Alessandra de Rossi remains tight-lipped about being linked to Sid Lucero

If ever she falls in love, Alessandra de Rossi says she is likely to emulate her mom. “Maalagain siya, submissive rin siya kapag kailangan…"


Ayaw pag-usapan ni Alessandra de Rossi ang aspeto ng lovelife o kung mayroon nga bang karelasyon ngayon.

Nali-link ngayon ang Kapuso actress kay Sid Lucero, na matagal na rin niyang kaibigan.

Nanindigan si Alessandra na hindi pag-usapan ang estado ng kanyang lovelife nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real, kahapon, July 10, sa Cucina Ni Bunso restaurant.

Nilinaw namin kay Alessandra na mayroon kasing lumalabas na balitang diumano’y nagtatampo raw siya sa kaibigang si Heart Evangelista.

Ito ay dahil parang naibuko raw ni Heart sa Startalk noong Sabado na may “something” sina Alex at Sid.

Ngunit tanggi ng aktres, “Saan ‘yan? Hindi... hindi.”

Noong nalaman niya ang tila excitement ni Heart tungkol sa "something" nila ni Sid, hindi ba niya ito tinawagan? Ano ang naging reaksiyon niya?

“Hindi, wala,” maikling tugon ni Alex.

Natawa na lang ba siya?

“Hindi,” sambit niya.

Natatawa naman kay Alex ang nakikinig na si Lovi Poe, co-star niya sa Ang Dalawang Mrs. Real, dahil ito lang daw ang nakakasagot ng ganun sa mga interview.

LIKE MOM. Kahit na napakatipid ng kanyang mga sagot, kinulit pa rin ng PEP si Alex sa pagtatanong, ’tulad ng kung paano ba siya ma-in love.

“Paano naman tayo napunta diyan?” balik-tanong naman niya.

Natawang dugtong ni Alex, “Kung paano ma-in-love ang ibang babae… na in love, ha!”

Nakikita niya ba ang sarili sa kanyang mga kaibigan na sina Lovi at Heart kapag nai-in love ang mga ito?

“As my mom siguro,” sagot ni Alex.

Paano ba ma-in love ang mommy niya?

“Maalagain siya, submissive rin siya kapag kailangan, ganun…”

Masaya ba siya ngayon?

“Saan galing ‘to?” reaksiyon niya.

Biro pa niya bilang pag-iwas sa tanong, “Hello! Ikaw ang host ng Basta Everyday Happy, hindi ka masaya?’

"Hello! Basta, every day, happy!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WHAT IF. If ever na magkaroon siya ng boyfriend, bilang pitong taon na rin siyang single, hindi ba niya ito ise-share sa publiko?

“Kapag gusto ko siguro, hindi pipilitin,” sagot niya.

Yung natural na lang na maibabahagi mo?

“Oo, basta kailangan…”

Ngayon, hindi pa niya nararamdaman na kailangan niyang mag-share?

“Ano ang ise-share ko? Basta every da,y happy!” natatawang sagot niya.

Naniniwala ba siya na kahit paano ay she owes it to the public, lalo na sa mga sumusuporta sa kanya, na ibahagi kung anuman ang mga nagpapasaya sa kanya?

“Puwede, at some point, puwede naman.”

Inspired ba siya ngayon?

“Basta every day, happy! Ako pa? Palagi naman akong inspired.

"Smile ka lang palagi kahit feeling mo heavy, sabi ng theme song, charot!” tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN