Dimples Romana believes Angel Locsin and Luis Manzano are “perfect match”

“I’m turning thirty this year and since hindi pa nga ako nagseserye ulit, I think this is the perfect time,” says Dimples Romana about having another baby.


Nagpapasalamat si Dimples Romana at nabibigyan siya ng pagkakataong pagsabayin ang career niya sa showbiz at ang kanyang pagiging misis at ina ng kanilang tahanan.

Eleven years na siyang kasal kay Boyet Ahmee at sampung taong gulang na ang anak nilang si Cal. Pero patuloy pa rin ang pagiging aktibo ni Dimples sa showbiz.

Katunayan, bukod sa pelikula ay mas nagiging abala ngayon ang aktres sa telebisyon.

Sabi niya, “Ngayon po I’m doing, as usual, Kabuhayang Swak na Swak.

"And then, I’m also hosting a show on TFC TV, that’s TFC Connect. It’s under ABS-CBN Global.

"And I have Promil Pre-school I-shine Talent Camp Season-3, it’s actually airing now until August.

“Sa movie naman, mayroon akong Homeless, it’s an indie movie with Ejay Falcon and Martin del Rosario.”

Dagdag pa niya, “So, ako rin naman kasi, siyempre I have a family, I have a husband and I have a daughter who I have to take care of every now and then.

"So, siyempre, importante sa akin that I keep that balance also.

“Thankfully you know, my husband and I have been together for eleven years happily.

"So, ayun, actually I think nakakatulong din na nagbibigay ako ng priority both with work and with family at the same time."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dimples sa opening ng Cinema One Anniversary Film Festival, na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall.

ANOTHER BABY. Wala pa ba silang balak ng mister niyang sundan ang kanilang panganay?

Sabi ni Dimples, “Mayroon na actually, may balak na kaming sundan.

"So, I’m super-excited about that because I’m turning thirty this year, and since hindi pa nga ako nagseserye ulit, I think this is the perfect time.

“Dahil halos lahat ng trabaho ko ngayon talks about women, talks about moms and women empowerment at saka entrepreneurial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, may mga negosyo rin kami, ganoon… Kaya mas nasa balanse ako ng buhay ngayon.”

Kasama talaga sa mga plano niya ngayon ang paggawa ng baby?

“Opo, naku mamaya nga lang, e!” natawang biro niya.

"Hindi, siyempre nasa plano namin, kasi we also want to make a slightly bigger family.

"If not… maybe we’ll just add one more or two more.

“But, of course, that’s part of the plan, kasi matanda na rin si Cal, e, ten years old na siya.

"So, I guess, this is the perfect time for us to do that."

UNDERRATED ACTRESS. Itinuturing si Dimples na isa sa pinaka-underrated na aktres sa Pilipinas. Ano ang masasabi niya rito?

Natatawang sagot niya, “Ewan ko, ano ba ang mapi-feel ko doon?

"Ako naman kasi, ang importante sa akin ay nakakapagtrabaho ako, okay ang pamilya ko…

“Sa akin kasi, mas tinitingnan ko iyan as actually an advantage.

"Kasi, the more that they look at me that way, the more room for improvement I will have in the future.

"So, okay lang din sa akin iyon.

“‘Tsaka alam mo, sa atin naman minsan… katulad sa akin, mas importante sa akin na I get quality markado roles, more than anything else.”

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “You know, I know they call me the underrated actress, but really, that’s no importance to me.

"Ang importante sa akin is that, for example, if somebody tells me, ‘You know, the fact na sinasabihan kang underrated, it’s because they know you’re good at something that you do.’

“And ako naman, ang importante lang sa akin ay yung alam ko sa sarili ko na nagawa ko yung trabaho nang maayos.

"So, more than anything, yun ang pinakaimportante sa akin."



AT HOME WITH ANGEL LOCSIN. Kasama ni Dimples ngayon sa I Shine si Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, ‘di ba, ‘no!” bulalas ni Dimples.

“Lagi kasi kaming magkasama ni Gel sa serye, and I sort of decided na magpahinga lang muna sa teleserye.

"Kasi, six years akong dire-diretso nagserye, my gosh! Wala akong bakasyon for six years!

“So, after that, nag-veer to hosting ako, which pumatok din! Because I Shine… now is on our third season.

"And you can imagine, I know it’s very difficult to please a lot of people.

"But the fact na we got the trust of Wyeth, for me, Xian [Lim] and Matteo [Guidicelli] to do this for the third year, very, very happy ako.

“And now that our mentor is Angel, we feel like home talaga.

"Kasi, you know how Angel and I are very close. Even if we don’t see each other, we cheer for one another.

“So, natutuwa lang ako na magkasama kami.

"At saka ang husay niyang mag-mentor, ang galing niya. Very ano, big revelation siya as a mentor here.

"Kasi, ‘di ba, marami tayong… alam natin na mahuhusay sila, pero iba rin kasi yung may talento na mag-share at mag-mold ng talento ng iba.

"And I think, Angel has that quality."

Si Angel ay isa sa mentor sa Promil Pre-school I-shine Talent Camp Season 3 kasama si Zsa Zsa Padilla at ang artistic director ng G-Force na si Georcelle Dapat-Sy.

Speaking of Angel, sa palagay ba ni Dimples ay magpapakasal na ito kay Luis Manzano?

“Naku! Kayo talaga, huh!” reaksiyon ni Dimples.

“Naku, alam mo, magpakasal man ’yang dalawang iyan soon, siyempre ‘di ko naman ‘yon kontrolado.

"Pero kung gawin man nila ’yan, sa totoo lang ay ‘go for gold’ ako!

"Dahil si Luis is a good man and he was brought by a queen, a very good woman also, si Tita Vilma [Santos].

“So, alam mo, I’m sure that they will make a very happy family and a very strong one at that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi alam mo naman si Tita Vilma, ‘no, sobrang sarap na inspirasyon niyan sa lahat ng mga magulang na katulad ko dahil napalaki niya nang maayos ang kanyang mga anak.

“Luis is a very good host and alam mo, sa totoo lang, alam ko mahal na mahal niya si Gel.

"Ako ang isa sa mga witness niyan dahil sa unang beses pa lang sila nagmahalan hanggang sa maghiwalay sila, hanggang sa sila na naman ngayon…

“Sabi ko nga, ‘Hoy, Luis, nakakaloka kayong dalawa, kung magpakasal man kayo ay isa siguro ako sa mga pinaka-happy.’

“Dahil si Gel, alam mo, ang pagkatao ng kaibigan ko, alam mo yung tao na alam mo na bagay na bagay maging ina?

"Ganoon siya, kasi kapag naka-out of the country kami nina Gel, kunwari nag-Australia kami, nag-Korea kami, mas mommy pa iyan sa akin.

"Inaalagaan niya ako, she’s younger than me… siguro mga two years yata, three years.

"But she has a good nurturing character, so bagay na bagay sa kanya yun.

“Kaya kung gusto nila [magpakasal], go! Kung gusto nila mamaya, go!”



“PERFECT MATCH.” Hindi raw nila pinag-uusapan ni Angel ang napapabalitang pagpapakasal nito kay Luis, pero sigurado raw sin Dimples na perfect match talaga sina Angel at Luis.

Pero pionag-uusapan ba nila ang tungkol sa marriage?

Sagot ni Dimples, “No, you know what? Because the thing is, Angel and I, when we talk about life, we just…

"We don’t meddle with each other’s lives, e.

"I think yun ang… may respeto kami sa isa’t isang desisyon.

“Maaari kaming magsabi ng abiso, pero kung ano pa rin ang nilalaman ng puso namin, yun ang sinusuportahan ng isa’t isa.

“So, siyempre ako, go ako, push ako, ‘no!

"Pero kung ayaw pa niya, e, ‘di wag, okay lang din.

“Pero para sa akin, yung dalawa is a perfect match. Especially now that they’ve found love in each other’s arms again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, I couldn’t be any happier than I already am now, for them."

Hindi ba nagko-confide sa kanya si Angel sa mga plano nito?

Sabi ni Dimples, “A, siyempre, nagko-confide siya.

"Kaya lang, kapag inunahan ko naman yun ay parang hindi naman maganda.

"Pero maririnig ninyo naman sa kanila dahil very honest at very vocal sila ngayon about things that they want to do.

“So, ako, I’m sure malalaman ninyo agad ‘yan, very sharing naman yung dalawa.

"I guess natanggap na rin nila, na their love is very out there talaga and they’ve inspired a lot of people.

"Iyong mga mag-e-ex na feeling nila tapos na… aba, puwede pa pala yun mangyari.

“Kasi ilang years din silang hindi nagkita, three ba or four ba?

“Kasi, ako rin, alam mo, it’s funny I don’t know anything about these things, unless they tell me.

"Hindi ko rin kasi ugali as a friend na magtanong. Kung hindi pa sinasabi sa akin.

"I feel na hindi pa ready pag-usapan," nakangiting wika ng aktres.

Aniya pa, “So, ‘pag sinasabi niya yun, happy ako.

"Alam mo, sa totoo lang, noong nagkukuwento siya sa akin about nagkabalikan sila ni Luis, I’m so happy for her.

"Not only because I know the story, but because I’ve seen her and I’ve seen her…

“Of course, she was sad the first time that they broke up.

"And now that they’re together, she couldn’t be anymore happier.

"At nakikita naman natin ‘no, pati yung trabaho niya, sobrang inspired.

“So… Naku, Luis, ang haba ng hair mo huh!” tawa na naman niya.

Sa palagay ba ni Dimples ay sina Angel at Luis na talaga hanggang sa altar?

“Siyempre, we can always hope for the best.

"I only wish that Angel and Luis will find happiness in each other continuously from now on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, hindi naman natin alam what the future holds for the both of them.

"But, as a friend for both parties, I just wish that they really end up together.

“Kasi bagay na bagay sila. Sa kulit pa lang, my gosh!

"Baka ako na ang bumigay doon sa kulit ng dalawa!”

Noong ba sina Angel at Luis, sa tingin niya ba ay mas naging malalim pa ang relasyon nila?

Sagot ni Dimples, “Aba’y siyempre, kahit anong relasyon naman na nagkabalikan, talagang mas malalim ang pagmamahalan.

"Dahil umabot na siyempre sa mga panahon na nakita niyo na ang ugali ng isa’t isa.

“Sa palagay ko, it really made them a lot stronger.

"Kahit naman sino iyan, I’m sure, kung may ex kayo at nagkabalikan kayo… at siyempre, na-overcome niyo na iyon, e.

"Sabi nga, what doesn’t kill you will make you stronger.

“Kaya nga sa palagay ko, saktong-sakto iyon sa kanilang dalawa dahil pareho silang nabuo as people individually.

"And then, when they got back together, it wasn’t the same Luis, it wasn’t the same Angel, pero nag-swak pa rin silang dalawa, e.”

Ano kaya ang magiging papel niya kapag ikakasal na ang dalawa?

“Ewan ko, siguro ay taga-picture!” natawang sagot ni Dimples.

“Pero okay lang kahit wala akong papel, kahit passersby ako sa kasal nila.

"Kahit hindi nila ako imbitahin, wala silang choice dahil pupunta ako as a fan of their love, as a fan of them individually as people."



ANGEL AS A BIG SISTER. Paano niya ide-describe si Angel bilang kaibigan?

“Angel is a very loyal friend, somebody you can really count on, emotionally, spiritually…

“You know, you may think that I’ve been married for eleven years, but what’s funny is that, everytime I have something that comes up at home, I always ask Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Especially for my career, ‘Mareng Gel, kailangan ko na bang gawin ito, puwede na ba akong mag-baby, Gel?’

"Kapag sinabi ni Angel na, ‘Oo go!’ Ay, go na ako talaga!

“Kasi alam ko naman na I’m in good hands at hindi niya naman ako bibigyan ng advice na hindi makakabuti para sa akin.

“Wala rin kasi akong ate. So, dahil si Gel ay feel na feel niya na parang ate ko siya, nakikinig ako sa kanya talaga.

“At saka si Gel, alam mo, alam ko na mapili rin kasi. Iyong talagang yung konti lang, she keeps very, very few friends.

"Pero iyong friends niya na iyon, really hold her to the highest level talaga. So, iyon ang importante sa kanya.

“Siguro, ako rin, ganoon. Parang, I know that I am friends with a lot of people.

"Pero iyong mga talagang napapagkatiwalaan ko, sepecially this is show business, it’s harder, hindi ba, to find a good friend?

“But, you know, I’m just blessed to have found somebody like Angel.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN