John Estrada says past issue with Heart Evangelista was just a misunderstanding

Ilang taon pagkatapos magkaroon ng isyu sa pagitan nina John Estrada at Heart Evangelista, magkatrabaho ngayon ang dalawa sa pelikulang Trophy Wife. Pahayag ni John tungkol sa nangyaring insidente sa kanila noon ni Heart, “Hayaan na lang natin, okay naman na kaming lahat.”


July 2006 nang magkaroon ng hindi magandang insidente sa pagitan nina Heart Evangelista at John Estrada sa isang bar sa Makati, kung saan hindi nagustuhan ng dating Kapamilya actress ang komento sa kanya ng Kapamilya actor.

Ito ang naging dahilan kung kaya’t nagkaroon diumano ng kumprontasyon sa pagitan nina John at Jerico Rosales, na boyfriend noon ni Heart, sa celebrity screening ng Hollywood movie na Superman Returns sa IMAX Theater ng Mall of Asia ng taon ding iyon.

Kung hindi nga lang daw lumapit si Gary Valenciano at kinausap ang dalawa, baka nauwi iyon sa isang pisikal na kumprontasyon.

Read: Jericho Rosales and John Estrada kiss and make up

Pero para kay John, matagal na itong nangyari at ang lahat ay “water under the bridge” na lang, ’ika nga.

Kasalukuyang magkasama sina John at Heart sa pelikulang Trophy Wife, idinirek ni Andoy Ranay, na ipalalabas sa July 30.

Pahayag ng award-winning actor, “Hay naku, hindi ko na actually maalala.

“Basta, again, it was just a misunderstanding.

“Kahit kami ni Echo [Jericho] ay nag-usap na rin tungkol diyan.

“Echo is obviously very, very happy now.”

Kakakasal lang ni Jericho sa blogger-host na si Kim Jones noong May 1, 2014.

Patuloy pa ni John, “So, you know, it’s a thing of the past.

“Alam ko naman na mabi-bring up pa rin ito, pero all’s well that ends well, ‘di ba?

“Hayaan na lang natin, okay naman na kaming lahat.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si John sa presscon ng Trophy Wife, sa The Library, MetroWalk, Ortigas, kahapon, July 10.

CRUSH ON HEART. Ang isa pa sa napag-usapan ay ang pagkakaroon daw noon ng crush ni John kay Heart.

Sa presscon nga ay pabirong ipinangalandakan ni Heart na crush na crush siya ni John noon.

Nangingiting sabi naman ng 41-year-old actor, “Oo naman, maganda naman talaga si Heart, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She was single before, I was single also.

“So, yeah... maganda talaga si Heart.

“Sinabi naman niya kanina na crush, ‘di ba? Yun, crush nga."

Ngunit ipinagdiinan ng mister ni Priscilla Meirelles na hindi niya niligawan si Heart dahil alam niyang girlfriend ito ni Jericho noong panahon na yun.

“No, no… isang ano lang yun na hindi lang talaga nagkaintindihan.

“Wala na yun, peace na,” ulit niya.

CRISTINE REYES. Tungkol naman sa isa pang co-star ni John sa Trophy Wife na si Cristine Reyes, marami ang nagtatanong kung nagka-crush din siya rito.

Natatawang sagot niya, “Para naman akong bagets kung tanungin!

“Siyempre, crushable naman si Cristine, ‘di ba? Sino ba namang lalaki ang hindi hahanga sa kanya?

“Paghanga na lang, oo. Sobrang sexy ni Cristine, maganda.

“Siyempre, may asawa na tayong tao, happily married, kaya hanggang paghanga na lang.

“Masarap katrabaho si Cristine kasi kahit akala mo tahimik lang siya, makulit din ‘yan.”

Kung sakaling single siya, liligawan ba niya ito?

Muling natawa si John at sinabing, “Sa palagay niyo kaya, ano?

“Depende rin siguro sa sitwasyon.

“Hindi naman kasi porke’t single ka, type mo ang isang babae ay liligawan mo na kaagad.

“May mga bagay ka pa rin na dapat iku-consider, ganyan kaming mga lalaki,” pagbibiro pa niya.



FROM ELWOOD TO ANDOY. Sa puntong ito ay inalam ng PEP kay John ang kanyang saloobin tungkol sa pagkakapalit kay Elwood Perez bilang direktor ng Trophy Wife.

Ang batikang direktor ang nagsimula sa pelikulang ito bago pa man hinawakan ni Andoy Ranay.

Saad ni John, “It’s a management decision, so kaming mga artista ay wala naman kaming magagawa.

“Si Direk Elwood is a good director at alam naman ng industriya ’yan.

“Pero, yun nga, may mga pangyayari na ‘di natin saklaw, ‘di ba?

“In this case, ganun nga ang nangyari. Labas na kami dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang good replacement naman daw si Direk Andoy.

“Oo, sobra!

“Iba naman kasi ang work attitude niya, may kanya-kanya silang style.

“The best way diyan is respetuhin na lang natin kung ano ang gusto nila o style nila bilang director.

“Thumbs up sa akin si Direk at natapos naman namin nang maayos ang pelikula, at mas lalo pa nga niyang pinaganda.

“So, walang problema sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN