Alden Richards on rumored pregnancy of Louise delos Reyes: "Hindi naman po ako naniniwalang totoo ‘yon."

Excited na raw si Alden Richards sa pagsisimula ng pagbibidahan niyang docu-drama series sa GMA News Channel 11 kung saan gaganap siya bilang isang bayani.


Na-enjoy nang husto ni Alden Richards ang kanyang recent trip sa US para sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day.

Kasama niyang nag-concert sa California sina Marian Rivera, Allan K, Sherin Regis, at ilan pang Pinoy celebrities.

Kuwento ni Alden, “Nakakatuwa dahil ang daming mga kababayan natin ang nagpunta para manood ng concert namin.

“Actually, bago ito, nauna muna yung concert namin sa Malaysia for the same company na nag-organize din concert sa US.

“So, from Malaysia, diretso naman sa US.

“Kumanta ako at sumayaw. At ang sarap sa pakiramdam na marami kaming napasayang Pinoy nang dahil sa concert na ‘yon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa Sunday All Stars noong Linggo, July 6.

DANCE NUMBER WITH MARIAN. Nagkaroon ba sila ng dance number ni Marian sa show nila?

Sagot ni Alden, “Hindi, e.

“Kasi yung nag-organize ng concert, napahaba ang ginawang program, kaya nagbawas na lang ng performances.

“Pero may dance number kami ni Yan sa Marian [Marian’s dance program]. Nag-taping na kami kaya abangan niyo na lang.

“Hindi ‘yon ang fIrst time na magkasama kami sa isang dance number.

“Sumayaw na rin kami together sa mga mall shows dati, kaya para na lang kaming naglalaro.

“Pero yung dance number namin sa Marian, iba.

“At saka si Yan, iba siyang sumayaw sa show niya kung ikukumpara sa mga sayaw niya dati.

“Makikita mo talaga yung dedication niya sa pagsayaw sa kanyang dance show kaya bilib ako sa kanya.”



NEXT PROJECT. Hindi ba magkakaroon ng follow-up project ang naging pagtatambal nila sa Carmela?

Saad ni Alden, “Sa ngayon, waka pa akong naririnig, baka next year pa siguro.

“Pero may gagawin akong bagong series. Tungkol ito sa isang national hero na hindi ko pa puwedeng sabihin kung sinong bayani ang ipu-portray ko.

“Excited ako para dito kasi challenging yung role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinaghahandaan ko na ito at talagang aaralin kong mabuti yung character.

“Sa GMA News TV 11 ito ipapalabas. Parang gaya nung Katipunan at Bayan Ko na nai-produce din ng Public Affairs ng GMA.”

Sinu-sino ang mga artistang makakasama niya rito?

“Base sa narinig ko, si Solenn Heussaff at saka si Kylie Padilla.

“’Tapos naghahanap sila ng isa pa dahil tatlo ang magiging leading ladies ko.”

Tinatapos din daw niyang i-shoot ang pelikulang Cain at Abel, kung saan silang dalawa ni Aljur Abrenica ang bida.



ALJUR & KYLIE. Kaibigan ni Alden si Aljur, ‘tapos ay magiging leading lady niya sa isang docu-drama series ang ex-girlfriend nitong si Kylie.

Pero ayon sa Kapuso heartthrob, “Wala namang kaso ‘yon, kasi trabaho lang naman yung sa amin.

“Hiwalay naman iyon sa personal, ‘di ba?”

Pareho silang single ni Kylie. Paano kung sila naman ang sunod na ma-link sa isa’t isa?

“Naku, hindi ko po alam!” nakangiting sabi ni Alden.

Dagdag niya, “Hindi ko naman po naiisip na possible ‘yon. Kaya… ewan ko.

“Basta po ako, I’m looking forward sa pagsasama namin sa trabaho nina Kylie at Solenn.

“Excited na ako na magsimula ang taping namin.”



RUMORED PREGNANCY. Naging ka-loveteam din ni Alden si Louise delos Reyes sa mga teleseryeng One True Love at Mundo Mo’y Akin.

Kaya naman tinanong namin siya kung aware siya sa balitang buntis diumano si Louise, at si Aljur daw ang ama ng dinadala nito?

Sabi ni Alden, “Wala pa akong alam. Ngayon ko lang po narinig ang tungkol diyan.

“Sana hindi totoo. And… hindi naman po ako naniniwalang totoo ‘yon.

“Kasi si Louise, close kami at open siya sa akin tungkol sa mga personal niya.”

Sa isang interview ay pinabulaanan na ni Louise ang balitang buntis daw siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN