Charlene Gonzalez keeps mum on separation rumor with Aga Muhlach

Looking slimmer and flawless in her white backless gown, Charlene Gonzales seems undaunted despite recent talks about her supposed marital conflict with Aga Muhlach. In an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), she even talks about their family’s plan to go abroad before their kids go back to school in August.


Tila ayaw nang patulan ni Charlene Gonzalez ang kumalat na balitang muntik nang mauwi sa hiwalayan ang labintatlong taong pagsasama nila ng kanyang asawa na si Aga Muhlach.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters si Charlene sa media launch ng “Most Beautiful Stories” campaign ng Pond’s beauty product, sa The Peninsula Manila, Makati City, kagabi, July 10.

Sinubukang tanungin si Charlene kung paano nito hinaharap ang mga intrigang may kinalaman sa buhay mag-asawa nila ni Aga.

Ngunit tanging matamis na ngiti lang ang isinagot ng TV host-actress, at hinayaan na isang kasama niya ang maayos na makiusap sa entertainment reporters na huwag nang magtanong ng masyadong personal na isyu.

Kaunay ito ng natanggap na impormasyon ng PEP na nagsasabing nagkaroon daw ng matinding marital conflict ang celebrity couple.

Ito ay sa kadahilanang natuklusan diumano ni Charlene ang tungkol sa “20-year-old dancer” na karelasyon ni Aga.

Ngunit mariing pinabulaanan ni Aga ang intrigang ibinabato sa kanya at ginarantiyang maayos ang lahat sa pagitan nila ni Charlene.

Pahayag ni Aga sa ipinadala nitong Facebook message sa PEP, bilang paglilinaw sa isyu, noong July 5: "Thank you for your concern my friend. Really appreciate it. Hayaan na natin sila. We’re all good, no worries.”

Kasabay nito ay naglabas din ang PEP ng ulat tungkol sa video ng romantic breakfast surprise na inihanda ni Charlene para kay Aga noong magdiwang sila ng kanilang 13thwedding anniversary noong May 28.

View: Aga Muhlach, Charlene’s Gonzales 13th anniversary wedding videos



VACATION MODE. Hindi man nagsalita si Charlene sa kontrobersiyang kinasangkutan nila ni Aga, nagpaunlak pa rin ang dating beauty queen ng panayam tungkol sa plano nilang magbakasyon kasama ang kambal na anak na sina Atasha at Andres.

Nagkataon kasing summer break ngayon sa pinapasukang paaralan ng dalawang bata kaya nilulubos daw nila ang pagkakaroon ng bonding moments bilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging sina Aga at Charlene ay parehong walang pinagkakaabalahang TV projects ngayon.

Sabi ni Charlene, “We plan to go abroad. We don’t know yet where. But we’re taking advantage of the summer break.”



WHAT’S NEXT? Nagpaalam sa The Buzz si Charlene nang sumailalim sa reformatting ang programa noong October 2013.

Si Aga naman ay huling napanood sa game show na Let’s Ask Pilipinas ngayong taon.

Nagtapos na rin ang three-year-contract ni Aga sa TV5, ngunit sa ngayon ay ayaw munang pag-usapan ni Charlene kung ano ang susunod na plano ng asawa pagdating sa showbiz career nito.

Sabi ni Charlene, “Yeah, he’s on break also.

"Napag-usapan na namin na when the kids are back to school in August, that’s the time we’d really discuss [work].”

Kung saka-sakali ay bukas ba siyang makatrabaho si Aga sa isang acting project?

Sagot ni Charlene, “I don’t know. We have worked before in Oki Doki Doc. We’ve done commercials together.

“Pero parang nakaka-tense ‘pag magkasama kayo.

"I don’t know... I don’t want to say no. I don’t want to say yes.

“I guess, you can say I’m not closing my doors. Let’s see.”

Kadalasan ay TV hosting ang tinatanggap na proyekto ni Charlene. Nami-miss ba niya ang pag-arte sa telebisyon at pelikula ‘tulad noon?

Sagot niya, “Sometimes I do.

"I think sometimes, in the back of my mind, gusto ko siyang subukan because it’s been quite some time.

"But nothing really like full time because of my family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN