Sophie Albert supports one million signatures campaign for Nora Aunor

Sophie Alberts counts the chance to work with Nora Aunor in a teleserye as a crowning achievement. She says, "I’m really blessed na nakatrabaho ko siya sa Never Say Goodbye."


Naniniwala si Sophie Albert na dapat mahirang na National Artist ang Superstar na si Nora Aunor.

Kaya raw nagpapasalamat ang TV5 young actress sa pagkakataong maipakita ang pagsuporta sa Superstar sa pagpirma sa one million signatures campaign na nangyari sa Cinemalaya 2014 presscon noong Hulyo 9.

Kabilang si Sophie sa pelikulang #Y (Hashtag Y) na entry sa New Breed category ng Cinemalaya.

“I actually signed the petition for her during the Cinemalaya presscon.

"I signed the petition because I believe she deserves to be a National Artist.

"For one, yung mga accomplishment pa lang niya, she shouldn’t be denied the recognition.

"She represents also yung Pilipinas sa iba’t ibang film festivals abroad and she has proven herself.

"She deserves it because apart from being a good actress, she’s also a good person.

"She’s really an amazing person,” ani Sophie.

HUMBLED. Puro papuri nga ang namutawi sa bibig ni Sophie para kay Ate Guy nang magkatrabaho sila sa Never Say Goodbye noong 2013.

Saad ng Artista Academy winner, “Parang feeling ko, never nawala yung paa niya sa ground, napaka-down to earth niya.

"Kung sa iba siguro napunta yung dami ng accomplishments niya, parang feeling ko, hindi na nito papansinin yung mga baguhang katulad ko.

"Pero si Ate Guy, talagang she’ll give you that special treatment na, ‘Hoy kumusta ka? Kumain ka na?’

"Yung mga ganun na nakakataba ng puso.

"Wow, parang feeling mo, sobrang importante mo talaga na kinausap ka at binigyan ka niya ng oras.

"Talagang sobrang nagulat ako na sobrang bait niya. She’s one of the sweetest people ever."

Sa tuwing magkikita nga raw sila sa TV5 events ay hindi nagbago ang pakikitungo ng Superstar sa kanya.

“Yung greeting niya nakaka-humble kasi, ‘Mga anak ko!’

"’Tapos yayakap siya, parang kinikilig ako.

"Kaya I’m really blessed na nakatrabaho ko siya sa Never Say Goodbye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, talagang yun ang isa sa mga top accomplishments ko, achievement talaga yun.

"She’s really nice. I can’t say anything bad about her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN