Kit Thompson on marijuana issue: "Was there any confirmation?"

IMAGE Noel Orsal

Kit Thompson says he was not affected when reports came out saying that he was nabbed for smoking marijuana during a local music festival.


Noong February, naging mainit na usapan ang tungkol sa apat na kabataang nahuli ng mga awtoridad habang gumagamit ng marijuana sa isang music festival.

Ayon sa statement na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naaresto ang apat na minors noong February 23, ang ikalawang araw ng 7107 International Music Festival.

Naging matunog ang pangalan ni Kit Thompson na sinasabing isa sa mga kabataang naaresto dahil sa description na ito: "the 17-year-old teen actor starred in the hit TV series, Galema, and a former contestant of a popular reality TV show."

Matatandaang naging bahagi si Kit ng Galema at naging housemate din siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Season 4.

Read: Kapamilya young actor, three others nabbed for smoking marijuana at 7107 International Music Festival

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kit sa launching ng Cinemalaya 2014 kaninang tanghali, July 9, sa Cultural Center of the Philipppines.

Dito ay tinanong namin ang miyembro ng Star Magic Circle 2013 kung ano ang reaksiyon niya sa lumabas na report na nagsasabing nahuli diumano siyang gumagamit ng marijuana.

Balik-tanong naman ni Kit: "Was there any confirmation?"

Sinasabi ba niyang hindi siya ang nahuli noon?

"Well, I could say, was there any confirmation? I would say there was none," sagot niya.

Naapektuhan ba siya nang lumabas ang balitang iyon?

Sabi ni Kit, "Hindi naman. It's just something that would make me strong in the future."

Mayroon ba siyang mensahe sa mga nag-akalang siya nga ang nahuli?

"I don't have to say anything. I'm here right now.

"I'm in this film and I'm happy that I'm back."

Pero inamin ni Kit na dumalo nga siya sa 7107 International Music Festival na ginanap sa Pampanga.

 

 

PORTRAYING A DRUG USER IN #Y. Bahagi si Kit sa Cinemalaya 2014 entry na #Y kung kaya't dumalo siya sa press conference kanina.

Gumaganap siyang college student sa naturang youth-oriented movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kit, "I can describe him as young, he doesn't know the real world yet kasi mayaman siya, may kaya, and he lives in a pampered environment.

"Parang spoonfed sa kanya lahat.

"Somehow, he got into drugs and he is the first person to do drugs in the group.

"He's that kind of guy sa barkada na [nagsasabi], 'Let's do this! Let's do that!'"

Since isang drug user ang ginagampanan niya, hindi ba siya natatakot na maungkat ang isyu tungkol sa pagkahuli diumano niya dahil sa paggamit ng marijuana?

Saad ni Kit, "They can link me all they want but, honestly, this is a film and this is acting.

"If they'll bring that up and say that i'm a drug addict because of the film, I'm just going to say that it's acting.

"This acting is like going through a stage in your life and that to be a better actor, you have to have more experiences in life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN