Cristine Reyes admits to "exclusively dating" non-showbiz guy

“He has a lot of wisdom and maraming bagay na natututunan ko sa kanya,” says Cristine Reyes about the non-showbiz guy she’s currently dating.


Imposible nang magkaroon pa ng pangalawang pagkakataon ang maiksing relasyon nina Cristine Reyes at Derek Ramsay.

“Nagkaroon na kami ng pag-uusap ni Derek last time. Okay naman kami sa napagdesisyunan namin,” sabi ni Cristine nang tanungin siya ng entertainment press tungkol dito sa press conference ng pelikulang Trophy Wife, kahapon, July 10.

Bukod sa napag-usapan nila, umamin din si Cristine na may idine-date na siyang non-showbiz guy.

Maituturing niya bang “trophy boyfriend” ang madalas niyang nakaka-date ngayon?

Sagot ng nakababatang kapatid ni Ara Mina, “Siguro oo, kung ‘yon ang definition niyo. Pero wala pang title.

“Ayaw kong sabihin na boyfriend ko siya. Ayaw ko muna magsalita.

"Right now, exclusively dating."

Ngunit naging matipid ang Kapamilya actress sa paglalarawan tungkol sa sinasabi niyang Persian guy.

Ang tanging sabi niya, “Iba siya dahil nakita ko na iba siya sa lahat.

“He has a lot of wisdom and maraming bagay na natututunan ko sa kanya.

“Siguro kasi he’s out of the business, so nakikita ko sa kanya na, ’A, this is life pala.’”

Nang subukan ng press mag-usisa pa tungkol sa kanyang bagong ka-date, nangiting pakiusap ni Cristine, “Huwag niyo na pong abalahin [na alamin] kung sino siya, kasi ayaw ko na rin po siyang maabala.”

Dahil napag-usapan na rin ang tungkol sa pakikipagrelasyon, handa na ba si Cristine sakaling makahanap na siya ng “lifetime partner.”

Sagot niya, “Siyempre, naiisip ko na rin ‘yon.

"Kasi, 25 na ako, self-made na rin. I guess, papunta na rin doon."

Dagdag niya, “Sa ngayon, happy na ako, kuntento na ako kung ano’ng meron ako ngayon.

"I guess, ano na lang ako, I’m working for myself.

"Hindi na ako naghahangad ng kahit ano pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN