Heart Evangelista says possible proposal of Senator Chiz Escudero not an "election thing"

Heart Evangelista not in a hurry to have another drama series: “I think, I’ve been growing as a person with all my experiences in life. And sometimes, when I’m in taping, masyado akong walang ginagawa sa taping. So, feeling ko, hindi ako ganoon ka-productive. But, of course, I have to follow my contract and, yes, I am still an artista. So, yes, I still have to do soap very soon. But, I think, it’s choosing the right soap."


Nilinaw ni Heart Evangelista na walang proposal na naganap sa European vacation nila ng kasintahang si Senator Chiz Escudero.

Sabi ng Kapuso actress, “But I knew that, sabi niya, not this month.

"So, tingnan na lang natin."

Wala rin daw kinalaman sa 2016 elections ang pagsasantabi ng marriage proposal ni Senator Chiz kay Heart.

Usap-usapan kasing itataon ng senador ang pagpu-propose kay Heart sa 2016 dahil tatakbo raw sa mas mataas na posisyon, posibleng bilang Pangulo, si Chiz.

Ngunit ayon kay Heart, “Of course, people would like to think na election thing, but really, we’re normal people these days.

“I’m just really going with the flow.

“Titingnan na lang natin and ia-announce ko naman.”

Pero tatakbo nga si Senator Chiz sa higher post sa 2016 elections?

Sagot ni Heart, “Well, it’s really not my business to talk about that.

“But he doesn’t really talk about those things, kasi if he’s running or not, you know, I will support him with whatever he’s doing, that’s for sure.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa press conference ng pelikulang Trophy Wife kahapon, July 10, sa The Library, Metrowalk, Pasig City.



FUTURE FIRST LADY? Biro naman namin sa kanya, magiging perfect “First Lady” kaya siya sakaling tumakbo nga at manalo si Chiz?

Sagot ni Heart, “Maybe I won’t be the perfect, but I would be better.

“I don’t know how to answer that… I don’t want to talk anything about politics.

“Basta magkahiwalay kami ng business kumbaga.”

Nai-imagine niya ba ang sarili na magiging First Lady?

“No, I don’t like to imagine that.”

Sisiguraduhin ba niyang mayroon silang pre-nuptial agreement kung saka-sakali?

Ayon kay Heart, “Parang ayoko naman yatang pag-usapan.

“Parang it’s so gross naman to talk about those things. Money matter is the worst thing to talk about.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling ikasal na siya, hindi ba ito magiging problema sa network contract niya?

“Oh, nothing. Kung may problema, aayusin na lang sana. I never let showbiz run my life naman,” sabi niya.

IT TAKES TIME. Dahil napag-uusapan na ang tungkol sa kasal, kinumusta na rin kay Heart ang relasyon nila ngayon ng kanyang mga magulang.

Saad niya, “I’m better with my dad.

“Actually, my mom, we haven’t really talked.

“I think, it still needs a bit more time.”

Masama pa rin ba ang loob niya sa mommy niya?

“No, hindi naman masama. I’ve really forgiven her with everything.

“But, I guess, you can say that I’m just traumatized with what happened.

“It takes time.”

HAPPY FOR HER FRIENDS. Masaya naman daw si Heart ngayon para sa mga kaibigan niyang sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi dahil sa kani-kanilang lovelife.

Nagkasama ang tatlo sa GMA primetime series na Legacy (2012) kung saan nabuo ang kanilang pagkakaibigan.

Sabi ni Heart tungkol sa kanyang dalawang kaibigan, “Masaya naman sila sa buhay-buhay nila. So, masaya rin ako para sa kanila.

“Palagi silang dalawa ang single, ako palagi yung taken.

“So, ngayon, nararamdaman ko na parang kapag busy sila sa life nila, nale-left out ako.

“Pero I’m very supportive and I understand that they need also the time for their special someone.”

Si Lovi ay kakaamin lang na boyfriend niya na si Rocco Nacino. Si Alessandra naman ay nali-link ngayon sa aktor na si Sid Lucero.

May “pagpapaalam” bang naganap sa kanila ni Alessandra dahil minsan na ring naugnay kay Heart si Sid?

Natawang sagot ni Heart, “Paano ba… kasi nakakahiya, ayoko silang pag-usapan dahil hindi naman nila pinag-uusapan.

“Ayoko silang unahan, but wala, wala talaga akong isyu on whoever Alex is dating.

“I’m very happy for her na after seven years, she finally found someone.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, aminado siyang may namamagitan na nga kina Alessandra at Sid?

“Hindi ko alam kung nagdi-date sila or sila ba… ewan. Basta sa kanila na yun!” natatawang sagot niya.

Siya rin ba ang dahilan kung bakit umamin na si Lovi tungkol sa kanila ni Rocco?

Kuwento ni Heart, “Parang nag-uusap lang kami ni Lovi. Sabi ko, ‘Aminin mo na, aminin mo na.’

“Kaya ang lakas ng sigaw ko, kasi noong inamin niya, nagpakatotoo siya.”

Si Alex na kaya ang susunod na aamin?

“Ewan ko sa kanya, sobrang private kasi nun.”

Totoo bang sumama ang loob sa kanya ni Alessandra?

“Ay, hindi naman, wala naman siyang isyu.

“Actually, hindi pa kami nag-uusap.

“Pero tawa lang siya nang tawa sa isa naming kaibigan. ‘Si Heart talaga, ano nangyayari?’

“But I know she’s very busy, she has a movie, e. So, hindi kami nagkikita.”

Nasorpresa ba siya nang ma-link sa isa’t isa sina Alex at Sid?

Saad ni Heart, “E, kasi, ang hirap kapag sasabihin ko na na-excite ako, e, di kinunfirm ko.

“Kung puwede ko lang i-confirm, super open book talaga, but then, I don’t wanna say.”



WORKING WITH JOHN. Kasama ni Heart sa Trophy Wife si John Estrada.

Matatandaang noong 2006 ay nagkaroon sila ng isyu na muntik nang nauwi sa pisikal na engkuwentro sa pagitan ni John at ng boyfriend that time ni Heart na si Jericho Rosales.

Read: Jericho Rosales and John Estrada kiss and make up

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay John?

Sabi ni Heart, “Oh, there wasn’t really anything.

“Actually, it’s really disgusting to think about it, kasi I was 17, 18 then.

“So, wala namang ilangan or whatsoever.”

Pero natatawang dagdag niya, “Although… oo nga, ngayon ko lang naisip.

“I forgot na about that chapter of my life.

“Medyo matagal na yun, but no, nothing at all.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya nagdalawang-isip nang malaman niyang makakasama sa cast ng Trophy Wife si John?

Tugon ng 29-year-old actress, “No, not at all.

“I think I’ve been through worst in my life to think about those little things, so it’s not at all an issue.”



UNPRODUCTIVE. Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Heart kung ano ang susunod na soap na gagawin niya sa Kapuso network, pero may inilalatag na raw sa kanya.

Pero biro rin niya, “Okey lang din kahit hindi, kasi nakakapagod.

“Kasi, it takes a lot of emotional investment, time, so much waiting time.

“I think, I’ve been growing as a person with all my experiences in life.

“And sometimes, when I’m in taping, masyado akong walang ginagawa sa taping.

“So, feeling ko, hindi ako ganoon ka-productive.

"But, of course, I have to follow my contract and, yes, I am still an artista.

“So, yes, I still have to do soap very soon.

“But, I think, it’s choosing the right soap.

“I don’t think nandoon ako sa stage na I’ll just accept, accept. I’m choosing the right soap for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN