Rhian Ramos chooses to focus on My Destiny and car racing: "I don’t wanna think about a lovelife."

Rhian Ramos welcomes her role in My Destiny as an ailing person—a departure from her usual slew of heartsick characters in her eight years of doing soaps.


Matagal ding hindi nakagawa ng soap si Rhian Ramos pagkatapos siyang napanood sa seryeng Genesis na huling umere noong Disyembre 2013..

Ngayon ay kasama siya sa cast ng bagong primetime series ng GMA na My Destiny, kung saan gumaganap siya bilang kapatid ni Carla Abellana.

So far, masaya siya sa magandang feedback sa unang week ng airing nito.

“Siyempre, touched na touched kami,” pahayag ni Rhian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Kasi ‘yong mga tao, they’re making sure na talagang maramdaman naming ‘yong feelings nila for the show.

“Talagang tweet sila nang tweet. So far trending kami every night pati worldwide.

“So talagang thankful kami siyempre. Personally I feel like a huge weight has been lifted, ninenerbiyos ako at first.

"Then no’ng ipinalabas na ’tapos nakita namin ‘yong reactions ng mga tao, parang all the more we want to give our best."

Inilarawan din ng aktres ang mga katrabaho niya sa set. Kasama rin sa serye sina Tom Rodriguez at Sid Lucero.

“It’s my first time to work with Sid, Carla, and Tom.

“Most of the time though, ‘yong mga nakakaeksena ko lang naman ay si Carla.

“Naka-two scenes pa lang kami ni Tom. And kami ni Sid, wala pa.

“In terms of working with Carla, sobrang easy, it feels very, very natural.

“Kasi I think both me and Carla in real life, pareho kaming mag-sister.

"And I think mas madali kaming nakakapasok sa role namin bilang magkapatid kasi everytime I look at her, parang I realy feel the love kaagad.

“Because I know what it’s like,” pagtukoy niya sa karakter nila ni Carla.

“So, ayon, all my scenes with Carla are easy kahit ngayon pa lang kami nagkatrabaho.

"I don’t know why, it’s like alam na namin kung ano ang gagawin namin sa isa’t isa to make the scene work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TOUGH ROLE. Ayon kay Rhian, mahirap daw gumanap bilang isang may sakit na first time niyang mai-portray sa My Destiny.

“It’s difficult kasi maraming mga feelings na hindi pa natin naiintindihan at nararamdaman when you’re just living your life from day to day, thinking for your own thing.

“Pero when I’m in character and then, especially ‘yong part na nalaman kong my sakit pala ako, do’n ako nahihirapan.

“Kasi parang it occupies your mind 100 percent of the time.

"Kahit may iba kang ginagawa, somewhere naiisip mo pa rin.

“So may gano’ng factor, medyo do’n ako nahihirapan.

“And then I’m working on ’yong pag-uwi ko, convincing myself that everything is okay!” tawa ni Rhian.

“It’s the kind of feeling na ayaw mo siyang dalhin pauwi.

"Minsan kasi nangyari ‘yon na kakatapos mo pa lang sa isang scene na medyo malalim, yong talagang concentrate na concentrate ka, nadadala mo, e.

“So, ayon, that’s what I’m working on.

“Just after the scene, once na narinig ko na ‘yong cut, it’s very important to let go.”

FRESH PEG. Saan ba niya hinuhugot ang emsyong kailangan ng karakter niyang may sakit?

“I don’t know, it’s just very important to me.

“Kasi matagal ko nang hinihingi ‘yong ganitong klase ng role na deglamourized, na hindi about sa love.

“Iyon nang gusto ko kasi nasanay na ako kapag nagkakaroon ako ng soap, alam ko na ‘yong feelings na self pity, love, ‘yong love na hindi mo masabi.

“It’s usually different levels of love and I wanted sana, before pa, for my next show, okay lang na hindi love.

“Ayoko ng tungkol sa ‘yong number one person in my life is the guy that I’m in love with, parang gano’n.

“So here in My Destiny, siyempre there’s still love, but it’s all centered on my family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And the focus of my character also is my sickness.”

Bakit ayaw muna niya ng project na ang sentro ng kanyang karakter ay yung pag-ibig sa kanyang kapareha?

"Kasi feeling ko parang nakaka-typecast na, parang eight years ko nang ginagawa.

“’Tapos you know, it’ always the same type of medyo leading lady na nakadepende sa guy na she’s in love with na…’I need him, I need him, help!’

“So I wanted for my next role, something where I don’t have to be fixed and pretty all the time.

“Siyempre sa start, I mean beauty queen kasi ang character ko as Joy sa My Destiny.

“I just wanted something new, fresh, and different.

"So that when people see it, ibang side naman.”

FOCUSED ON WORK. Nabanggit na rin naman niya ang love, ano ang update sa kanyang love life ngayon?

“Ayon, it’s dead right now!” tawa ulit ni Rhian.

“But I think it’s exactly what I need right now, to just have a very quiet love life.

“My love life is not a love life right now, it’s more of a friendship kind of…

“The time that I spend socially is more on friendship.”

Is she seeing someone right now?

“No."

Nakahiligan rin Rhian ang car racing kaya “a lot of my spare time is spent in Clark practicing..."

Madalas rin daw siya "...in the gym trying to lose weight for the role."

Dagdag pa ni Rhian, “So right now, habang ginagawa ko itong role ko sa My Destiny, kahit wala ako sa set, my life is still medyo focused on the role.

“Kasi marami akong changes na gustong gawin physically para nagma-match siya sa story.

“I’m hoping to get that effect.

"Siyempre hindi ko rin maga-guarantee kasi ayoko ring magkaroon ng some kind of a deficiency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I need all those vitamins, I need to stay healthy.”

BASHERS. Aware daw si Rhian na may fans na ang tambalan nina Carla at Tom.

At natutuwa naman daw siyang walang nangba-bash sa kanya.

“At the moment, everyone is just happy about the show, e.

“I was actually expecting na ‘yong mga fans ng TomCarl would have a problem with me pero so far hindi naman.

“I guess they know naman that I’m just playing role.

"And alam naman natin na in the end, the show is about destiny at sila naman yong destiny ng isa’t isa.

“So there’s nothing to worry about!” sabay ngiti ni Rhian.

Dati, nagkaroon na rin siya ng mga bashers at grabe kung banatan siya ng mga ito.

“When I find something funny about the insult, I make fun of the insult.

"But kung medyo foul, wala, I just don’t deal with it.

“Ayoko lang pansinin, there’s no point.

“Kasi hindi mo rin naman kilala ‘yong mga tao na ‘yon, hindi ka rin naman nila kilala.

“So parang hindi nila rin alam ‘yong sinasabi nila, deadma na lang.”

Pagdating naman sa mga showbiz projects, wala raw siyang ibang pinagkakaabalahan.

“I’m just focusing on My Destiny, which takes up all of my brain waves right now.

“Uhm, I really don’t need anything else!” sabay ngiti ulit ng aktres.

“And I’m racing. And that’s it.

“It’s already hard enough trying to split my schedule between racing pa lang and working out pa lang.

“I really need my free days because I think it’s necessary to look the part.”

At ayaw muna niyang isipin kung sino ang susunod niyang magiging destiny na makarelasyon o mamahalin?

“No. I don’t think I can still be sane and handle more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think this is my limit. I just wanna focus because I wanna do a good job.

“I don’t wanna tke more responsibilities in. I don’t wanna think about a lovelife.

“I don’t wanna think about any other responsibilities. I’m not gonna take up a new sport anytime soon.

“So I’m just gonna put all of my energy on what I have now para what comes out is a good result.

“Kasi when you’re doing too many things, kalat ka na, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN