Ai-Ai delas Alas does not regret defending Vilma Santos against online bashers

Naging emosyunal si Ai-Ai delas Alas dahil pati ang kanyang anak na si Sophia ay idinadamay ng bashers kaugnay ng pagtatanggol niya kay Governor Vilma Santos. Sabi ni Ai-Ai, “Ang akin, kapag yung mga anak na, huwag naman. Huwag naman. Kahit saan tayo makarating, ako lang, kaya ko. Pero ang mga anak ko, huwag. Unang-una, they don’t deserve it. Pangalawa, wala sila sa showbiz. Pangatlo, kaya nila ginagawa yun dahil sa pagmamahal nila sa nanay nila. So, kapal ng mukha n


Mainit pa ring pinag-uusapan ang pagkakadawit ni Ai-Ai delas Alas sa isyu ng pagpu-post ni Kris Aquino sa Instagram ng dedication card na kasama ng ipinadalang ensaymada sa kanya ni Batangas Governor Vilma Santos.

Nabahiran ng kontrobersiya ang post na ito ni Kris dahil sa maling spelling ng ilang salita sa dedication card ng Star For All Seasons.

Read: Kris Aquino apologizes to Vilma Santos for posting dedication card on Instagram

Sa presscon ng concert ni Ai-Ai with Rico Puno last week, tinanong ang Comedy Concert Queen tungkol dito at ipinagtanggol nga niya si Vilma sa isyung ito.

Read: Ai-Ai delas Alas lashes back at bashers who call her “sawsawera”

Yun nga lang, tinawag ng ilang basehers si Ai-Ai na “sawsawera” dahil sa ginawa niyang pagtatanggol sa kanyang idolo.

Kaya nang makausap muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa taping ng ABS-CBN primetime series na Dyesebel, noong Lunes, July 7, ay away na niyang magsalita.

Pahayag niya, “Ayoko nang sagutin ‘yan.

“Basta, hindi ako sawsawera kasi sinagot ko lang naman kung ano yung tinanong sa akin ng press.”

Inasahan ba niyang itatanong sa kanya ang pag-post ni Kris ng dedication card ni Governor Vi sa Instagram?

Sagot ni Ai-Ai, “Ay, oo! Alam mo naman ang press, e, natutuwa sila sa akin kasi kung makasagot ako...

"At ano, kasi mga barkada ko yung mga nandoon.

“So, actually, yung mga tanong nilang ganoon, pini-playtime na lang nila ako.

“Pero ano lang namin yun, biruan na lang namin.

“Pero yung iba, sineryoso na.”



VILMANIAN. Tingin ng iba, sinamantala ni Ai-Ai ang pagkakataon iyon to get even kay Kris dahil sa may sama ng loob daw siya sa TV host.

Sagot niya, “Hindi naman.

“Nagkataon lang naman na Vilmanian ako. Alam naman ng buong sambayanan na Vilmanian ako.

“Kung ibang artista yun, dedma ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang Vilmanian, nasaktan daw talaga siya sa mga paninirang ibinato kay Governor Vi.

“Oo, siyempre na-hurt ako, kasi parang biktima siya rito.

“’Tapos yun yung mga time rin kay Ate Guy [Nora Aunor], ‘di ba? Nag-text ako kay Ate Vi noon, e.”

Nagkakapalitan pa rin ba sila ng text messages ni Governor Vi pagkatapos na siya naman ang umani ng batikos sa netizens?

Saad ni Ai-Ai, “Oo, nagte-text ako sa kanya. Sumasagot siya.

“Okey naman siya. Yung huli, ano, ‘I love you,’ sabi niya.”



NO REGRETS. Nagsisisi ba si Ai-Ai sa ginawa niyang pakikisimpatiya kay Governor Vi dahil sa natatanggap niyang pambabatikos ngayon sa social media?

Sagot niya, “Bakit ako magsisisi, e, ginawa ko yun?

“Kumbaga, lahat ng ginagawa ko, ano ko yun, responsibilidad ko yun.

“Kung ano yung sinabi ko, pinaninindigan ko lang.

“Saka ang sinabi ko lang doon, na hindi naman tayo sure na lahat ng nangba-bash sa akin ay totoong nangba-bash sa akin.

“Ang sabi ko, ang iba doon, mga tactics. Like, diversionary tactics, mga paid hack.

“Dyusko, sa dami ba naman ng mga techie ngayon, ‘no!”

Sa palagay ba niya, may nagma-manipulate ng pangba-bash sa kanya sa social media?

“No comment!” tawa niya.



AI-AI’S CHILDREN. Ang nakakalungkot, pati ang unica hija ni Ai-Ai na si Sophia ay naging target na rin ng bashers sa social media pagkatapos nitong ipagtanggol ang kanyang ina.

Naiiyak na sabi ni Ai-Ai, “Yun nga yun.

“Actually, yun ang gusto kong sabihin sa kanila na i-bash ninyo na lang ako, but please, spare my children.

“Unang-una, wala na nga rito ang mga anak ko. Wala sila sa showbiz.

“Natural yun na masasaktan ang mga anak ko. Nanay nila ako, ‘di ba?

“Natural reaction ng mga bata yun.

“And, yung anak ko…” sabay tigil ni Ai-Ai kasunod ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganoon talaga ang mga anak ko. Sobrang mahal ako ng mga anak ko.

“Ang akin, kapag yung mga anak na, huwag naman. Huwag naman.

“Kahit saan tayo makarating, ako lang, kaya ko. Pero ang mga anak ko, huwag.

“Unang-una, they don’t deserve it.

“Pangalawa, wala sila sa showbiz.

“Pangatlo, kaya nila ginagawa yun dahil sa pagmamahal nila sa nanay nila.

“So, kapal ng mukha nila na ginanoon nila ang anak ko.”

Ang dalawa pang anak ni Ai-Ai ay sina Sancho at Nicolo.

Kasalukuyang nasa Amerika sina Sophia at Nicolo, kasama ang kanilang ama na si Miguel Vera.

First year college sa kursong Child Psychology si Sophia at nagbabalak namang pumasok sa US army si Nicolo.

Patuloy ni Ai-Ai, “E, nagbabasa ng Instagram ko yun [Sofia].

“Nakikita yung mga sinasabi. Nasaktan sila.

“Huwag na tayong magpaka-plastic.

“Yung iba nga, makikipagpatayan para sa nanay nila, e, ‘Nanay ko ‘yan, e, patayan tayo!’ ‘Di ba?”



THE NEW AGE. Dahil sa karanasan niya sa social media, may plano ba siyang tanggalin na ang kanyang social media accounts?

Sabi ni Ai-Ai, “Kung pupuwede… kasi parang ang ano kasi sa akin, dahil siguro bago na tayo, new millennium era na ngayon, lumang tao ako, e.

“Yun nga yung pinag-uusapan namin sa taping [ng Dyesebel]. Why is it na dito ngayon sa buhay natin, sa buhay ng tao, puwede na tayong siraan ng kahit na sino?

“Dati, press lang ang puwedeng tumira sa amin na artista.

“Ngayon, kahit sino at hindi mo pa kilala. Hindi ka kakilala. Kung sinu-sino na lang.

“’Yan ang totoong kung sinu-sino na lang, ‘di ba? Kung anu-ano na lang.

“May mga gumagawa ng account para bastusin ka.

“Parang, ganito na ba ngayon ang mundo? Shocked [ako]!

“Siyempre, ang mga anak ko, ‘Mommy, no. You don’t do that.’

“Huwag ko raw burahin or alisin. E, di huwag,” kuwento ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin daw siyang planong limitahan ang sarili sa paggamit ng social media.

“Hindi, wala naman akong ginagawa sa kanila.

“Wala akong Twitter, Instagram lang.

“E, wala naman akong ginagawa sa kanila, bakit ko aalisin? Wala namang masama kung mag-post ako ng gusto ko.

“May Facebook ako, pero hindi ako active. Instgram lang ako active.

“E, kasi nakakatuwa ang Instagram, ‘di ba? Pa-picture ka, ganyan.

“Kung anu-ano yung mga picture mo doon. Kung anu-ano ang mga nangyayari sa buhay mo.

“And, actually, nasa-shock ako sa social media na maraming kung anu-ano ngayon.

“Hindi ba, naiba na ang buhay ng tao ngayon?

“Hindi ko sinasabing kayo lahat ito. Ang sinasabi ko, iba na ang buhay ngayon.

“At lalong, yung mga halimaw, lalong nagiging halimaw. Ang titigas ng face!

“Whoever, whatever yung mga nasa social media ngayon, e.

“Mas malakas pa ang loob nila na magdemanda. Alam mo kung bakit?

“Hindi mo naman sila kilala, pero ikaw kilala. Yun ang disadvantage.

“Ako, kilala nila ako at open ang IG ko, e. Ako, hindi ko sila kilala.

“Unang-una, sino ba kayo? Totoo ba kayo na talagang galit kayo sa akin?”

Or yung iba, maaaring nama-manipulate?

“Exactly, yun ang sinasabi ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN