Xian Lim not worried about Kim Chiu working with ex-boyfriend Gerald Anderson

Xian Lim on real score with Kim Chiu: "We’re special to each other. But we’re gonna take things slow. Slowly but surely.”


Nilinaw ni Xian Lim na hindi siya na-threaten nang nagkatrabaho muli sina Kim Chiu at Gerald Anderson para sa isang coffee endorsement.

Wala rin umanong problema kay Xian kung sakaling magbalik-tambalan sa isang acting project ang dating magkasintahan.

Si Xian ang kasalukuyang ka-loveteam ni Kim, at bali-balita rin na nagkakamabutihan na sila.

Maiksing pahayag ni Xian, “Wala naman talagang ikaka-worry talaga."

Iginiit din ng Kapamilya actor na career-wise ay walang kumpetisyon sa pagitan nila ni Gerald.

Aniya, “Wala naman. Magkaiba kami ng journey. Magkaiba kami ng path.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa media launch ng “Most Beautiful Stories” campaign ng Pond’s beauty product. Ginanap ito sa The Peninsula Manila sa Makati City, kagabi, July 10.

Malaki ang kumpiyansa ni Xian sa tibay ng samahan nila ni Kim, na unang umusbong nang magkatrabaho sila sa ABS-CBN primetime series My Binondo Girl (2011).

Patunay nito ay regular pa rin silang may komunikasyon kahit pa abala ngayon si Kim sa teleseryeng Ikaw Lamang, na pinagbibidahan ng aktres at ni Coco Martin.

Mismong si Kim din ang nagsabi na hindi na mabubuwag ang closeness nila ni Xian.

“She’s telling the truth. Walang palabok or anything. Yun na yun,” masayang pagkumpirma naman ng Star Magic talent.

“SPECIAL FRIENDS. Hanggang ngayon ay patuloy ang espekulasyon kung ano ang tunay na estado ng relasyon nina Xian, 24, at Kim, 24.

Ito ay sa kadahilanang walang klarong kumpirmasyon o pagtanggi mula sa dalawa, kahit na hindi lingid sa kaalaman ng publiko kung gaano kalapit si Xian kay Kim at maging sa pamilya ng aktres.

Matatandaang isa si Xian sa umalalay at nagbigay ng lakas ng loob kay Kim nang pumanaw ang ina ng aktres noong June 2013.

Read: Xian Lim on Kim Chiu: "Maraming nagmamahal sa kanya including na rin ako."

Ayon kay Xian, “special friends” ang pinakaangkop na salitang naglalarawan sa samahan nila ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinahayaan daw nilang panahon ang makapagsabi kung sila man ay magiging opisyal na magkasintahan.

“Nothing has changed… Kumbaga, we’re still gonna remain friends. We’re still gonna remain special to each other. But we’re not rushing things.”

Mas mabuting hindi raw sila magmadali upang mabigyan din nila ng sapat na atensiyon ang kanilang trabaho.

“Sa ngayon, we can focus more.

"We’re special to each other. But we’re gonna take things slow.

"Slowly but surely."

MOVIE WITH KIM AND AI-AI. Samantala, masaya si Xian dahil nag-umpisa na ang shooting ng pelikula nila ni Kim, ang Past Tense, na nakatakdang ipalabas ngayong taon.

Huli silang nagkatrabaho sa pelikulang Bride For Rent na siyang opening salvo ng Star Cinema noong January 2014.

Kuwento pa ni Xian, “Yung transition from every day [na magkasama] to not seeing each other, siyempre nakaka-miss rin. Our supporters also miss us.”

Ngayon pa lang ay excited na ang aktor na maipalabas ang Past Tense, kung saan ka-love triangle nila ni Kim si Ai-Ai delas Alas.

“It’s a rom-com. Sabihin na natin na it’s an unresolved love between the three of us.”

Panibagong challenge ito para sa aktor, lalo pa’t noong una silang magkatrabaho ni Ai-Ai ay gumanap ang comedienne bilang ina ni Kim sa My Binondo Girl.

Tinanong si Xian kung ano ang pakiramdam na makakatambal din niya sa pelikula ang Box Office Comedy Queen.

Tugon niya, “Siyempre it’s an honor. I feel blessed.

“Sabi niya [Ai-Ai] sa presscon niya, first ever sa Philippines na nagkaroon ng ganitong istorya. Pero, yeah, excited na ako kasi it’s really different.”

Kakatapos lang ng kanilang first shooting day kaya hindi pa masyadong makapagbahagi si Xian tungkol sa mga nakunan nilang eksena.

“Please ask me the same question when we release the ano, ha. Because I don’t wanna give too much details.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda siya. Wow! Sariling buhat. Makikita niyo na lang,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN