Vin Abrenica on Robin Padilla’s strong remark against Aljur: “It’s a free world.”

Kinunan ng reaksiyon si Vin Abrenica sa pahayag ni Robin Padilla na “bakla ang gusto ninyong pag-usapan” matapos tanungin ang action star tungkol sa breakup ng anak niyang si Kylie Padilla at ng kapatid ni Vin na si Aljur Abrenica.


Masaya si Vin Abrenica na kasama na ang idolong si Robin Padilla sa kinabibilangan niyang TV5 series, ang Jasmine, na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis Smith.

Iyon nga lang, nanghihinayang si Vin na hindi sila nagkaeksena ni Robin.

Saad niya, “Siyempre po, excited ako na makatrabaho ko siya dahil idol ko na po si Robin Padilla bata pa lang ako.

“Hindi man kami nagkaroon ng eksena na magkasama dito sa Jasmine The Series, pero masaya ako na makakasama namin siya dito sa show.

“Hindi po kami nagkaroon ng eksena na magkasama at hindi kami magkasama sa standby area ng set.”

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vin, sa pamamagitan ng email, kaninang umaga, Miyerkules, July 9.

Una raw niyang nakilala ang action superstar sa isang commercial ng isang telecommunications company.

Lahad ni Vin, “Naipakilala na po ako ng manager ko sa kanya noon.

"Nagkasama kami sa commercial na sa Trinet ng Talk ’N Text na ang konsepto ay ’Bente lang.’

"Maayos po ang pagkakakilala sa amin noon at mabait po siya sa akin."

Hindi man sila nagkatrabaho ni Robin para sa isang acting project, hopeful naman ang young actor na magkakaeksena sila sa ibang pagkakataon.

“Kung magkakaroon man, expectation ko po ay, siyempre, magiging professional at may respeto sa isa’t isa,” sabi niya.

ON ALJUR AND KYLIE. Inusisa na rin ng PEP si Vin tungkol sa naging breakup ng kanyang kapatid na si Aljur Abrenica at ng anak ni Robin na si Kylie Padilla.

Read: Kylie Padilla confirms breakup with Aljur Abrenica

Pero pag-iwas ni Vin, “Labas na po ako diyan, wala rin naman po ako kinalaman sa breakup nila.

“At matagal na po silang break.

“Pero ang importante sa akin ay kung maayos ba ang kapatid ko, at masaya ako ngayon na maayos siya.”

Nagkukuwento ba sa kanya si Aljur tungkol sa pakikipaghiwalay nito kay Kylie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre po, pero usapang kapatid na lang po yun,” sabi ni Vin.

May masasabi ba siya tungkol sa breakup nina Aljur at Kylie?

"Wala naman po. Kung ang kapatid ko ay walang nasasabi, mas lalo na po ako."

Inusisa rin si Vin kung ano naman ang reaksiyon niya sa pahayag ni Robin tungkol kay Aljur.

Sa isang interview kasi ay natanong si Robin tungkol sa paghihiwalay nina Kylie at Aljur.

Umiwas si Robin sa isyu at sinabi nitong “bakla” ang taong itinatanong sa kanya, na posibleng ang tinutukoy ay si Aljur.

Read: Robin Padilla on Kylie-Aljur breakup: “Isang bakla ang gusto niyong pag-usapan.

Tugon ni Vin, “Wala lang po, it’s a free world. Kayang sabihin ng mga tao ang gusto nilang sabihin.”

Matapos ang pangyayari, hindi kaya maapektuhan ang pagtatrabaho nila ni Robin kung sakaling mabigyan man sila ng proyektong magkasama?

Saad ni Vin, “Kung sakali naman po, siyempre hindi.

"May respeto po akong tao lalo na sa iba at sa trabaho.

“Magiging professional po ako at labas na sa isipan ko yun lalo na kapag nasa lugar ng trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN