Jeric Gonzales has no beef with GMA for non-inclusion in My BFF; hopes to be paired with Thea Tolentino again

Kapuso young actor Jeric Gonzales is busy completing his acting workshops, speech lessons, and song album for YouTube while waiting for his next GMA project.


Hindi pa raw alam ng Kapuso young actor na si Jeric Gonzales kung ano ang kanyang next soap matapos maudlot ang kanyang pagpasok sa teleseryeng My BFF.

Ayon kay Jeric, “Wala pa naman silang sinabi kung ano yung next show ko, basta sabi lang nila, hindi muna ako makakasama sa My BFF.

"At sinabi nila yung reason na maliit nga daw yung role at nanghihinayang sila kung yun lang ang ibibigay sa akin."

Pahayag pa ni Jeric, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong premiere ng pelikulang KamKam last July 6, wala siyang tampo sa network.

“Mas maganda daw kung maghihintay na lang ako ng next project na maganda yung role at babagay sa akin.

“Nung nalaman ko yun, medyo nag-isip ako, pero ayos lang naman kasi maganda naman kung malaki yung role ko.

"Medyo okey naman yung mga roles ko dun sa ibang mga soaps na nasamahan ko.

“’Tsaka mas magandang role, mas magandang opportunity yun sa akin. Yun na lang bale yung inisip ko.

“Kaya naman naiintindihan ko sila, sila naman ang nakakaalam ng plano sa akin."

Patuloy ng Protégé winner, “Sakto naman, habang naghihintay, magiging busy muna ako sa pagwo-workshop para mas mahasa ang pag-arte ko.

“Sabi naman nila, as soon as matapos daw yung workshops ko, ilalagay nila ako sa mga bagong shows ng GMA.

“By August, tapos na yung workshops ko.

"Para ’pag binigyan nila ako ng show, ready’ng-ready na ako."



THEA TOLENTINO. Umaasa naman si Jeric na magkatambal sila uli ng una niyang ka-loveteam na si Thea Tolentino sa next project na gagawin niya sa GMA.

Biro niya, “Baka nga kaya hindi pa nila ako binibigyan ng next project, e, hinihintay nila na matapos si Thea sa Half Sisters para ipareha ulit sa akin.

“Sana nga ganun, kasi kahit papa’no, maganda na yung tandem at chemistry namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Willing akong maghintay.

“May mga iba naman akong ginagawa kaya okey lang sa akin maghintay ng next soap, ’tapos si Thea pa yung makakasama ko ulit."

Masaya raw si Jeric para sa dating ka-loveteam dahil mataas ang ratings ng show nito.

“Happy ako for her, kasi magaling naman talang umarte si Thea at alam kong gustung-gusto niya yung ginagawa niya.

“Nakakadalawa na siya, kasi nung Pyra, mataas din ang ratings. ’Tapos itong Half Sisters, mataas din.

"Proud ako sa kanya masaya talaga ako."



YOUTUBE. Bukod sa acting workshops ay ongoing pa rin daw ang English at speech lessons ni Jeric para na rin sa paghahanda niya sa kanyang YouTube show.

Saad niya, “Nandun na kami sa part ng hosting in preparation na rin sa mga future projects na puwede akong mag-host at para sa YouTube shows ko na rin.

“After ko kasi kumanta, nagsasalita ako para imbitahan yung mga tao na i-view yung ni-record kong songs sa YouTube, para dumami yung views at likes .

“Bale para akong nagho-host dun kaya kailangan ko talagang mag-aral kung papa’no ang mag-host.

“Bale isang song na lang ang kulang namin at pagkatapos, ipu-post na namin sa YouTube.

"Sana marami ang manood at mag-like para masundan pa."



SONG ALBUM. Nangangarap din daw si Jeric na magkaroon ng sariling album.

“Dream ko rin na magka-album kasi kumakanta ako at naggigitara.

"Dream ko rin na magkaroon ng hit song.

“Mas gusto ko ang pop/acoustic kasi mahilig ako maggitara, at the same time, pop yung mga songs ko.

“Gusto ko rin na maisama sa album ko yung original composition ko, kasi ngayon nagko-compose na rin ako.

"Isa pa sa dream ko siguro, maka-duet si Thea para may halong kilig ang album ko."



COSMO BASH. Isa si Jeric sa rarampa sa Cosmo Bachelor Bash ngayon 2014.

Kuwento niya, “Nag-pictorial na kami... ayaw ko munang i-reveal kung ano yung suot ko or may suot ba ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gawin muna nating misteryoso, abangan na lang nila paglabas ng magazine ng Cosmo.


“At abangan din nila ang gagawin ko ’pag rumampa na ako.

"Basta ipapangako ko sa kanila na mas daring na Jeric ang mapapanood nila dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN