Ellen Adarna on being romantically linked to Senator Bong Revilla: "Wala. Hindi siya nanligaw."

Ellen Adarna on being romantically linked to Senator Bong Revilla: "Nagte-text lang, once, [si Senator Bong Revilla]. Nothing [like], ‘Can we meet up somewhere.’ Walang gano’n," says the Moon of Desire star in an interview yesterday, July 8.


Binawi ni Ellen Adarna ang inihayag niyang rebelasyon na sinubukan siyang pormahan ni Senator Bong Revilla.

“Wala. Hindi siya nanligaw. Walang nanligaw na naganap.

“Mo [Twister] asked me kung may mga politicians ba na nagte-text or nagmu-moves.

"Nagte-text lang, once, [si Senator Bong]. Nothing [like], ‘Can we meet up somewhere?’ Walang ganun,” paglilinaw ni Ellen.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 26-year-old Kapamilya actress sa isang press visit sa set ng Moon of Desire sa Ponderosa Heights, Antipolo City, kahapon, July 8.

Matatandaang minsan nang tinanong si Ellen kung nakatanggap siya ng “indecent proposal” mula sa isang kilalang personalidad—mapa-showbiz man o pulitika.

Agad namang isiniwalat ng sexy star na ilang beses siyang nakatanggap ng text message mula kay Senator Bong.

Dito ay sinabi rin ni Ellen na bagamat hindi niya itinuturing na "indecent proposal" ang pagpapadala ng "hi-hello" text messages sa kanya ng senador, pakiramdam niya ay tila gusto siyang pormahan nito noon.

Lumabas ang podcast ng 40 Forbidden Questions With Ellen, na pinangunahan ng host na si DJ Mo Twister at guest co-host na si Bianca Valerio, noong September 2013.

Paliwanag ni Ellen, nakainom siya ng alak kaya marahil kung anu-ano na ang nasabi niya noong mga panahong iyon.

Ang totoo raw ay nagkatrabaho sila ni Senator Bong sa pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote noong 2010.

Ngunit hanggang biruan lang daw sa set ang naging ugnayan sa pagitan ng dalawa.

“We work together that time. And then, when we texted, ginaganun ko lang, ‘Weh?’

“Parang binabara ko lang siya minsan. And then, when he texted me... I forgot the message, e.

“But once lang, and then it never happened again,” giit ni Ellen.

Tinanong si Ellen kung ang pinanggagalingang konteksto ng text message sa kanya ni Senator Bong noon ay bilang kasamahan sa trabaho.

“That I don’t know. I don’t wanna say anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it was a friendly text. Nothing weird,” pag-ulit niya.

Hindi maiwasang maiugnay si Ellen kay Senator Bong, lalo pa’t nahaharap sa panibagong kontrobersiya ang senador ngayon.

Pansamantalang nakakulong ang senador sa Philippine National Police detention cell sa Camp Crame, dahil sa kasong plunder.

Nang hingan ng reaksiyon si Ellen hinggil sa pagsubok na pinagdadaanan ngayon ng senator-actor, umiwas nang magkomento pa ang dalaga.

“Hindi kami ganun ka-close. I don’t know... ewan ko.

“I dont wanna say anything about that. Maraming matatamaan!” natatawang pag-iwas ng Kapamilya actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN