyernes, July 4, unang nakita ni Rochelle ang kopya ng FHM pictorial niya.

Sabi ng dancer turned actress, “Wow! Nakaka-proud, ‘di ba?

“Ang tagal, ang haba ng panahon. Ngayon, ‘eto na, nagawa ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rochelle sa press conference para sa FHM 100 Sexiest Women of the World noong Sabado, July 5.

Gaganapin naman ang victory party bukas, July 9, sa World Trade Center.



WHY? Ano ang dahilan kung bakit nag-decide siyang mag-pose muli para sa FHM?

Tugon ni Rochelle, “Yung totoo, gustung-gusto ko lang siyang gawin.

“Kasi, ang tagal na nito, e. Ang tagal nang inu-offer nito sa akin.

“Siguro bumalik lang siya [offer] uli pagpasok ko kay Mama Perry.”

Ang tinutukoy ni Rochelle ay ang talent manager niyang si Perry Lansigan.

Ang unang naging talent manager ni Rochelle ay si Joy Cancio noong kabilang pa siya all-female dance group na SexBomb Girls.

Patuloy ni Rochelle, “So, magta-tatlong taon na. So, ang tagal na.

“Noon pa [kay Joy], meron na. Ayoko pa, ayoko pa muna.

“Kahit single ako, single ako noon, hindi ko pa naging choice. Hindi ako ready gawin.

“So, ngayon ko lang siyang nadesisyunang gawin, e.”



SUPPORT FROM ARTHUR. Suportado naman daw ng boyfriend niyang si Arthur Solinap ang kanyang sexy pictorial sa FHM.

Saad ni Rochelle, “Naku, check mo Instagram niya, ang nakalagay lang doon, ‘Beautiful.’

“So, proud siya. Kasi, ipinakita ko sa kanya kung ano ang kinalabasan at ‘eto yung ano…

“Nung tinanong ko siya na meron akong offer na ganito, ang sabi niya sa akin, ‘As soon as ready ka na, go!’”

Hindi ba naging mahaba ang diskusyon nila para payagan siyang mag-pose sa FHM?

Ayon kay Rochelle, “Actually, hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang, sinabi ko lang sa kanya na, ‘O, beh, gusto kong gawin ito, ha?’

“Sabi niya, ‘Sige, kung kailan ka ready, e, di gawin mo. Susuportahan kita.’”

Wala raw sa pictorial niya si Arthur dahil nasa taping ito ng Pepito Manaloto.

Pero kung libre raw ang kasintahan ay payag si Rochelle na samahan siya nito sa kanyang photo shoot.

“Nakakailang, pero gusto kong makita niya na parang… ‘di ba? Nakaka-proud kaya yun kung makikita niya ako sa ganun.”

Paano kung panggigilan siya ni Arthur dahil sa mga kuha niya sa FHM?

Kinikilig na sagot agad ni Rochelle, “Ay, e, di thank you!

“Oo naman, okey lang naman kahit ano’ng maging desisyon naming dalawa.”



NAKED. Sa isang kuha ni Rochelle sa loob ng FHM, tanging bold letters lang ang tumatakip sa maseselang bahagi ng katawan niya.

Wala raw talaga siyang suot kahit na ano sa pictorial, maliban sa black shirt na props lang niya.

“Wala, e,” na ang tinutukoy niya ay plaster.

“Sino ba ang nandun? Ilan lang kami…

“Hindi, kasi nakikita naman nila yung katawan ko, like yung stylist ko.

“Hindi na rin ako nahihiya kasi dancer naman ako at sexy yung mga isinusuot ko kaya hindi na ako na-bother doon.

“May ilang, pero yung ilang ko, isinisigaw ko, as in ang ingay ko.

“Kahit yung mga FHM staff, sinasabi, anong nangyayari, bakit ang ingay ko raw.”

Kahit naghubo’t hubad siya sa pictorial ay hindi naman daw umalma o nag-react violently si Arthur.

“Sinabi ko lang sa kanya ang totoo and okey lang sa kanya.”

Maging ang pamilya ni Arthur ay suportado ang FHM shoot niya.

“Support talaga sila. Actually, kahit yung nanay ko, suportado niya ako.”

Okay lang din ba sa kanyang mag-pose sa isang nude painting?

Ayon kay Rochelle, “Puwede, as long as okey yung katawan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi naman yung nakalabas lahat, may takip naman or yung shape lang.

“Keri lang. Ilalagay ko pa yun sa kuwarto.

“Pero kung frontal, medyo matagal yun, baka hindi siguro.

“Kasi sa photo shoot, sandali lang, e.”

Willing naman daw siyang ipakita sa painting ang kanyang boobs nang walang takip, yun nga lang, sa loob ng kuwarto niya ito ilalagay.



RELIGIOUS ISSUE. Parehong Born-Again Christian sina Rochelle at Arthur.

Kaya ang tanong ng PEP sa Kapuso actress ay kung hindi ba magiging isyu sa kanilang simbahan ang pagpu-pose niya nang sexy sa FHM.

Tugon niya, “Hindi naman siguro.


“Hindi naman ganun ang ibinibigay nila sa aming message, e. So, hindi rin naman.

“Kasi, sa akin, trabaho ko ito, e. Part ito ng trabaho ko…

“Kaya lang, nagkataon na gusto ko itong gawin bago ako tumanda.

“At least, maipapakita ko sa anak ko na ang sexy ng nanay mo dati.

“Pagdating naman ng panahon, usap-usapan na lang ‘yan, e.”

Dagdag niya, “Sa akin, hindi siya magiging problema.

“Alam ko naman sa church namin, sobrang… kaya naman kami natuto at minahal namin yung church na yun, kasi lahat ng tao doon, sobrang malawak ang pang-unawa.

“Hindi sila judgmental na mga tao.”

Pero ano ang mararamdaman ni Rochelle kapay may bumatikos sa kanya na kapwa niya Born-Again Christian?

Tugon niya, “Actually, sa totoo lang, gawin ko man ito o hindi, may masasabi at masasabi sa akin, kahit hindi involved ang church or whatever... kung anumang religion ang bawat tao.

“As long as isa lang naman ang pinaniniwalaan mo, ‘di ba? Doon lang kami.

“So, akin, gawin ko man ito hindi, may masasabi, may opinyon ang bawat tao.

“Ako, walang magagawa.

“Ang natutunan ko lang sa church, irespeto ang mga opinyon na yun.

“At least, happy ako, proud ako sa ginawa ko.

“Kung merong makakapagsabi ng negative about that, wala na akong magagawa doon. Buhay na nila yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ang church naman, guide ‘yan sa buhay mo, as in guide siya.

“Kahit naman kami, na-guide kami ni Art. Bakit kami tumagal ng ganito katagal?

“So, ganun ang panuntunan ko sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN