Rich Asuncion clueless about real score between Aljur Abrenica and Louise delos Reyes

Rich Asuncion on rumored romance of her Kambal Sirena co-stars Aljur Abrenica and Louise delos Reyes: “Mga ganun, close daw... ganun lang. E, hindi naman maiiwasan yung ganun. Sa taping, ‘di ba, magdamag kayong magkasama, hindi ba kayo magtsitsikahan? Masama bang magtsikahan?”


Wala raw boyfriend at manilingaw ngayon si Rich Asuncion.

Pahayag ng StarStruck alumna, “Hindi ako lumalabas, e.”

Choice niya ba iyon?

“Oo, siguro din. Siguro wala pang dumarating na natitipuhan ko.

“Nag-date naman ako, pero parang waley,” sabi niya.

May nanligaw na ba sa kanyang pulitiko?

Pag-amin ni Rich, “Meron, meron… single. Ayoko namang magpaligaw sa may-asawa.”

Bakit walang nangyari?

“Ano, magulo, e. Parang may dyowa yata.

“Walang asawa, pero hindi ko alam, parang may dyowa [girlfriend],” pagtukoy ni Rich sa pulitikong ayaw na niyang banggitin ang pangalan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rich sa presscon ng new breed of female contravidas ng GMA Artist Center—na kinabibilangan din nina Chynna Ortaleza, Thea Tolentino, LJ Reyes, Vaness del Moral, Joanna Marie Tan, at Charee Pineda—noong June 24 sa Max’s restaurant, Roces Avenue, Quezon City.

BACK TO KONTRABIDA ROLE. Kasama si Rich sa upcoming drama series ng GMA na Yagit.

“Salbahe ako dito. Pahihirapan ko ang mga batang yagit kasi may gusto ako dun sa tatay nung isa, si James Blanco. Parang, malandi!” at natawa si Rich.

Mabait ang papel niya sa Kambal Sirena at ngayon lang siya ulit lalabas na kontrabida, kaya hindi raw siya umabot sa puntong nag-request siya sa GMA na huwag laging salbahe ang role niya.

Saad niya, “Hindi ko na kailangan mag-request kasi ibinibigay naman sa akin yung gusto ko.

“Natutuwa ako na minsan mabait ako, minsan salbahe, kasi ayoko rin namang makahon sa isa lang.

“Gusto ko rin naman i-explore yung anong kakayahan ko, puwede ba akong maging ganito, puwede ba akong maging ganun.

“Kaya natutuwa naman ako hindi naman ako pinapabayaan ng GMA.”

Ano ang mas mahirap para kay Rich—ang mabait na papel o ang pagiging kontrabida?

Sagot niya, “Mas mahirap maging kontrabida, pero mas gusto ko siyang gawin kasi natsa-challenge ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko na ilabas talaga kung ano yung kaya ko.”



LOUISE & ALJUR. Sa Kambal Sirena ay parang guardian ni Louise delos Reyes ang naging papel ni Rich.

Kaya tinanong namin si Rich kung totoo ba ang usap-usapang mag-on na raw sina Louise at Aljur Abrenica.

“Hindi ko alam!” at tumawa si Rich.

“Si Louise lang kasi ang nakakasama ko.”

Wala ba siyang napansin o na-sense o nabalitaan kung sina Louise at Aljur na nga?

“Mga ganun, close daw... ganun lang.

“E, hindi naman maiiwasan yung ganun.

“Sa taping, ‘di ba, magdamag kayong magkasama, hindi ba kayo magtsitsikahan?

“Masama bang magtsikahan?”

At ma-develop?

“Na-develop ba? Hindi ko alam!” iwas ni Rich.

Close ba sina Rich at Louise?

“Close naman, mabait naman siya,” sagot ni Rich.

Dati namang nakarelasyon ni Rich si Aljur.

Kaya biniro namin si Rich kung hindi ba humingi ng tip sa kanya si Louise bilang dati nga siyang karelasyon ni Aljur.

“Hindi naman,” sagot niya.

Pinaninindigan ni Rich na wala siyang alam kung may relasyon nga ba sina Louise at Aljur.

Sabi niya, “Hindi naman niya naitsika sa akin. Wala akong alam.

“Hindi naman siya nagkamaling ikuwento sa akin.”



ERVIC VIJANDRE. Magkaibigan pa rin ba sila ng isa pa niyang ex-boyfriend na si Ervic Vijandre.

“Sakto lang. Civil lang,” sagot ni Rich.

Wala pa raw siyang siyang binalikang ex-boyfriend.

“Huwag na siguro, kasi para sa akin, may reason kung bakit hindi siya nag-work.

“So, bakit ko babalikan kung hindi naman nag-work in the past?” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN